Kabanata 10

5 2 0
                                    

"Tara na, pumasok na tayo sa loob lubog naman na 'yung araw eh." Pagaaya niya sa akin.

Tumayo kaming dalawa atyaka nagpunta ulit sa elevator.

My daily routine never became boring again because of her, kapag wala siya tahimik lang ako sa kwarto ko at hindi malaman ang gagawin. Ngayon lang ako nakakilala ng taong ganito kasayahin at ganito ka-hyper. Si Francis at Dominic kasi ay tahimik lang din pero mapagbiro minsan hindi katulad ni Yassen na tawa dito at tawa doon habang nagke-kwento. Masaya siyang kasama ang kaso lang wala pa akong masyadong alam tungkol sa kaniya, I can't ask her baka kasi maramdaman niya na iba pa rin ako sa kaniya na hindi pwedeng pagsabihan patungkol sa kaniya.

I understand it, kasi gano'n din ako.

We're both silent until we got in my room but we're feeling happy, nailabas ko ang mga sakit kanina sa harapan niya. Nailabas ko rin ang mga luha na matagal ko ng gustong ilabas at patuluin.

I feel so relieved.

"Una na 'ko," nagpaalam siya sa akin nang makapasok kami sa loob.

Nasa pintuan kami ngayon habang ako hawak ang doorknob at hindi pa rin isinasarado ang pinto.

"Uh...Amanda..." tawag ko sa kaniya napatigil naman siya sa paglalakad palabas.

Tumingin ulit siya sa akin habang nagtatanong ang itsura.

"Can you keep it a secret?" Nahihiya kong sabi at hindi alam paano aayos sa harapan niya ngayon.

Tumawa siya ng mahina na agad naman ikinakabig ng malakas sa puso ko, "Ang alin? Tungkol sa iyak iyak at drama drama mo kanina sa taas?" May pangiinis sa mukha niyang sambit.

"No, that problems of me..." I looked away feeling embarassed.

"Bakit parang nahihiya ka? Pa'no kung sabihin kong ipagkakalat ko?" She bounced her eyebrows to tease me.

Tumingin ako sa kaniya ng gulantang at siya naman 'tong hindi na napigilan ang tawa sa akin, "Oo naman. I'll keep it a secret promise."

She showed me her pinky promise before she finally left. Tinanaw ko lang siya na makalampas sa pader ng hallway atyaka ko sinarado ang pinto.

Lumapit ako sa kama ko at doon ibinuhos lahat ng pagod para mapalitan ng pahinga.

Nakapatong ang kanang braso ko sa noo ko at pilit na nagpipigil ng ngiti. Hanggang sa hindi ko na iyon mapigilan, wala namang nakakakita sa akin kaya hinayaan kong mapangiti ng maluwag.

"Huy bro! Delikado ka na. May pangiti ngiti ka na diyan, naka drugs ka na ata." Nagulat ako sa pagbukas at pagpalakpak ni Dominic at Francis.

Tumawa pa sila parehas.

Napaupo ako bigla sa upuan ko at tinaggal ng mabilisan ang ngiti na kanina'y nakabalot sa mukha ko.

I looked at them seriously like how I use to do before.

"Kunyari ka pa eh, halata namang kinikilig pwet mo." Tawa ni Dominic sabay turo sa akin.

"Oo nga dude, bakit parang iba ata ang dating sa 'yo ng dextrose at bali ng braso mo?" May pangiinis na sabi ni Francis sa akin habang nagsimula nang umupo sa couch.

"W-Wala. May nakilala lang." Iwas ko ng tingin.

"Eh bakit parang balisa ka kung sumagot? Nako dude, delikado ka na talaga. May nakilala lang kinikilig na agad parang ilang linggo ka pa lang nandito ah. Na-fall ka kaagad." They added still looking at me.

"Wala nga. Ang kulit." Umakto akong parang naiinis at muli ngumiti ng patago.

"Ah gago. Wala, confirm nakarugby 'to." Tinuro turo pa nila akong dalawa at tumawa parehas ng may kasamang palakpak.

MUSIKANG MALILIMOn viuen les histories. Descobreix ara