Kabanata 23

4 2 0
                                    

Kinabukasan tanghali na ako gumising dahil gabi pa naman ang gig namin. Kasama raw namin ang Galaxy Core na tutugtog, paniguradong balisa na naman itong si Francis dahil nandoon si Lexi mamaya.

Gano'n lang ulit ang nangyari simula kahapon, palaging school ang puntahan at ngayon may saya na. Ngayon na lang ulit gumaan ang pakiramdam ko sa kabila ng lahat na nangyari. I'm proud that I made it, I'm so proud not because of me but because of Yassen. She's the one who pulled me to fix all of this at dahil rin sa tulong ni Lilac.

And I decided to focus on finding Yassen after this gig. Then let go of Eia, masaya akong nakilala siya na may papalit pala na mas lalong nagpapatibok ng puso ko ngayon. Iba ang tama sa akin ng pagibig lalo na kay Amanda, this is how it calls love.

Hindi lang romantic feelings ang involve sa love kun 'di ang pamilya at sarili mo rin. Loving yourself and family and ofcourse the person you fell inlove with.

I have a guts to pursue finding her, tinanong ko na rin kay mama ang tungkol sa papa ni Yassen pero ang sabi naman ni mama ay wala na raw silang koneksyon ni sir Ernesto simula noong namatay si daddy at iurong ang kaso. Pero kahit gano'n sisimulan at itutuloy ko hanggang sa dulo ang paghahanap. Mahanap man o hindi atleast I tried..

Ayokong magisip ng negatibong sagot dahil ayokong tuluyang ibigay sa akin iyon.

Ang paghahanap sa kaniya ay parang notang hindi mo kabisado katulad ng pagkapa mo sa pagtugtog.

Inisip ko na lamang muli ang gig na mangyayari mamayang gabi. Malaking event daw ang magaganap for public pero hindi ko rin mismo alam kung anong klaseng event, sa plaza daw ang location kaya obligadong doon kami pupunta.

Dark Scar, since I was 1st year college that group was created by me with my 2 members. Dominic the pianist and Francis the drumer, I'm the one who's guitarist and vocalist. Kung minsan kapag kulang ang instrument at ng member ay humihiram kami sa event ng ibang tao na pwedeng tumugtog ng iba pang instrumento, pero minsan acapella ang ginagawa ko.

Sinabihan ko na rin sila Nics kanina na buo kaming bandang tutugtog para sa lahat. Napagusapan naming kaunti lang ang kantang kakantahin dahil din sa kabilang grupo na tutugtog.

Tiningnan ko ang orasan sa wall ng kwarto ko, 9am na pala. Si mama ay baka nasa trabaho na. She told me na may over time siya ngayong weekend pero sabi niya maaga rin daw siyang maga-out bago magsimula ang gig.

This is it. Mama will attend and this night will be the best. Si kuya rin ay walang pasok kaya panigurado kasama niya ngayon ang mga kaibigan niya sa baba at nanonood, may nililigawan na rin si kuya pero sana kapag nagkita ulit kami ni Amanda ay hindi na siya ang piliin nito.

Whatever the result from finding her, masaktan man ako o hindi I'll be happy to see her again para lang makita kong ligtas siya.

Tumayo na ako sa kama ko at nagsimulang magpunta muna sa banyo para maghilamos ng mukha.
___

Nang matapos ako ay lumabas na rin ako para kumain sa baba. Narinig ko sa hagdan pa lang ang mga halakhak nila kuya kasama ang mga kaibigan niya. They're probably talking and doing movie marathon. Ganito ang kadalasang ginagawa nila noon pa man.

Nang makatungtong ako sa baba ay agad akong nagpunta sa kusina. Nakita ko silang lahat roon na abala sa panonood.

"Knight!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Inilapag ko muna sa counter ang baso na kinuha ko atyaka ito nilingon.

Si Dominic at Francis pala.

Lumapit ako sa kanila atyaka nag-offer ng fist bump.

"Bakit kayo napunta dito?" Tanong ko atyaka tumabi muna sa katabi nilang upuan.

"Malamang inaya kami ni kuya Alain." Sabat ni Francis.

MUSIKANG MALILIMNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ