Kabanata 17

6 2 0
                                    

Ilang minuto pa kami ulit nanahimik. Pinanatili ang buong paligid ng mapayapa. We're both maditating, sinasamahan at hinahayaan niya ako kung saan ko gustong magpunta. Alam ng mga kaibigan ko na kailangan ko sila ngayon, parang kapatid na ang turingan namin sa isa't isa at ako ang pinakakulelat sa pagiging madaldal dahil hindi naman ako gaano kasigasig magsalita dahil wala na ring dahilan pa para magsalita at maging masaya.

But Amanda told me to be happy. She taught me that I will never live longer if I won't try to make myself happy of what the things can make me feel the core of bliss.

"Mahal mo talaga si Amanda 'no? Grabe 'yung sigaw ng mga tingin mo sa tuwing napapagusapan o naiisip mo siya eh." He chuckled again.

Tumango ako.

"Gano'n pala talaga kapag natamaan ka ng pana ni kupido. Alam mo we're both same I also love someone." Sambit niya.

Napagtaka ako sa sinabi niya, "Who?"

"Si Lexi. Their friend ang kaso I don't have chance because she's already taken." Napailing siya dahil hindi makapaniwala.

"Maging sad boy muna kaya ako." Humagalpak siya ng tawa.

Napangiti na lang rin ako at napailing. Marami pa rin pala ang nagbago sa akin dahil madali na lang rin ako napapangiti simula 'nung tinuruan ako at dinala ako ni Yassen sa reyalidad na kailangan ko ring maging masaya at huwag maging magisa sa lahat ng bagay.

"Lodi ko talaga Yassen eh akalain mo 'yon kahit multo siya 'nung nagkita kayo naiwanan ka niyang ganiyan na madali na lang rin napapangiti. Shet, inlab na inlab sa bossing oh." Humagikgik pa siya bago ako tinapik ng kaunti.

Hindi ako sumagot.

"Tara na sa loob, kain muna tayo nagugutom na 'ko nando'n silang tatlo." Aya niya at akmang hahakbang na papalayo ng magsalita ako.

"Who?"

"Sila Aimee at Dominic kasama si Lexi..." humina ang boses niya pagdating sa pangalan ng babaeng matagal na niyang mahal.

"Kaya pala," I mumbled.

"Hindi ah! Masyado kang ma-issue." Ngumiwi siya sa akin bago ako tapikin ulit.

"Defensive." Bulong ko ulit.

"Ewan ko sa 'yo, tara na nga!" Sambit niya ulit.

"Mauna ka na mamaya na 'ko."

"Sige, tawagin mo 'ko kapag tatalon ka sa rooftop ah para maitulak kita agad." Pagbibiro niya bago tumawa ulit habang naglalakad papalayo.

Napangiti na lang ulit ako ng bahagyang bahagya dahil sa kakulitan na taglay niya.

Not gonna lie, they're really the best friends I have had. I wasn't aware na gano'n pala sila magalala sa tuwing iba ang pinta ng mukha ko. They're the people who understand me since before.

Tumanaw ulit ako sa langit at napansin na kanina ko pa pala suot ang airpods ko na naka-connect pa sa bluetooth ng phone ko.

Since I still don't want to go back inside I prefer to play a music again to calm myself as I opened my phone to continue the song I want to play.

Umupo na ako sa katabing upuan ng railings at doon nakayuko at pilit na tinitiklop ang sariling sakit na nararamdaman. Na sana panaginip lang ang lahat.

There I was again tonight forcing
laughter, faking smiles

Same old tired, lonely place
Walls of insincerity

Shifting eyes and vacancy vanished when I saw your face

All I can say is it was enchanting to meet you

MUSIKANG MALILIMOù les histoires vivent. Découvrez maintenant