Kabanata 20

4 1 0
                                    

Nang magising ako ay agad akong tumayo. Hindi ko pa rin alam ang gagawin kong desisyon sa sinabi ni Lilac sa akin, umupo muna ako sa higaan ko bago muling sumubok pagdesisyonan ang mga binanggit niya sa akin.

Nakatutok ang mga paningin ko sa pinto na nakasarado at doon pilit na nililitis ito sa tingin ko para makakuha ng tamang sagot.

Do I have to try it?

May mawawala ba kung susubukan ko?

Napakadaming tanong at what if o bakit na nasa utak ko na hindi ko kaagad masagot sagot. Sinilip ko ang labas at wala pang kahit na anong liwanag ang nakabalot rito, ilaw pa lamang ng mga building at poste ang makikita rito.

Wala pang araw na naghahari. Pababa pa lang ang buwan at ang ilang mga bituin ay nagsisimulang magsilubugan na rin.

I checked my phone to know the time and it's still 3:48, ang aga ko pa lang nagising at wala pa si Lilac. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong maniwala sa kaniya siguro dahil rin sa mga sinasabi niya na tutulungan niya ako.

I'm not into paranormal. Ghost, fairies, goddess o kahit anumang mga kwentong fantasies 'yan pero simula 'nung nakilala ko si Yassen maski si Lilac at Lilly ay nagsimulang umusbong ang paniniwala ko rito, hindi ako interesado dito dati at wala akong kapake-pakealam.

Tumitig ulit ako sa pinto na hanggang ngayon ay sarado. Tahimik na nakaupo at nagiisip, what if I try? Is there something I will lose if I'm gonna give it a try?

"Looks like you haven't made up your mind yet, do you?" Bigla namang nagpakita si Lilac sa akin.

Ganoon pa rin ang suot niya, mukha pa rin siyang dalaga kahit sinabi niyang matanda na sila. Hindi talaga tumatanda ang mga itsura nila.

Ilang minuto pa ako tumulala bago siya ulit magsalita para ibalik ako sa reyalidad.

"Hello? May kausap ba 'ko?"

Napaigtad ako ng kaunti at tumingin na sa kaniya.

"Have you made up your decision?" Masungit na tingin nito.

Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang itsura nito, kung nangloloko ba siya o talagang masungit lang ang datingan niya.

"Not yet." Sagot ko.

"So it means you're still deciding? Malapit na ang alas kwatro. Will you take it or leave it?" Sambit ulit nito na ikinabahala ko naman.

"Before 4am you should know the final answer for you questions in your mind, you need to take your decision and mission para maiayos mo lahat and if you failed sorry not sorry but you will still be stuck there." May pananakot nitong sabi sa akin.

"W-What if I failed?" Tanong ko na may halong kaba.

Hindi nagtagal ay sumagot rin siya sa akin, "Iilan pa lang ang hindi nagtatagumpay dito pero alam kong kaya mo if you're competitive and consistent enough for the person you are fighting for."

"Paano kung galit naman ang papalit kung sakaling maibalik ko si Yassen?" Nagdadalawang isip akong nagtanong.

Iniwas niya sa akin ang tingin at tumingin muna palayo. Huminga siya ng malalim bago ituran ang mga susunod na sasabihin niya.

"Knight, you will never know what is love until you know how to forgive. Kung mahal mo ang isang tao, they will be forgiven as if nothing happened there." Itinuro niya ang puso ko at tumabi sa tabi ko.

Umupo siya ng maayos atyaka ako hinarap. "I know it's unbelievable that we exist pero eto na lang ang tanging paraan para makita at makasama mo na siya. Hindi uubra ang takot o nerbyos dahil wala kang mapapala sa kahit na anong nararamdaman mo ngayon."

MUSIKANG MALILIMWhere stories live. Discover now