Tahimik kami hagang matapos kami kumain. Hindi ko parin nasasabi sakanya.

At mukang huli na ang lahat...

"What? Are you okay!?" Biglang may tumawag sakanya at nataranta ito bigla nang mag salita ang tao sa kabilang linya.

Binaba niya ito at humarap sakin

"I have to go... i'm sorry." Dali dali itong tumalikod at lakad takbong lumayo.

"W-Wait!" Sigaw ko sakayan.

Tumigil naman ito at iritang humarap sakin.

"Ano nanaman!" Malakas na tanong nito.

Patakbo kong sinarado ang pagitan namin. Inabot ko ang kamay niya na nasa gilid niya.

"Ako muna, Zion. Nag mamakaawa ako... Si Winter naman." Pumatak na ang mag luha habang desperadang nag mamakaawa sakanya.

Mahagyang lumaki ang mata niya at nalaglag ang panga. Agad din naman ito nakabawi bago hinila palayo ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"Kailangan niya ako, Winter." He whispered.

Nalaglag ang balikat ko at mas lalong lumakas ang hagulgol.

"Ang hirap naman, Zion."

Kumunot ang noo niya at marahan akong tinitigan.

"Ang hirap mong mahalin." Saad ko.

Sandali itong nag iwas ng tingin bago muling tumitig saking mata. Nakita ko ang pag taas baba ng balikat niya, tila ba nag hahabol ng hininga.

"Ang hirap mong mahalin. Wala, eh! Binigay kona sayo puso ko."

Matagal bago ito nakasagot.

Nag iwas ito ng tingin, "Hindi ko hiningi ang puso mo, Winter." Tumalikod ito at tuloy tuloy na umalis.

Muli ko nanaman itong hinabol.

"SANDALI!" Sigaw ko habang hawak hawak na ang kanang kamay niya.

Mariin itong napapikit bago muli akong harapin. Napansin kona ang pamamasa ng pisngi niya dahil sa kanyang sariling luha.

Pinunasan ko ang mga luha kong tumulo bago nag salita.

"Sa-Sa light house? W-When you... When you made love with me? You whispered the Three words." Nanginginig ang boses ko pero pilit na inaayos para maintindihan niya.

"That evening twilight? As the sun is setting. When you whispered 'I Love you' to my ears." Hinaplos haplos ko ang hawak kong kamay niya at humakbang palapit sakanya.

"Was that sincere?"

Sa sobrang lapit ko sakanya kailangan kona tumingala dahil dibdib na niya ang kaharap ko at hindi ang mga mata niya.

"A-Ako?... Si Winter ba ang gusto mong makarinig ng tatlong salitang iyon?" Tanong ko habang lumuluha.

"Ako ba ang nasa isip mo nang bitawan mo ang tatlong salitang iyon?" I asked again but no answer was given.

Not a word left his mouth.

I chuckled sarcastically, "Ang tanga ko talaga," tumawa ako, "Ang bobo ko para isiping may ibig sabihin ang mga galaw mo at mga ipinaparamdam mo saakin." I looked straight to his eyes.

"Hindi mo ako mahal. Walang ibig sabihin para sayo ang nangyari saatin sa lighthouse. Lahat ng ginawa at pinaramdam mo saakin ay ginagawa mo sa lahat ng babae mo. Wala lang ako para sayo. Walang kwenta ang lahat." I stated facts.

"I-It's not that, Winter." He said.

And again I laughed while tears are streaming down my face.

"Lokohin mo pa ako, gago!" I said.

He didn't say a word and eventually turned his back and run towards his car.

Mag hahabol ako para sa anak namin.

Kaawaan niya ako, wala akong pakialam.

Kahit nanghihina tinakbo ko ang pagitan namin ng sasakyan ko at sinundan siya.

Pake ko kung racer siya? Matagal na akong nag papatakbo ng sasakyan nang mabilis.

Sinasadya kong pagitnaan kami ng kahit tatlong sasakyan para hindi niya mapansing nakasunod ako sakanya.

Nang iparada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng isang bahay nag park din ako pero dalawang bahay ang layo ko sakanila. Maari niyang makita ang sasakyan ko pero wala na talaga akong pakialam.

Pero sana hindi kona ginawa.

Sana hindi kona siya sinundan dahil mas lalo lang ako nasaktan dahil sa nakita.

Tumigil siya sa isang bahay at sinalubong siya ng nakangiting magandang babae.

May hawak itong knitted brown sweater. Nung una kinakabahan pa si Zion pero kalaunan napatawa ito nang isuot sakanya ng babae ang sweater.

Humigpit ang hawak ko sa manibela at mas napuno ng luha ang mga matang nakatanaw sakanilang dalawa. Lumalim ang paghinga ko at nanikip ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Nakangiting yinakap ng babae si Zion at hinalikan naman ni Zion ang tuktok ng ulo nito. Nakita ko na biglang napatulala si Zion sa kawalan pero agad din naman kinuha ng babae ang atensyon niya.

Trixie.

Talo ako.

Mahal niya ang kalaban ko.

Pag mamayari ng puso niya ang kalaban ko.

Sino ba ako sa puso niya? Wala!

Walang wala akong laban sa taong matagal nang nag mamayari sakanya.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesWhere stories live. Discover now