Kabanata 8

4 2 0
                                    

Ilang araw ko na ring nakakausap at nakakasama si Yassen, halos isang linggo na pero gano'n pa rin ako at wala man lang kagana ganang kausap. Habang siya ay punong puno ng enerhiya sa katawan, hindi ko siya masisisi dahil alam kong masaya siya lalo pa't tama ang trato sa kaniya ng papa niya kahit wala na ang mama niya.

She's lucky.

How I wish I experience it too.

Nakakapagsimula na rin akong tumayo at maglakad ng mabagal. Nakakalabas na rin ako at nakakapunta na sa lobby o 'di kaya'y sa cafeteria para lang maglibang o kumain.

Binibisita rin ako ni mama dito araw-araw pa rin naman, minsan tanghali o hapon siya nagpupunta rito kapag break time niya sa trabaho niya. Si kuya naman hindi ko rin siya kayang tignan o puntahan pa, I can't stand seeing him like that.

Sinubukan ko ulit tumayo sa higaan para makalabas, It's so boring here inside of the 4 corner of this room. Hindi naman pwedeng wala akong gawin para hindi mabagot.

Hawak ko ang braso ko at dahan dahang naglakad sa pintuan para buksan ito.

Nang mabuksan ko ito tumambad sa akin si Yassen na may ngiti ulit sa labi.

"Aren't you tired of chatting with me?" sermon ko sa kaniya at napaigtad naman ako sa mainam niyang tawa na mahina.

"Malamang hindi, hindi naman ako lalapit sa 'yo kung pagod na ako. Wala rin naman akong magagawa sa kwarto ko." She chuckled again.

I tilted my head and headed to the rooftop. Sumakay pa ako nga elevator para lang makarating sa pinakatuktok na ospital kung saan ang rooftop. May garden din daw dito pero hindi ako mahilig sa mga halaman kaya mas pipiliin kong magpunta sa rooftop.

Ramdam ko pa rin ang tingin sa akin ni Yassen. Alam kong nakangiti ito at masigasig kahit hindi ko tignan.

"Bakit ba ang tahimik mo?" nagsalita siya habang ako hinihintay na ihinto ako sa rooftop ng elevator.

Nakaramdam ako sa kaniya na nandito siya na parang may kulang.

Hindi ko siya sinagot atyaka muling tinignan ang pinto ng elevator na sakto namang nagbukas.

"Hindi mo pa sinasagot tanong ko. Huy." Pangbubuyo niya sa akin.

Dere-deretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa rehas ng rooftop at doon tumanaw ng magandang tanawin at wala pa rin ang sikat ng araw. Umaga pa naman at hindi ganoon katirik ang araw.

Ipinatong ko ang kanan kong braso sa rehas atyaka muling tinanaw ang langit.

Ganoon din ang ginawa niya nakapatong ang dalawa niyang braso sa rehas bago tumingin sa akin.

"Hindi ka natatakot sa heights?" Tanong niya.

Umiling ako sandali para sagutin siya.

"Ay strong, tingin ka sa baba. Andaming tao sa kalsada tapos nakikita mo 'yung matanda na naglilinis sa tabi ng kalsada?" Tinuro niya pa iyong old lady para ipakita sa akin.

Tumango ako.

"Masyadong malakas ang amats ko pero mahilig ka siguro sa house chores 'no? Kasi ang tahimik mo lang edi probably nasa bahay ka lang at naglilinis." Sambit niya habang nakatingin pa rin sa baba ng kalsada.

"No." Sagot ko.

Lumingon siya ng mabilis sa akin, "Ha? Eh anong alam mong house chores?"

"Wala."

"Ay, sayang. Pogi ka na sana hindi ka lang marunong sa gawaing bahay..." bulong niya na agad kong sinagot.

"Hindi naman lahat ng gwapo marunong diyan."

MUSIKANG MALILIMWhere stories live. Discover now