Kabanata 5

6 3 0
                                    

Hindi ako makatayo dahil sa bigat ng buo kong katawan. Hating gabi na rin at kanina ko pa pinagmamasdan ang selpon ko sa loob ng social media.

Hindi ko alam kung paano kami naaksidente pero ang natatandaan ko ay nawalan na lang ako ng malay. Aaminin kong galit ako kay kuya pero kahit kailan hindi ko ginustong mamatay siya o umabot sa ganito.

What I've said recently was just because of my madness.

Hindi ko alam na aabot sa ganito, ramdam ko ang pagsisisi sa loob ko habang iniisip ang mga 'yon, I know it was my fault.

Nakaramdam ako ng pagkabagot habang patuloy na nakatulala at nakatitig sa kisame. Gusto kong tumayo at umuwi na pero hindi pwede, kailangan kong manatili dito sa ospital.

3:23 am na pero hindi pa rin ako matigil tigil sa kakaisip sa nangyari kanina. Ganito lang ang natamo ko, I feel relieve pero hindi ako maayos sa sinapit ng kapatid ko.

May konsensya pa rin ako hindi tulad ng iba.

Alam kong tulog na rin si mama kung nasaan si kuya. Gusto ko rin siyang makita, it would take too long to be in comatose at ang iba hindi na kinakaya, hindi pa rin sapat sa kanila ang mga makina na nagsasalba ng buhay nila habang sila'y natutulog.

Hanggang sa dapuan na ako ng antok at tuluyan nang isinuko ang mata sa pagkakatulog.
____

Gladys's POV

Umaga na rin pala at tanaw na ang sinag ng araw sa bintana kung nasaan kasama ko si Alain sa kwarto niya. He is in coma, at hindi ko alam ang gagawin ko.

Nakita ko siya na napakadaming makina at apparatus na nakakabit sa kaniya habang siya ay walang malay, he's asleep na para bang normal lang. He's keeping the machine alive.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa tabi niya. Hawak ko pala ng buong magdamag ang kamay niya.

Then somebody knocked. Pinapasok ko iyon at dinatnan ko sa labas ng pintuan si Francis at Dominic na mukhang may dalang prutas.

"Hi po tita, nabalitaan po namin ang nangyari sa mga anak niyo." Bati nila sa akin at may kaunting ngiti.

Tumango lang ako.

"Nasaan po si Knight? Bakit si kuya Alain lang po nandito? Atyaka ano po 'yang mga machine na 'yan na nakakabit sa kaniya?" Sunod sunod na tanong ni Francis sa akin habang ako ay hindi pa rin alam papaano aayusin ang itsura.

"Dahan dahan lang sa pagtatanong," rinig ko ang tapik ni Dominic sa kaniya.

"Alain is comatose because of the hard impact that the track driver did." Sagot ko ng walang emosyon sa harap nila.

"Eh si Knight po? Kamusta?"

"Nasa kabilang kwarto. I don't know what he's doing." Sagot ko pa rin ng wala man lang maipahiwatig na emosyon.

"Kelan po pala pwedeng makalabas ng ospital si Knight kung sakali?" halong tanong nila.

"After 1 month o kaya depende daw sa improvement ng katawan niya dahil sa aksidente." Sagot ko sa kanila

Tumango silang dalawa, "Kayo po? Kamusta?" Tanong ulit nila.

"Sa tingin mo?" Pilisopo kong tanong pabalik.

"Sorry po..."

"Alis na lang po kami, puntahan po namin si Knight." Turo nila paalis dito.

"Pakisabi sa kaibigan niyo, he should eat. He also needs rest." Pahabol na sabi ko sa kanila bago sila tuluyang umalis at nagpunta sa kwarto ni Knight.

Huminga ako ng malalim at isinarado na ang pinto.

Knight's POV

Nagising lang ako ulit ng hindi makatayo dahil sa sakit pa rin ng katawan na meron ako pero sinubukan kong umupo para maipwesto at maigalaw man lang ang katawan. Ayoko namang nakahilata lang palagi nang nakahilata, para lalo lang ako nalulunod sa anxiety kung hindi ako lalabas o gagalaw sa kinahihigaan ko.

"Uy tol, hindi ka pa magaling bakit umuupo ka na." nagulat ako sa boses ni Dominic na dere deretso ang pasok sa loob ng kwarto ko.

"How did you know that I'm here?" Tanong ko sa kanila na pilit pa ring pinepwesto ang sarili para makaupo sa higaan.

"Nagpunta kami kanina sa bahay niyo aayain ka sana namin sa rehearsal ng gig kaso sabi 'nung kapit bahay niyo naaksidente daw kayo agad naman naming nahanap 'yung ospital kasi dito lang naman ang malapit na ospital sa bahay niyo." Eksplenasyon ni Francis na may bitbit na prutas

"Kain ka na, bumili rin kami ng mcdo."

"Ano 'yun isang buong branch binili mo?" pangpipilosopo ni Francis kay Dominic.

"How about the gig? Tutugtog pa rin ba kayo mamaya?" pagiba ko ng topic sa kanila.

"Hindi na muna, wala ka eh. Hindi buo ang banda kapag kulang ang guitarist." Sagot ni Dominic sa akin

Tumango ako ng isang beses.

Napayuko ako dahil hindi man lang ako makakaattend sa isang gig ngayon at sa mga susunod pang weekend.

"Wag kang malungkot, atlis ligtas ka. Atyaka ayos lang din kung hindi ka muna makakapasok sa school basta magpahinga ka kami na bahala magpaalam sa dean." Dumugtong si Dominic sa sinabi kanina nang mapansin akong nakayuko.

Hindi ako umimik at lumingon na lang palayo sa mga tingin nila.

"Oo nga pala, hindi na muna namin kukunin 'yung gitara sa condo mo." nagsalita ulit ang isa sa kanila nang makaramdam sila ng kaunting katahimikan.

Tumango ako. Umupo sila sa couch na nasa tabi ko. This is private hospital that is why I have my own room.

"'Di ba dapat nasa ICU pa kuya mo? Bakit inilipat na sa kabilang room?" Francis spoke and asked me.

Napakibit balikat na lang ako sa tanong niya.

"Alam mo naman si tita Gladys gagawin no'n kung ano 'yung gusto niya. Walang makakapigil 'don, ewan ko ba sa mama mo bakit hindi nakikinig. Dapat nandoon pa sa ICU 'yung si kuya Alain." umiling iling silang dalawa sa akin.

"Pero tol, kahit gano'n mama mo mahal ka 'non." Dumugtong si Dominic sa katahimikan at pinutol ito.

"How?" Maikli kong sagot sa kaniya para pakinggan kung paano siya nakakasigurado 'don sa sinabi niya.

"She told us earlier na pakainin ka. Sabi niya kailangan mo daw ng pahinga, see? She care about you. Hindi mo lang nakikita." He explained and patted his thigh because of the pitylus.

Umiling ako atyaka napatanaw sa bintana.

"Dude, don't be like that. Alam naming nasasaktan kayo parehas, at parehas din kayong may mali eh. She's pressuring you and you always see her side as an unsual one. Hindi niyo parehas naa-appreciate 'yung isa't isa." pagpapayo ni Francis sa akin.

Nilanghap ko lang ang hangin na pumapasok sa loob ng kwarto ko mula sa bintana. Tahimik na nakatanaw sa labas ng ospital.

"Parehas kayong hindi nakikinig. How can you be not get pressured kung ganiyan ugali mo? At paano ka niya maiintindihan kung ang tingin mo sa kaniya palagi kang ipapahamak. I'm sure that tita Gladys has a reason but at the same time she's also wrong about controling your life unnecessarily." pagpapatuloy ni Dominic sa sinabi ni Francis.

"If that's what I feel, may magagawa ba ako." Sagot ko pabalang at marahang inihiga ang sarili sa kama.

"Hay ewan ko sa 'yo, bro. Ilang beses ka na naming pinayuhan diyan. Pasok sa kabilang tenga labas sa kabilang tenga ang ginagawa mo sa mga sinasabi namin eh." bumuntong hininga sila parehas sa akin.

Narinig ko ang mga buntong nila kahit nakapaling ang higa ko sa kanila. Hindi ako tumitingin sa kanila, I used to avoid eye contact with people until now.

"Sige na, uwi na kami. Ikaw na bahala dito. Eto oh kumain ka na para may lakas ka malapit na rin ang tanghalian." narinig ko ang paglapit nila sa akin at tinapik ang braso ko.

Tumango na lang ako sa kanila nang hindi pa rin sila tinitignan ng maayos.

"I hope you allow youself to clear your feelings and restart for your family." huli nilang pasabi bago sila tuluyang umalis at isinarado ang pinto.

Paano? Paano ko gagawin ang mga sinabi nila kung ganito pa rin kabigat para sa akin ang mga nangyayari. Lahat na lang nawala sa akin at hindi ko alam kung maibabalik ko pa ba 'yon o mapapalitan.

I need Eia so much. I wish she's here beside me.

MUSIKANG MALILIMTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang