"So, alin ka sa dalawa?" I asked.

"All of the above." He couldn't stop grinning. "What would you prefer?"

Umiling ako. "Nasisiraan ka na ng ulo, Mr. Remington."

Biglang sumeryoso ang mukha niya. Nakakunot ang noo at ang kaniyang mata ay biglang nandilim. "Isa pang tawag sa akin ng Mr. Remington..." He tilted his head and stared me more. "I'll kiss you."

I covered my lips with my bare hands. Isang matalas na tingin lang ang binigay ko sa kaniya. Kapal talaga niya para pagbantaan ako.

He jerked his head towards. "What do you think, Alora? Should I kiss you now?"

I rolled my eyes. Tinulak ko ang noo niya na malapit sa akin. Huminga ako ng malalim. "Kung andito ka para asarin ako... makakaalis ka na."

"aww! Ang sakit naman, pinapaalis mo na ako?" tanong nito sa akin na umaarteng nasasaktan. Nakahawak ito ngayon sa gitnang dibdib niya kung saan ang puso.

Inirapan ko siya. "Leave now! Kausapin mo lang ako kapag tungkol sa Coffee shop ko. Be professional, Engr."

"Why are you being like that?" he asked, dead voice. He's emotionless, his eyes and his face reaction is dead. "Are you numb or what?" He hissed.

He rested his chin on my table. Nakatingin siya sa akin na para bang ini-examine ang buo kong mukha. Nagtaas baba ang kaniyang kilay, at kumikibot ang kaniyang labi.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"

Umayos siya ng upo at tinignan ako sa mga mata, he sharply look at my eyes.  "I heard it."

"Then go!" I blurted.

"Okay," he uttered. He stood up, shove his hands into his pockets. Nagsimula nagsimula na siyang maglakad patungo sa pintuan. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay humarap muli ito sa akin at ngumiti.

"I shall return."

I shall return his face. Tsk, ano siya si Mc Arthur? At saka wala ng balikan kapag umalis na.

Edi sana all din bumabalik at binabalikan.

I shook my head. Why I'm being affected? Pakialam ko kung babalik siya o hindi? Okay, walang may pakialam!

Time quickly passes by. It's already five in the afternoon. Kailangan ko na umuwi sa bahay dahil may usapan kami ni Mama na uuwi ako ng maaga ngayong araw. Kahit kailan hindi ko pa naranasan na baliin ang pangako ko sa kaniya. Mabait akong anak at hindi suwail sa mga magulang.



Pumasok na ako sa loob ng kotse ko. I fixed my things on the passenger seat. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at mabagal na nagmaneho paalis ng blend and sweetness.

I pinched my nose while waiting the traffic lights turns to green, again. Naabutan kasi ako ng red lights and it's because of that car, in front of me. Ang bagal niyang magmaneho. Kung mabagal ako ay mas mabagal siya.

When the light turns to red, I drove my car quickly. Hindi ko na pinansin iyong busina ng iba. Hindi naman ako makukulong dahil wala akong nilabag, at saka hindi naman gano'n kabilis ang pagmamaneho ko.

Nang makarating ako sa bahay ay agad dumiretso na ako sa kwarto ko para magbihis ng pambahay. Syempre naligo muna ako, hindi ako sanay na hindi naliligo kapag galing sa labas.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako sa kwarto ko para magtungo sa kwarto ni Mommy. I knocked first before entering her room.

"Hi, Mommy!" Bati ko kay Mommy, hinalikan ko siya sa pisngi bago umupo sa maliit na sofa. May maliit na sofa rito sa kwarto ni Mommy, her room is like mine but not the design. Iyong wall paint ng kwarto niya is black and white.

Kumuha ako ng chips na nakapatong sa beside table niya. Binuksan ko ito at tahimik na lumamon. Binaba ni Mommy ang kaniyang ipad mini at tumingin sa akin. Biglang nangamba ang puso ko dahil sa tingin ni Mommy. Iyong tingin niya kasi parang nagpapahiwatig ng bad news.

bad news.

I hope this is not a bad...news.

"Ano ang pag-uusapan natin, Mom? What about Tita Shane?" I nervously asked.

She withdrawn a sharp breath. "Naghiwalay si Shane at ang asawa niya. Nag-usap kami kanina at kailangan nila ang tulong natin."

I squeezed my eyes shut. I knew it. Bad news! Then what? They need help? Noong kami ang naghihirap tinulungan ba niya kami? Humingi kami ng tulong sa kaniya pero hindi siya nagbigay ng tulong sa amin.

She's selfish. They are selfish... and I'm not. I don't want to be like them.

"Alam kong masama pa rin ang loob mo sa kaniya, Nak. But she's still a family. She needs help," mahinang usal ni Mommy.

Minulat ko ang aking mata at ngumiti, isang mapaklang ngiti. Mommy is right, pamilya pa rin sila.

"3 months is enough, Mom. They can stay here for 3 months, bibigyan ko rin ng work si Natalia sa Coffee shop para makapag-ipon sila..." huminga ako ng malalim. "After 3 months, pwede na silang umalis dito sa bahay. They can rent an appartment."

"Nak—"

"My decision is already final, Mom." Putol ko sa sasabihin ni Mommy. "Wether they like it or not, aalis sila after 3 months of staying. Makakaipon na sila at makakaalis na sila dito sa bahay. After all wala naman silang ginagastos dito sa bahay dahil puro naman ako."

Mommy can't blame me. Tuwing naalala ko iyong nangyari noon ay hindi ko mapigilan ang sarili na sumama ang loob kay Tita. Humingi ako ng tulong sa kaniya para ipagamot si Mama pero pinagtabuyan niya lang ako. She keep calling me trash, unworthy.

"Aalis na ako, Mom. Magpapahinga lang ako sa kwarto." Tumayo na ako at naglakad na palabas ng kwarto ni Mommy.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng makita ko si Tita Shane na nasa pintuan ng guess room, nakatingin siya sa akin. Hindi ko mawari kung anong reaction mayroon ang kaniyang mukha.

Umiwas na ako ng tingin at pumasok na sa loob ng kwarto ko. Ayaw ko siyang kausapin dahil hangang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kaniya. She just be thankful na hindi ako kagaya niya... selfish.

I'm not selfish. Marunong din akong maawa, marunong akong tumulong. Hindi ako manhid para hindi makaramdam ng awa sa kanila.

Three months is enough after that they can go and rent an apartment.

SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Where stories live. Discover now