Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CHAPTER 1

Nakapamewang na tinatawagan ni Syrine ang nanay nya.

Sa inis nito matapos ang away nila ng di kilalang binata, ay gusto nalang nitong puntahan ang ina at maghingi ng pamasahe papunta sa tabing dagat na pinagpapahingahan nya.

"Hello nay?!" Bungad agad nito sa nanay nya pagkasagot ng tawag.

"Oh ano nanaman Say-say?!" Sigaw nito sa anak.

"Nasan ka?! Nanjan ho ba amo mo?" Hindi na mapakali si Say-say dahil sa inis at pagkapikon nito.

"Wala dito kanina pa umalis.Bakit ba nangbubulabog ka nanaman ha?! Ka aga aga!" Naiinis na ring sabi ng nanay nya.Siguro ay may lahi ang mga itong inisin.

"Ah-eh...hehe, punta ko jan ma" Pagpapaawa nito sa nanay nya.

"Sige na sige na! Pumunta ka na rito't kunin mo na ang pera mo! Se-segway pa'tong batang ito" At pinatay na ng nanay nya ang tawag.

Sa wakas ay natuwa na si Syrine dahil sa pagpayag ng nanay nya na pumunta sa bahay ng amo nito.Kadalasan kasi ay ayaw ng nanay nyang papuntahin ang anak dahil nandun ang amo nya at baka marinig ang napakalakas na boses ni syrine.

Naglakad ito habang sumisipol, na tila bang sya lang ang tao sa dinadaanan nya. Napaka angas ng dating.

Pagdating sa bahay na pinapasukan ng amo nya ay napanganga na lamang sya sa ganda nito. Hindi ito ang unang beses na pumunta sya pero dahil na din sa tagal, nagkakaroon ng bagong ginagawa sa bahay ng amo ng nanay nya. Kaya naman napapanganga ito sa t'wing pupunta dito.

Sa apartment lang kasi nakatira ang mag ina, kaya't todo kayod ang nanay nya para makabayad buwan buwan sa upa.

Pagpasok naman nya ay biglang sumalubong sakanya ang--

••••••••••••••

Ang Yaya Kong SigaWhere stories live. Discover now