Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CHAPTER 10

Nang nakarating si Syrine sa bahay galing sa paggogrocery, dire-diretso na itong kumilos. Sinalansan na nito ang mga pinamili, at dumeretso sa lababo para maghugas ng plato, tsaka nito naisipang maglaba na, habang tumutulong maglinis sa mga bakanteng kwarto si Paula.

Kinuha nito ang basket at tsaka na umakyat sa taas para kunin ang damit nya at ng ibang mga kasama na malapit sa kwarto nya. Sunod ay pinuntahan nito ang kwarto ni Yuan.

Kumatok ito ng tatlong beses, ngunit walang sumasagot. Kaya inulit nya ito, pero wala pa din. Napabuntong hininga nalang si Syrine at nilakasan ang katok ng makailang beses.

At sa wakas narinig nito na may tumunog sa loob, ngunit nang kakatok pa'to ulit ay bigla nang bumukas ang pinto.

"Ano ba?! Parang walang natutu--Syrine?! Ano nanaman ba?!" Pikon na pikong sigaw ng binata sa harap ni Syrine, na magulo pa ang buhok at halatang bagong gising.

Napatingala naman ang dalaga dito.

"Ang pogi--este ano kukuha ako ng maruming damit!" At dali-daling pinasok ang kwarto ni Yuan, tsaka kinuha ang mga marumi na nasa isang basket.

"Rule no. 2, don't come at my room unless I ALLOWED you to come. You understand Say-Say?" 

"Y-yes Master! Alis na ko--" Napatigil naman si Syrine sa pagmamadaling umalis nang harangin sya ni Yuan.

"Ano pa ba yon?!" Sigaw ng dalaga dito.

"Clean my room later, idiot."

"Aba--sabihan mo ko ng maayos hindi yung may pa idiot idiot ka pa jan!"

"Ba't kasi nagmamadali ka?"

"Baka umatake nanaman bigla yang kalib--haha sige po alis napo ako Ser Master Boss" Sabi nang dalaga nang makitang nagdidilim nanaman ang titig sakanya ng binata.

"That's a fcking illness. Kaya kung hindi mo rerespetuhin...okay, I will let you now to find some other job." Seryoso na seryosong sambit ni Yuan sa dalaga at iniwan ito mag isa sa kwarto.

Napatulala naman si Syrine sa sinabi nito.

'M-mukhang seryoso nga sya don......'

"Edi sorry na....." Napangusong sambit sa kawalan ng dalaga habang akap akap ang basket na may mga lamang damit, at lumabas na din ng kwarto.

----------

"KAILAN BA'KO MATATAPOOOOOSSSSS?!!" Malakas na sigaw ni Syrine, dahil alas-sais na ng gabi ay may mga nilalabhan pa ito.

"Nagbida bida ka kasi, hindi naman kasama sa nilalabhan yung mga damit namin. Ba't mo kinuha?" Mataray na singit ng isang katulong na laging taga-linis ng mga kwarto at minsan lang bumaba. Ito ay nasa bente anyos na dalaga lang.

"Malay ko bang hindi kasama yung sainyo" Singhal ng dalaga na hindi pinapansin ang katarayan ng katulong.

"Tsk, hindi na ko magtataka kung matanggal ka agad. Dahil sa ugali mong pang skwater."

"Wow.....sino ka ba?"

"Ikaw? Sino ka ba sa inaakala mo? Akala mo sasantahin ka ng mga kasama ko dito? DAHIL pumalit ka sa nanay mo?"

"Pake ko kung santahin nyo ko o hindi? Tsaka hindi nga kita kilala, pero ba't di ka nalang magpasalamat na kasama yung iyo sa nilalabhan ko"

"Bakit ako magpapasalamat? Ginagawa mo lang naman yan para magpabango sa amo namin. Tapos ano? Aakitin mo? Para may mahuthot kang pera!"

"Sumosobra ka nang witch ka ah!"

"Anong sabi mo?!"

"Akala mo din ba uurungan kitang mangkukulam ka?!"

"A-anong mangkukulam ka jan?!"

"BAKIT--may gusto ka ba sa amo natin?!"

"Wala ka na don! I-isusumbong kita kay nanay! Ewan ko nalang kung anong gagawin nya sayo!" Sigaw nya at tumakbo na palabas ng labahan.

"Siraulo yon, wag nyang sabihing mas matanda sya ng 2 years!" Singhal ng dalaga sa kawalan at nag unat para magsimula ulit maglaba.

Ang Yaya Kong SigaWhere stories live. Discover now