Ang yaya kong siga

8 0 0
                                    

-------"What's going on here? You're shouting so loud Manang Nina. What's wrong?"

Napatingin ang lahat sa kapapasok lang na binata habang kinukusot kusot pa ang mata.

"What's that's smell? Mukhang masara--what's with that face...Syrine? Manang?"

"S-Sir, hindi na kasi ako ginagalang nitong baguhan na ito eh, aba'y hindi kinikilala--"

"Hindi mo kinikilala ang katulad mo. Pare-pareho lang ho tayo dito, pero bakit nagrereyna reynahan ka?"

"Aba! Hindi ako nagrereyna reynahan! Kinakausap ko kayo ng maay--"

"Inuutusan mo si Paula nang may pagbabanta. Anong maayos?"

"Stop it. Manang....your first, what's wrong?"

"Nagluto raw sila ng sopas, aba'y pinapakuha ako mag-isa! At sinabi ko lang naman na bigyan ang ibang katulong. Nakielam naman itong baguhan na ito!"

Tinignan naman ni Yuan si Syrine ng masama at pinagkrus ang braso.

"Your cook seems so many, why don't you share it with--"

"Nagtanong ka na ba sakin?" Nakataas na kilay ni Syrine sa binata. Nakipagtitigan naman ang binata dito at bumuntong hininga.

"Go on, what's wrong with you?"

"Mukhang hindi mo pa 'ko kilala, nakalimutan mo ata akong ipakilala Paula? Bigyan nyo na yung anak ko at mga ibang katulong sa taas, bago pa ko mapikon sainyvo. Yan ang mismong sinabi mo, hindi ho ba Manang?"

Nagulat ang matanda at tumingin kay Yuan na prente lang na nakatingin ng diretso sa dalaga.

"O-oh eh ano naman! Hindi mo kasi ako kinikilala--"

"Manang, you said that?"

"N-Nadala lang ho S-Ser....." Nakayuko nang sagot nang matanda.

"I know you're the oldest here, Manang Nina. But don't cross the line too much. And by the way, she's MY personal yaya. That means, she'll only obey everything, if it's from my command"

"Also if this--happened again, I'm not gonna except you from getting fired. Now leave the kitchen and wait me to finish my breakfast."

At diretsong umupo sa dining table ang binata tsaka sinenyasan ang dalagang si Syrine na maghanda na. Tumingin muna si Syrine nang nakanguso sa matanda bago sundin ang binata. Sumulyap din ng huling masamang tingin ang matanda kay Syrine bago umalis.

CHAPTER 16

"Uy Say-say alam mo ba....simula nung dumating ka dito, hindi na gaanong nakakatakot si Ser Yuan...ang galing mo talaga!" Natutuwang bulong ni Paula kay Syrine habang naghihiwa ng patatas, saging at sibuyas.

Natawa naman ang dalagang si Syrine na naghuhugas ng manok na hiniwa nya.

"Kapag narinig ka bigla jan, lagot ka...."

"tsaka baka naman sadyang di nyo lang sya gaano nakakausap kaya akala nyo nakakatakot sya. Di naman kaya sya nakakatakot!" Proud na sabi ng dalaga kay Paula. Kaya natawa nalang si Paula dito.

Ngunit naalala ni Syrine bigla ang unang beses na nakita nito si Yuan nang may nakakatakot na awra.

Ito ay noong nasa kotse sila at suot suot ang pinahiram na damit ng nakilalang William.

Pinagpatuloy nalang nila ang paghahanda ng iluluto na nilagang baboy.

--------------

"Luto na ho ang pagkain ninyo" Pagbabasag ni Syrine sa atensyon ng magkakaibigang nagtatawanan at nagkukwentuhan habang nanonood.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Yaya Kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon