Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CHAPTER 11

Tahimik pa ding kumakain ang dalawa nang may maalala si Syrine.

"Ano-anong mga ayaw mong kainin?"

"Bakit? ipapakain mo?"

"Pwede naman--syempre hindi! para alam ko yung ilalagay ko at hindi sa pagkain mo."

"Lason."

"Tang*na eto nanaman tayo oh"

"Spinach, broccoli, celery, also that called kinchay, then carrots, eggplan--"

"Carrots at talong?! H-hindi ka kumakain?! Ang sarap kaya ng dalawang yan!"

"Well, that's not my taste. It's yours"

"Arte naman--allergic ka ba don?"

"No, sa spinach, broccoli and kinchay lang"

"Di ka pala makakakain ng shanghai sa mga handaan, may kinchay yon eh"

"Hindi ako mahilig sa shanghai, lalo na sa handaan." pikong sambit ng binata dito.

"Ay oonga pala mayaman ka" Maikli nalang na tugon ni Syrine.

"By the way, from now on. You'll be my personal yaya. It means, sakin ka lang susunod at magfofocus. Get it?"

"Okay.....?"

"I said, did you get it?"

"Y-yes po boss!"

Napailing nalang sa kawalan ang binata at nagpatuloy ulit sa pagkain. Nang matapos na si Yuan ay tumayo na si Syrine tsaka iniligpit ang mga pinagkainan, kahit di pa tapos ang dalaga.

"M-matutulog kana ba?! Di ko pa nalilinis kwarto mo--wait!" Nagmamadaling sigaw ni Syrine nang maglalakad na palabas ng dining room si Yuan.

"Magshoshower muna 'ko, you still have a time to clean it. Bilisan mo jan, dapat pagtapos ko maligo wala kana sa kwarto." At iniwan ang dalagang naghugas na ng kamay.

Patakbo namang umalis sa kusina si Syrine, tsaka nagmamadaling kinuha ang walis, dust pan at basahan na maliit.

Pagkarating nya sa kwarto ay naliligo na nga si Yuan. Kaya dire-diretso na nitong pinagpag ang unan, kumot at sapin ng kama, tsaka nito winalis ang sahig at pinagpupulot ang mga bagay na nakita sa lapag. Inayos nito ang drawer, study table at door mat ng binata. Pumunta naman ito sa ilalim ng kama at winalisan ang kasulok-sulukan nito.

Hanggang sa.........

"Hey! You startled me! Bat nanjan ka pa?!"

Bungad na sambit ni Yuan nang makitang nakadapa pa sa ilalim ng kama ang dalaga na paa lang ang kita.

"Umalis ka na, bukas na yan."

Ngunit tila walang pinakikinggan ang dalaga at nasa ilalim pa din ng kama.

Nagtaka na si Yuan at mahinang sinipa ang dalaga ngunit wala pa rin itong kahit anong tugon.

Nang napikon na ang binata, hinila nito ang paa ni Syrine palabas ng kama. Kaya naman lumantad na dito si Syrine na mahimbing nang natutulog.

Tinapik tapik ni Yuan ang dalaga upang magising ngunit sa pagiging tulog mantika ay nabigo din ito. Kaya napipikon man sa nangyari, binuhat nya ito na parang bagong kasal at inilabas nya sa kwarto upang dalhin sa mismong kwarto ng dalaga.

Ngunit papunta palang ay may nakita na itong papel na nakadikit sa pinto nito.

" [ BAWAL PUMASOK ANG SENSITIVE SA PABANGO, NAKAMAMATAY] " 

At dahil don naalala ng binata na mahilig magbango ang dalaga kaya't baka pinalilibutan ng pabango ang kwarto nya.

"San kita dadalhin?! Ang payat payat mo pero ang bigat bigat mo!" Singhal ni Yuan sa natutulog na dalaga.

Naiinis nitong ibinalik ang dalaga sa kwarto nya at inihulog sa kama.

"Aish kailan ka ba gigising?!"

Sa huli, wala nalang nagawa si Yuan kundi ang matulog sa sahig habang matiwasay at mahimbing naman na natutulog ang dalaga sa kama.

Ang Yaya Kong SigaWhere stories live. Discover now