Ang siga kong yaya

1 0 0
                                    

CHAPTER 7

"Hoy baliw!"

Napatingin ang dalaga sa isang tawag na iyon.

"Oh? Nandyan ka pa pala?" Tanong ng dalaga habang pilit pinagdidikit ang damit nito na sinira sa gitna.

"Ang hilig mo talaga sa gulo....." Natatawang saad ng binata dito. 

Napaangat ulit ng tingin ang dalaga at suminghal sakanya.

"Magpasalamat ka nalang at malinaw ang mata ko!"

"E-edi thank you.....pa'no mo pala nalaman pangalan ko?" Sagot ng binatang si William habang umiiwas ng tingin dahil hindi pa din maayos ang damit ng dalaga.

"Ah yun ba? Nakalimutan mo na ba? Nung unang kita natin, tinawag ka ng dugyot na yon. Kaya nalaman ko pangalan mo" Sabi ni Syrine na abala pa din sa pag-aayos ng damit. Naiinis na ito dahil hindi nito magawang pagsamahin ang damit nya.

"G-gusto mo bang magpalit?" Napapaiwas pa ding tingin ng binata.

Bigla namang suminghap ang dalaga at binigyan ito ng nakakamatay na tingin.

"Buti naman at napansin mo na? Malapit lang ba bahay nyo dito? Pahiram saglit ng damit mo" Dire-diretsong saad ng dalaga rito. Napakamot naman sa ulo ang binata at umiling.

"M-malayo pa, meeting place lang talaga namin 'to nang nakalaban mo, t-tsaka kahit malapit bahay ko....hindi kita papapuntahin"

"Aba! Ganyan ka na tumanaw ng utang na loob? Dalawang beses na kita nililigtas, pero talagang mapride ka pa din!" Singhal muli ng dalaga dito.

"H-hindi sa ganon, babae ka. H-hindi ka ba napapaisip na baka may gawin ako sayo?"

"Pffft HAHAHAHAHAHA nagpapatawa ka ba?! Kung may gagawin ka ma'ng masama, hindi mo pa man nagagawa....bali na mga kamay at paa mo" Mahabang lintanya ng babae at umiling iling sa dulo.

'G*go, ako pa ba?! Ako pa talaga?! HAHAHAHAHAHA'

Napa 'tsk' nalang ang binata at tumingin sa malayo.

"Ang angas mo talaga kahit dalawang beses palang tayo nagkikita"

"Lahi na namin yun kaya wag mo na pag isipang gawan ako ng masama. Anak ako ng mafia boss di mo ba alam?"

"S-seryoso?!" Napaatras bigla ang binata sa sinabi ni Syrine, kaya nang nag angat ng tingin ang dalaga ay hindi nanaman nito napigilang hindi matawa.

"Kaya ka nabubugbog eh! Ang bilis mo mapaniwala! HAHAHAHAHAHA"

"Not even funny." Seryosong sagot ni William dito

"Wait......may......."

Tinitigan ng dalaga ang binata at ginala ang tingin sa mukha nito.

"May.....?" Naiilang na tanong ng binata.

"May....naaalala lang ako"

"Sino?"

"Wow sino agad? Pano mo nalamang tao?"

"Tao ako eh"

"Psh"

"So sino nga?"

"Ah wala lalaking sing sungit mo lang naman"

"Hindi ako masungit no"

"Pero--"

"Teka" Saad ng binata kaya naman natigil ang dalaga sa pagsasalita.

"A-ano nga pala'ng pangalan mo?"

"Syrine, Say-Say nalang para maikli"

"Pffft maikli naman yung Syrine ah?"

"Bahala ka na nga jan." Sabi na ng dalaga at akmang iiwan na ang binata.

Ngunit hinawakan agad ng binata ang braso nito, dahilan nang mapahinto ang dalaga.

Ang Yaya Kong SigaWhere stories live. Discover now