"Sus! Ang sabihin mo lang ay—

"Oo na! Shut up" Putol ko sa sasabihin niya. Tiniklop ko na iyong laptop ko at binaba na iyong papel na binabasa ko.

"Happy?" Sarkastikong tanong ko kay Patricia.

Tch Epal.

Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi ni Pat.  "Yes, I am happy...very happy!" usal nito sabay palakpak ng kaniyang mga kamay.

Tch, Siraulo! Kung wala lang si Zyair dito ay baka nabatukan ko na ang babaeng 'to. Namumuro na eh.

"Zyair, pinsan mo ba talaga 'to?" tanong ko kay Zyair habang tinuturo si Pat.

"Yes."

"Bakit magkaiba kayo ng ugali? Siya abnormal at ikaw ay normal naman. Nakainom ba 'to ng gatas na expired? Or nakulangan lang talaga ng bakuna noong bata pa siya?"

Tumingin ako kay Patricia na ngayon ay nakanguso habang nakatingin sa akin.

A small grinned formed on my lips . "Answer me, Zyair."

"Ha?"

"Alora naman! Walang ganiyanan!" reklamo nito habang nakanguso pa.

Hindi ko pinansin si Pat dahil nakatuon ang tingin ko kay Zyair. Hindi ko mawari kong anong reaksiyon si Zyair. Natatakot ba ito o seryoso.

"I'm just kidding." Pagbabawi ko.

Baka kasi sabihin niyang binubully ko si Pat. Hindi ako gano'n sadyang gumaganti lang ako sa kaniya because she's bullying me. She kept pissing me off.

Patricia Arquette should be annoyed too. Hindi puwede na ako na lang palagi. Hindi ako papayag na ako lang, dapat siya rin.

"It's okay. Totoo naman ang sinabi mo na may pagka-abnormal si Patricia," usal ni Zyair.

"Oh really? Now I know, Patricia!" Tumingin ako kay Pat at ang sama ng tingin nito kay Zyair.

Pff. Oh no! Mukhang may cousin war dito.

Dapat bang umalis ako? Just kidding.

"Insan baka gusto mong ilaglag din kita?" Pagbabanta nito kay Zyair.

Napailing-iling na lang ako sa kanilang dalawa. Pareho naman silang siraulo eh. Ano ba naman ang aasahan ko? Magpinsan silang dalawa and they are the same. Magpinsan kaya parehong siraulo.

Tumayo ako at naglakad patungo sa counter para kumuha ng makakain. I didn't eat my breakfast. I'm hungry.

"Ako na ang kukuha. Asikasuhin niyo na lang iyong customers," nakangiting wika ko. Hindi naman ako inbalido para sila mag-serve ng pagkain ko. At saka their duty is to serve the customer not to serve me.

Nang makakuha na ako ng cookies at makagawa ng kape ay bumalik na ako sa kinauupuan ko kanina. As usual nagbabangayan pa rin ang dalawa.

Tsk! Isip bata. May side rin pala si Zyair na pagka-isip bata. Magpinsan nga silang dalawa.

"Oh? Tinitingin-tingin niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa. Kung makatingin parang mga baliw eh.

"Alora ka—"

"Huwag kang maniwala diyan." Putol ni Zyair.

Nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay kong nakatingin sa kanilang dalawa. Pabalik-balik at gano'n din silang dalawa na parang nagpapaligsahan.

SLS #1: No Boyfriend Since Break ✔️Where stories live. Discover now