Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CONTINUATION OF CHAPTER 7

"Wear mine"

"Ha?"

"Wear this." At hinubad ng binata ang damit nito.

"A-ayoko nga! Baka may pawis pawis na--"

"Nakapagpalit nako, bago kita hinintay dito" Masungit nitong saad.

"Hindi ako nagsusuot ng pinagsu--"

"Sige umalis ka, ewan ko nalang kung sino pa makaharap mo sa labas kung makita nilang may sumisilip dyan sa damit mo" Naiinis nitong sabi sa dalaga.

Kaya naman napanguso ang dalaga sa sinabi nito at hinablot ang damit na inaabot ni William.

Inamoy amoy pa nya ito upang makasiguro.

'Owemji ang bango~ugh...heaven--chars'

"Nilagyan ko ng konting pabango. Baka ayaw mo ng walang amoy na damit" Iwas nitong sabi habang binabalandra ang maganda nitong katawan.

'A-ano bang katawan yan?! owemji nahiya ang akin!'

"Witwiw, sexy natin ah" Pagbibiro ng dalaga dito. Natawa ng mahina ang binata.

Hinawakan nito ang magkabilang balikat ng binata tsaka itinalikod.

"Magsusuot na'ko kaya tumalikod ka muna" Sabi ng dalaga rito. Tumango naman ang binata at hinayaan itong magbihis.

"Nga pala, bakit ka ba laging nabubugbog non? Maganda naman katawan mo, ba't dika lumalaban?" Sabi ni Syrine habang inaayos na ang suot suot nya. Kinuha din nito ang dala nyang pabango na nasa napakacute na lalagyan, at nagspray sa leeg at damit nya.

Nakasanayan na ng dalaga ang magpabango tuwing galing sa pakikipag away.

"A-ah...yun ba? M-may malaking utang ako sakanila, at dahil 'di ko mabayaran agad. Tuwing pinapapunta nila ako jan, sinasaktan nila 'ko" Natatawa ngunit nangingilid ang luhang saad ni William. Napansin naman ito ng dalaga.

"Anong klaseng utang ba? M-may ginawa ka bang kinagagalit nila? May napatay ka bang kasamahan nila?!" Nagugulat nitong sigaw sa binata. Natawa ang binata sa asal ni Syrine at umiling.

"Hindi, baliw ka talaga. Pera inutang ko sakanila" Saad nito habang nakayuko.

"Magkano naman?"

"35,000"

"Ha?! Saan mo dinala yon?!"

"Pinanggamot ko kay mama"

Dahil sa sinagot ng binata, parang biglang may tumusok sa puso ng dalaga.

"N-nagsasabi ka ba ng totoo?"

"Hindi ako magsisinungaling para lang kaawaan ng iba"

"Tuwing kailan ka ba nakikipagkita sakanila?"

"Hindi mo na kailangang pumunta ulit. Hindi na nila ako papauntahin dito. Sa iba na kami magkikita nito, sa takot ba naman nila sayo nyan" Sagot ng binata sa dalaga habang natatawa.

"T-teka pala?! Baka buhay na ulit mga yon?! saglit titig--"

Pinuntahan ulit ni Syrine ang lugar kung saan nakalaban nya ang limang lalaki, ngunit wala na ang mga ito.

"Asan na sila?!"

"Hindi sila dumadaan dito, dun kasi daan nga mga bahay nila" At tinuro nito ang isa pang daan palabas sa lugar na iyon.

"Ahh, by the way....gusto kita tulungan. Utangan mo ko, hindi kita sisingilin. I mean bahala ka kung magbabayad ka o hindi" Nakangiting saad ng dalaga dito.

"Ayoko" Matigas na sabi ng binata at seryosong tinignan ang dalaga.

Sinamaan agad ito ng tingin ng dalaga.

"Sa tingin mo ba matutuwa mama mo kung malalaman nya, na kapalit ng pangpagamot nya eh pambubugbog sa anak nya?!" Singhal ni Syrine dito.

"Hindi mo naman ako ganon ka kilala pero kampante kang pautangin ako, sabihin mo nga .....guardian angel ka ba o diwat--"

"Anong pinagsasabi mo jan?" Pinagkrus nito ang braso nito at binigyan sya ng boring na tingin.

"W-wala....wala, basta ayoko"

"Pag pumayag ka, wala ka nang utang na loob sakin"

"Utang nalang meron? Hahahaha hindi, ayos lang naman"

"Ayos lang?"

"Oo ayos na--argh! a-ang sakit!" Biglang sigaw ng binata nang bigla itong suntukin ni Syrine sa mukha.

"Pinipikon mo na'ko eh!" Inis na sigaw ng dalaga dito.

"Oona sige na!" Singhal pabalik ng binata sakanya kaya naman nakipagbanggaan ito ng braso sa binata.

Natatawang napailing naman ang binata dito.

"Tomboy ka ba o ano?"

"Mananahimik ka o ano?"

Ang Yaya Kong SigaWhere stories live. Discover now