"Where's Heaven?" Tanong ni Summer sakin bago ako inakbayan. Hinila niya rin si Autumn palapit and clung to Autumn's arm.

"I left her with Gray." I said and smile.

"Gusto kona siya makita." Lumungkot ang muka nito at bahagyang sumimangot.

"Asus! Guevara sex-sex din kasi minsan para makabuo!" Bulgar na saad ni Autumn.

Agad nanlaki ang mata namin ni Summer.

"Tangina mo! After the wedding nga kasi! Tuyot kalang e!" Saad ni Summer. Nalaglag ang panga ni Autumn sa huling sinabi ni Summer habang ako tinawan lang sila.

I missed this. Yung bangayan nilang dalawa habang patawatawa lang ako sa gilid, masayang hindi nasasali sa kagaguhan nila.

"Abat! Napaka ka Summer! Ikaw nga kinarir mo pangalan mo sa sex." Namumula na si Autumn ngayon kaya mas lalo kaming natawa ni Summer.

"Parepareho lang naman tayo kaya it's a tie." Sumangayon kami pare pareho.

"Atleast ako dalawang araw nalang mababasbasan na ako." Nag taas baba ang kilay ni Summer habang malokong nakangiti.

"Ayun oh! Hindi lang sa simbahan mababasbasan, pati sa higaan." Saad Autumn at sabay kaming nagtawanan

"Mahina! Dapat gripo sa lakas hindi basbas lang." saad ko. Nanlaki ang mga mata ng mga ito habang nakangiti.

"Grabe! Ganon kalakas si Zion?!" Gulat na tanong ni Autumn. Agad nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga. Tumawa naman ng malakas si Summer.

"Sabagay naka buo nga agad..— Aray!" Hindi ko napigilang hilain ang buhok niya kaya napadaing siya.

"Mga gago kayo! First meeting natin since you guys left for Switzerland and sex ang pag uusapan natin?!" Si Summer

"Bat ba? E kung sa tuyot nga tayo e!"

"True!" Pag sangayon ko.

Tumawa ang mga ito bago naisipang kumain.

"Come on! We have food waiting." Agad kaming nag tungo sa dining area nila Summer at nandoon ang mga pagkain na nakahain. What caught my eyes is the pasta. Yummy.

Kumuha ako nung pasta at kumuha din ako ng chocolate mousse cake.

Agad kong tinikman ang cake at nanlaki ang mata nang malasahan ito.

"Cadbury ba yung chocolate nito?" I faced Summer and ask with a smile. Tumango ito

"Yeah! You like it?" I nodded and continue eating.

Nang matapos ko ang cake sinunod ko naman yung pasta.

Kumunot ang noo ko habang nginunguya at ninanamnam ang lasa.

"Parang familiar yung lasa nito." Mahina kong bulong nang malunok ang pagkain.

"Familiar? Hmm, driver nag luto niyan." Nakangiting lumingon sakin si Summer, narinig pala ang binulong ko.

"Yeah! Familiar siya. Yung timpla parang natikman kona. Nakalimutan ko lang siguro kung saan ako nakatikim nito." Kunot parin ang noo ko bago muling sumubo.

"Talented naman ng driver niyo, driver na nga cook pa. Saan kapa?!" Si Autumn. Napatawa kami ni Summer. Mahinang hinila ni Summer ang buhok ni Autumn.

"Makahanap nga rin ng ganyan." Pahabol ni Autumn.

Nag patuloy kami sa pagkain at pinuntirya ko talaga yung pasta dahil sarap na sarap ako.

Humingi pa ako ng pasta dahil gusto ko ipatikim kila Gray.

"Hoy Summer! Container mo nga! Uuwian ko sila Gray nitong pasta." Sabi ko kay Summer.

"Okay wait!" Nag lakad ito papasok sa kusina nila at nag hintay ako sa tapat ng mga pakain.

When she came back she's wearing this playful smirk while holding a plastic container.

"You okay?" I asked

"I am but he's not." Saad niya habang nakangisi

"Huh?" Tanong ko.

"Yung driver hindi okay." Saad niya habang nag lalgay ng pagkain sa container.

"Hala! Uminom naba siya ng gamot kung ganon?" Bigla itong tumawa sa tanong ko kaya mas kumunot ang noo ko

"Bakit ka tumatawa?" I asked with my small voice. Umiling lang ito at hindi na nag salita kaya hinayaan kona.

Hinatid niya kami sa labas ng bahay nang matapos makapagusap usap at matapos sa pagkain. Medyo nag tagal din kami sa bahay nila at naabutan kami ng mga magulang ni Summer.

"Who's driving?" Summer asked

Tinuro ako ni Autumn kaya inangat ko sa ere ang susi ng sasakyan.

"Gosh! Bless you Autumn!" Saad ni Summer. Inikutan ko ito ng mata.

"Napaka sama ng ugali niyo." Saad ko.

"Please, ipag dasal mo ako Summer." Sinabayan pa nga ni Autumn kalokohan ni Summer. Maarte pang napahawak sa dibdib si Autumn at pumikit pikit, akala mo naman may masamang mangyayari. Mga gung-gung.

"Gago!"

"Drive safely." Bilin ni Summer.

"Jusko! Si Winter pa talaga sinabihan mo niyan, eh kung mag maneho yan kulang nalang paliparin niya yung sasakyan!" Si Autumn. Nag tawanan sila at inismiran ko nalang sila.

"Che!"

"Chenenen chenenen chenenen chen chen." Pakanta kanta ni Autumn papasok ng sasakyan.

"Sakto lang naman ang pag mamaneho ko ah. 100 ang mabilis." Reklamo kopa.

"Hoy wag kana mag dahilan diyan! Sakto lang talaga speed mo, saktong speed sa maagang lamay." Sigaw ni Autumn mula sa sasakyan. Tinawanan naman kami ni Summer.

Kumaway ako kay Summer at niyakap siya bago ako nag lakad papasok ng sasakyan at pinaharurot paalis ang sasakyan.

"Ay gago! Winter!" Napakapit si Autumn sa handle at sa seatbelt niya habang maloko naman ako nakangiti habang nakatingin sa kalsada. Gulat na gulat at takot na takot sa bilis ng patakbo ko ng sasakyan.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon