Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CHAPTER 8

Pagkatapos ng mahabang diskusyunan ay napagpasyahan na ng dalawang magpaalam sa isa't isa.

Pagkadating ni Syrine sa kanilang apartment, ay naririnig nitong nagkukwentuhan ang tita Janet nya at ang kaniyang ina. Kaya nakangiti itong pumasok sa loob.

"Wow ang dalawang magkapatid miss na miss ang isa't isa" Pagbibiro sakanila ng dalaga, kaya napadako ang tingin nila dito.

Nakipag beso naman ang dalaga sa kanyang tita.

"Ang tagal mo naman sa kaibigan mo, anong ginawa mo dun?" Tanong ng tita nito.

"Tsaka anak, Sayren. Ba't iba na iyang suot mo? kanino ka ba nakipagkita?" Sunod na tanong ng ina nya.

"A-ah eh ano nay....k-kay Sandra po. Nadulas ako banda dun sa eskinita nila hahahaha, ayun pinahiram nalang ako ng damit"

Pagpapalusot nito. Kaya natawang umiling iling nalang ang ina at tita nya.

Igagala na sana ni Syrine ang paningin nya, ngunit nagulat ito nang makita ang binatang si Yuan na nasa likod ng pinto, nakakrus ang braso at diretsong nakatingin ng matalim sa dalaga.

"A-andito ka pa pala?!" Sigaw bigla ng dalaga.

Matalim naman na tumingin sa gilid si Yuan at ibinalik ulit ang tingin sa kanila.

"Ma, I'll just wait outside." Maikling sabi nito at maikli ring tumango sa tita ni Syrine.

"Osige Yuan..."

Sinundan ng tingin ng dalaga si Yuan habang palabas ng pinto. Hindi naman maiwasang kabahan ang dalaga sa nakita.

'Teh....nag death glare teh! Ano bang problema non?!!'

"Uy alam mo te, ang gwapo talaga ng alaga mong yon no? ireto mo naman si mikmik don--"

"Tita?!" Sigaw ni Syrine bigla at tumingin na animo'y nandidiri ang dalaga sa sinabi ng tita, matapos sundan ng tingin ang binata.

Tumawa naman ang ina sa dalawa.

"Oh bakit? Magugustuhan nama--ay sa'yo na ba yung poging yon? Ikaw ha Syrine, akala ko ba si Matteo lang?" Lumukot lalo ang mukha ng dalaga.

"A-ano bang pinagsasabi nyo jan tita! H-hindi ko gusto yung amo ni nanay no! T-tsaka grabe ka tita, anak mo po kaya si Matteo! Pinsan ko yon!" Nagmamaktol nitong sagot aa tita nya. Kaya natawa lalo ang dalawang magkapatid.

"Nagdadalaga ka na nga, di mo alam yung joke" Natatawang umiiling na saad ng tita nito.

Napakamot nalang ng ulo si Syrine at may napagtanto.

"Nay, ba't nga pala nandito pa yon? Tsaka anong I'll wait outside I'll wait outside?" Takang tanong ng dalaga at umupo sa maliit nilang upuan.

"Ah ayun ba--"

"Wag nyo ho sabihing magtatrabaho pa din kayo?! Ako na nga magtatrabaho nay, magretired kana para maging malakas ka!"

"Ay sasabihi--".

"Matagal kona kasi kayo pinatitigil eh, tignan mo na po nangyari!"

"Ang akin nga eh--"

"Kaya ko naman pong mag aral at magtrabaho! Magagawa ko yun, ako--"

"Papakinggan mo ba'ko o hinde?" Seryoso na saad ng ina nito kaya napatahimik at napanguso sa huli si Syrine.

"Wala ka pa ding pagbabago Syrine, makulit ka pa din sa nanay mo" Pang aasar ng tita nito sakanya kaya lalo itong ngumuso at nagkrus ng braso.

"Ang sasabihin ko nga sayo, ay dahil hindi na'ko pwede magtrabaho ngayon. Ikaw nalang ang papalit saakin"

Tumango ang dalaga at nakikinig sa ina.

"Kaya....ikaw ang magiging kapalit ko bilang kasama sa bahay ni Yuan" Malaki ang ngiting saad ng ina sa dalaga.

Tumango tango naman ang dalaga ngunit napaangat din agad ng ulo at napatayo.

"Ano nay?! A-ayoko! Maghanap nalang sya ng bagong papalit sayo! At ako...maghahanap ako ng trabaho ko!" Mabilis na bulalas ng dalaga sa ina, kaya sinamaan ito ng tingin ng kanyang ina.

"Ano ka ba?! Ako nalang ang pinagkakatiwalaan ni Yuan, hindi na nya kayang maghanap pa ng bagong kasambahay"

"E-eh ako! H-hindi naman ako ikaw! Hindi nya ako mapagkakatiwalaa--aray! Inaano kopo ba kayo" Pagmamaktol ng dalaga nang bigla siyang sapukin ng ina.

"Napaka isip bata mo talaga, wala nang pero pero. Ako ang nakaisip nito, para naman hindi kana din mahirapan sa paghahanap tapos hindi mo naman alam kung mabait ba o hindi yung magiging amo mo--"

"HINDI NAMAN SYA MABA--ARAY KO PO!" Mangiyak ngiyak nang sigaw ng dalaga sa ina nang hampasin nito ang braso nya.

"Ano ka ba, mabait yun! Hindi lang kayo magka-sundo ngayon" Pagtatanggol naman ng ina nito sa binata.

ngumuso nalang ito nang napakahaba at humalukipkip sa sulok.

"Hindi ako sasama" Kuwaring nagtatampo na saad ni Syrine.

"Kung ayaw mo, osige na ako nalang ang sasa--" 

"Eto na nga po oh aalis na" Tsaka padabog na inayos ang gamit nya.

Napagtanto naman nya bigla na wala na pala siyang malinis na damit, dahil balak nito sana maglaba ngayong araw.

"Nay....wala napo akong damit na malinis, bukas nalang o sa isang araw mo'ko ipa--"

"Ay dalhin mo na ang mga marumi mo at dun mo na labhan, maglalaba ka din naman ng damit ni Yuan"

Napakamot nalang sa inis ang dalaga at nag impake na, nang hindi ito nakalusot.

Ang Yaya Kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon