Kabanata 16

5 2 0
                                    

Lumipas ang ilang araw bumalik ako sa dating ako. Palaging nakakulong sa kwarto at bihira na lang nagpupunta sa rooftop o sa labas kahit saan.

I can't move from the spot where she left me behind. Iniwan niya ako sa malungkot na kanta na inialaya niya sa akin.

I want to tell her that I want her to feel what I felt but I can't. Mahal ko pa rin siya, siguro ganoon talaga kapag mahal mo 'yung isang tao. You will never be mad to that person when you're truly inlove.

Na kaya mong patawin 'yung taong may malaking kasalanan sa 'yo kasi mahal mo.

Lumabas ako at nagpunta ulit sa rooftop para magpahangin.

Once I arrived there the wind hugged me immediately and embraced me as I did the same. Ipinikit ko ang mga mata ko para damhin ang hangin na sumasalat sa balat ko.

As I noticed my tears started to stream again. Here we go again, ilalabas na ulit ang mga natitira pang kaban ng luha. At hanggang kailan ako maglalabas ng mga luha sa tuwing sasagi sa utak ko ang pangalan at itsura niya kung gaano niya ako napapasaya sa araw-araw. At araw-araw ko rin siyang pipiliin sa kahit sino man ang pipigil hindi magpapatinag.

So this is what we call love...

Ganito pala ang feeling nang nagmamahal ulit. Sobrang tagal na simula 'nung nagmahal ako, I never knew that I'll be into this again.

Ilang segundo pa ang ipinikit ko at agad na ring iminulat ang mata sa pagkakapikit.

Masaya makinig ng musika kung tugma sa pakiramdam mo ang kanta pero naging masaya ako sa musikang hindi tugma sa akin.

Gusto kong hilingin na sana hindi ko na lang siya nakilala o nakita ang kaso...siya na ang naging paborito kong kanta sa larangan ng musika.

I finally went to the railings of the rooftop. Nakapatong doon ang dalawa kong braso habang nakatitig sa kalsa. Maraming tao ang nakikipagsapalaran araw-araw para sa mga taong mahal nila at responsibilidad nila.

May mga taong nasa trabaho at ang iba ay nangangalakal dahil walang makuhang permanenteng trabaho, some of them are like a beggar who's begging for money at the side of the road.

Pero paano mo malalaman kung tama ba ang namamalimos na binibigyan mo ng pera o pagkain. How could you know if that person isn't mumper? At gano'n ka na lang nauuto.

Beverage, food, clothes. Sana gano'n na lang din siya na pwede mong palitan o bumili ng bago.

But she has something that anyone could never have. That sparks of her presence, that makes me feel delighted when she is around but I do not know how can I talk to her already.

Ilang araw na ang nakakalipas, it's been 2 days pero wala na siya. Hindi ko man lang siya nabigyan ng paalam, hindi ko man lang nasabi sa kaniya o naparamdam sa kaniya ang gusto kong ipadama sa kaniya. She never showed up anymore, sinubukan kong magpunta sa ICU kahapon pero wala na siya roon.

<FLASHBACK>

Because of not being stable I stood up from my bed.

Nagpunta ako sa ICU para tignan kung nasaan si Yassen, still hoping that she's still fighting using those machines.

Sarado ang pinto ng ICU at may kurtinang nakasarado sa malaking salamin ng ICU kaya hindi ko makita ang loob.

"Uh...can I ask do you know Amanda Yassen De Leon?" Pumunta ako sa nurse na napadaan sa hallway.

"Yes po, bakit po?" Magalang siyang sumagot.

"Is she still there?" Turo ko sa ICU

"Wala na po eh, ang sabi po kasi ni doc may nangyari daw po kahapon kay Ms. Amanda...she collapsed pero hindi pa rin po matukoy kung ano po talagang nangyari. I think her dad don't want to share it public." Ngumiti siya sa akin ng may galang.

MUSIKANG MALILIMWhere stories live. Discover now