Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CHAPTER 9

"S-sakit ba yang pagiging mali--I mean pagiging sensitive mo sa mga pabango?"

"......"

"Nagagamot ba yan?"

"......."

"Pano mawawala yan?"

"Geez I don't know. Please, stop asking me that questions now. And also...I don't want to leave any guilt on you-- I-I'm too bad to feel that."

"Ano namang kaso kung naguguilty ka? Dapat ka naman talagang maguilty! You just--just...JUST!!! you KNOW---"

"Yeah! so sorry okay?!"

"Tsk buti naman at alam mong magsorry!"

Habang nag iisip ng malalim ang dalaga ay biglang may naalala ito.

"Parang ano ba yan....parang Hyperosmia?!"

"It looks like that--but it's not"

"Eh? Ah haha"

'K*ngina pangmatagalang paghihirap pala 'to, nanaaaaay! Ikaw na pala dito huhu'

Matapos ang naging masalimuot nilang byahe ay sa wakas at nakarating na sila aa bahay ni Yuan. Hindi na naghintay pang mag aya si Yuan at dali dali nang pumasok sa loob si Syrine.

"Ang laki laki talaga neto! Ughhh! Ang lamig ng airco--"

"Stop moaning it won't fcking help! You're just giving me more reasons to...to....aish! Fck it!"

At nagmadali nang umakyat si Yuan.

"Change your clothes or else!" Pahabol pa ng binata dito.

"KAHIT DI MO SABIHIN GAGAWIN K--"

"SAYREN?!!/Syrine!!"

Nahinto ang sigaw ni Syrine nang biglang sabay na sumigaw si Manong Tiyo at Paula.

"Manong! Paula! Kamusta na kayoo!" At mahigpit silang niyakap ni Syrine.

"Bakit ka pala nandito? Kamusta na si Nanay Sarah?"

"Ah ayun, hindi na sya makakapagtrabaho dito kaya....ako ang papalit sakanya!" Masayang sabi ni Syrine na nagpapakitang nakalimutan na ang kahit anong nangyari kanina.

Gulat na gulat silang napatingin sa dalagang abot tenga ang ngiti.

"T-talaga?! P-pero....papano, baka hindi mo kayanin ugali ni Ser" Nag aalalang sabi ni Paula

"Anong hindi?! Isang paspasan lang yan! HHAHAHAHAHA dahil nandito na'ko, poprotektahan ko kayo sa amo nyong ubod ng sama ng ugali" Ngiting ngiti nitong sabi kila Manong at Paula.

Tumawa naman ang dalawa at umiling-iling dito.

"Osya dalhin mo muna sya sa kwarto mo Paul--"

"Hey! She's not there, her room will be here--the 1st guest room"

Biglang singit ni Yuan sa usapan nilang tatlo, na nasa taas.

"At bakit?!"

"That was mama's room, don't want it?"

"G-gusto....pero--bakit napakaspecial naman ni nanay dito?! Maging patas ka naman! Sila Manong at Paula patulugin mo din--"

Binigyan ito ng seryoso at matalim na tingin.

"Are they sleeping on rugs, cartons or what? Sa guest room silang lahat natutulog. Ano bang pinag iisip mo jan?"

"Eh bakit lahat sila?! Ang laki laki nito pinagsisiksika--"

"Did I say--I gave them ONE room??"

Napatingin naman ang dalaga sa dalawang kasama na ngayon ay nag iiwas ng tingin at napapakamot pa ng batok.

"L-linawin mo nga!"

"They have their OWN rooms. One room per maid. crazy punk"

"E-eh b-bakit...bakit nyo ko pinapapunta sa kwarto mo Paula!" Mangiyak ngiyak nang singhal ni Syrine sa dalawa sa sobrang hiya.

"E-eh kasi...di pa namin alam kung saan ang kwarto mo, kaya saakin ka muna sana....sorry" Nakangiwing sabi ni Paula dito at nagkamot ng ulo.

Napanguso naman si Syrine at hinilang nagmamaktol si Paula.

"Pahiram muna ng damit, bwisit na Yuan yan!" Pahabol na singhal nito at isinama na si Paula.

Ang Yaya Kong SigaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang