Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CONTINUATION OF CHAPTER 4 (1)

Nadatnan naman ng dalawa na kinakausap na ni Yuan ang nurse, kasabay noon ay ang paglabas ng doktor mula sa kwarto ng ina, kaya naman mabilis na naglakad palapit si Syrine, upang malaman ang kalagayan nito.

"How is she Doc?" Tanong agad ng binata.

"K-Kamusta ang nanay ko? Ayos lang ho ba sya?" Sunod naman na tanong ni Syrine.

"A-ah anak nya ba kayong dalawa?"

"Hindi Doc, ako lang ang anak." Singit bigla ni Syrine.

Sinamaan naman ng tingin ni Yuan ang dalaga at umalma.

"She's my mama." Madiin na sabi ng binata habang nakatingin ng matalim sa dalaga.

Napakamot naman sa ulo ang hardinerong si Manong Tiyo.

"Kailan ka pa naging anak?!" Patanong na sigaw ng dalagang si Syrine.

"Since you came in her life." Pagpatol naman ni Yuan dito.

"Aba'y lokong--"

"D-Dok! A-anak nya yan-- yung dalawa hehe, ano na po bang lagay ni Aling Sarah?"

Pagpaoagitna nalang muli ng hardinerong si manong Tiyo dahil sa walang katapusang bangayan ng dalawa.

"M-malala ba? A-anong kailangang gawin? Kailangan ba nya ng dugo? Ako na magiging donor! Anong kailangan? atay ba? Kunin nyo na yung akin! Mabuhay lang nanay ko dok, ako na--"

"Ang OA mo naman." Singhal ng binata dito.

"Di ka lang anak eh."

"Stop."

"So far hindi naman ganyan kalala ang lagay ng nanay nyo,pero nanghihina na ang katawan ni nya, kaya kailangan na nya ng pahinga at vitamins para hindi magkasakit--na pwedeng lumala kung hindi imementain." Saad ng doktor.

Kaya naman nakahingang maluwag ang binatang si Yuan at si manong tiyo kahit papaano.

Samantala

Ang Yaya Kong SigaWhere stories live. Discover now