Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CONTINUATION OF CHAPTER 8 (1)

"Oh ayan! Naghanap na'ko ng pinakamura nila p*tanginang mura yan mapapamura ka pa din eh!" Singhal ni Syrine nang ibigay ang napiling plain tshirt kay Yuan.

"How much"

"Edi p*t@nginang animal na 499 lang naman" Singhal ng dalaga.

"Wear it now." At iniwan na si Syrine, kaya naman nagpunta na ito ng fitting room at isinuot ang t-shirt.

Pagkalabas nya ay wala na ang binata, kaya naman lumilinga linga itong pumunta sa counter at nagtanong.

"A-ah excuse me miss...."

"Ay Ma'am yung kasama mo po ba? Pinapasabi nya po hihintayin ka nalang daw nya sa kotse nyo" Nakangiting sagot na agad ng isang sales lady. Kaya nakahigang maluwag ang dalaga at tinanguan ang sales lady.

Pagkarating nito sa kotseng pinagparadahan ng binata, ay agad itong pumasok.

"Kakaltasin mo na ba agad to sa sweldo ko?" Bungad na tanong ng dalaga habang inaayos ang seatbelt nito nang hindi pa lumilingon sa binata.

"That's free for now. My no. 1 rule as your boss is don't put any kind of perfumes anymore." Napatingala naman ang dalaga at tumango nang nagtataka.

"Ganyan ka ba ka sensitive at pati pabango ayaw mo?"

"Yes."

Nagulat ang dalaga sa sinagot ng binata.

"S-seryoso ka ba?!"

"Yes!"

"B-bakit? Ano bang problema ng nagpapabango? Ayaw mo ba ng mabango? Gusto mo ba yung amoy pawis?"

"I don't like those both."

"Boat?"

"Both"

"Boat??"

"Both!--in tagalog pareho! Argh! Stop it, I'm gonna drive now."

Nanahimik nalang ulit si Syrine habang palihim na natatawa.

Habang bumabyahe'ng muli ang dalawa, bigla nalang may kung anong bumangga sa likuran nila. Kaya napahawak ng mahigpit si Syrine sa seatbelt nito at si Yuan naman ay sa manibela.

"What's that?!/Ano yon?!"

Sabay na sigaw ng dalawa at gulat na gulat na nagkatinginan. Hindi naman na nagdalawang isip na lumabas si Syrine para tinignan ang likuran nila.

"Hey! Where are you going?! Come back here!"

"Dyan ka lang! Wag ka na lumabas, akin na 'to!" Sigaw ng dalaga kaya't napailing nalang at napahawak sa sentido si Yuan.

Ang Yaya Kong SigaWhere stories live. Discover now