Kabanata 3

9 3 0
                                    

"Ma, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na stop comparing me to kuya? Magkaiba kami." Madiin kong sabi pero hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

She crossed her arms.

Si kuya kasi ay nagtatrabaho na. He's an engineer kaya wala akong kahit anong mailalamang sa kaniya, isa pa lang ako estudyante sa kursong BA aaminin kong hindi ako sigurado kung kakayanin ko ba ang BA. Because that is the only course my mom want, wala sa bokabolaryo ko ang pagiging piloto at wala rin akong maiisip na kukuning kurso kung hindi dahil sa gusto niya.

Then she continue, "Yes! Magkaiba kayo, engineer siya at ikaw student pa lang kaya nga kita pinapaalalahanan na gayahin mo ang kuya mo na masipag. Hindi na nga ako magtataka kung may girlfriend ka na."

"Actually, hindi naman kita pinagbabawalang mag-girlfriend pinagbabawalan lang kita sa mga gig mong 'yan. It can ruin your future." Dinugtong niya ang mga salita na 'yon.

"Then you know that I always have a gig? Alam mo naman palang gig then why do you keep saying I'm often in a bar or even club?" Pilosopo kong sagot and scoffed.

"You know what, ma? Kung talagang pinapaalalahanan mo ako na dapat tama ang ginagawa ko you won't always speak about kuya. If you're really concern to me, you will support me of what my passion is. Ni-hindi ko nga alam kung tama ba 'yung kinuha kong kurso. Because that's the only course YOU want for me," dagdag ko pa habang pinangingiliran na ako ng luha sa bawat sulok ng mga mata ko.

"I want the best for you, Knight. Don't ever complain kasi kung wala ako wala kang katulong at karamay. Malamang I'll turn your path into right one. Hindi kita pwedeng hayaan basta basta ng wala kang patutunguhan sa future mo, I'm not controlling you to stop being into music pero sana alam mo rin kung paano at saan ilulugar 'yan." She against.

Siya na nagsabi na hindi niya ako kontrolado sa musika pero siya rin mismo ang nagsabi to stop our gig.

"If you want the best for me, you won't control me. You will let me stumble for me to understand and learn every lesson, kung patuloy mo 'kong kokontrahin sa mga gusto ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kaya. I don't know if I will still put my attention to the things you want." Yumuko ako at pilit na pinipigilan ang mga luha na bumagsak.

"Knight, please listen to me. You really need my guide for you to be responsible--" I stopped her from saying something.

"Nakakasakal na, ma."

Iyon ang huli kong sinabi bago ako tuluyang maibagsak ang mga mabibigat na luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Everyday in my daily life puro na lang sermon. May mali ba sa musika? Is it necessary to leave my passion just for you to be proud of me....ma, kailan ako? When will you get proud of me? Ako naman puro na lang kasi si kuya." Nanlalambot ang mga salitang binibigkas at ibinabagsak ko kasabay ng puso ko sa pagdurog.

"Oo ma, aaminin ko I was blind back then na hindi ko alam kung ano ba dapat ang gagawin ko and you lead me hanggang ngayon pero na iba na 'yung ako noon at ako ngayon. I'm already 20 years old hindi na ako isang paslit lang na naghahanap ng karamay sa mga maliliit ng bagay." Idinugtong ko ang mga salitang 'yon sa kaniya.

Tons of knives stabbed me from hearing her sobs. I love her so much but she's the one who's making me stop to the things I want and who's making me farther from her embrace.

"K-Kailan magiging ako, ma?..." I mumbled still looking away.

Hanggang sa bumagsak ang sobrang lakas na ulan. We heard the rain crying from our roof. Malalaki ang patak at gano'n din kalalaki ang pasanin na nasa puso ko.

Mahirap maging isang taong gusto ng magulang mo lalo pa't alam mong hindi ikaw ang gusto nila maging.

"Anak..." may hagulgol niyang sambit sa akin.

MUSIKANG MALILIMDove le storie prendono vita. Scoprilo ora