Kabanata 21

7 1 0
                                    

Lilac's POV

Tahimik lang ako nakaupo sa kwarto niya at nakatitig sa kamay ng orasan na paulit ulit umiikot.

Aaminin ko, bata pa lamang kami ni Knight ay binabantayan ko na siya gamit ang isang monitoring time namin sa lugar kung saan ako nakatira. Sabi ng kataas taasan namin ay bantayan ko raw siya araw-araw at kapag dumating ang takdang panahon ay tutulungan ko siya at eto na rin ang matagal na panahon kong hinihintay para makita siya sa personal o makausap. Pero noong palagi na siyang pinapagalit ng mama niya ay napagutusan akong lumayo muna sa lugar namin para mabantayan siya ng patago. Akala ko talaga no'n, kami ang para sa isa't isa. Umasa si Lilac na naging tanga.

Dito nagsimula ang lahat. Dito nila ako pinakilala sa kaniya.

<FLASHBACK>

"Magandang araw, bakit niyo raw ako ipinapatawag?" Lumapit ako habang akay akay ang mahaba kong bistida para makaakyat sa silid.

"Nariyan ka na pala, halika dito, Lilac. May ipapakilala ako sa iyo." Sinenyasan niya pa ako bago ako tuluyang lumapit sa kaniya.

Siya ang pinaka kataas taasan namin rito sa mundo namin ang tawag namin sa kaniya ay Highness. Hindi kailanman niya ibinunyag ang buo niyang pangalan at hindi rin siya nagtatanggal ng maskara sa mukha pero lahat kami dito ay malapit sa kaniya.

Ipapanganak kami mula sanggol hanggang sa tumanda pero hindi kailanman kami nagmumukhang matanda. Babae ang kataastaasan namin rito walang kahit na sinoman ang nakakapasok na lalaki rito, lahat kami ay babae. Because that's what they call it Goddess. Nabubuo ang isang goddess dito sa pamamagitan ng fairy dust, walang sinomang lalaki ang nakabilang sa amin. Lahat kami puro kababaihan.

"Bata ka pa at hindi mo pa ito maiintindihan pero iisa lang ang taong babantayan mo. Magsisimula ka ngayon hanggang sa kailanganin na niya ang tulong natin." Turo niya sa isang maliit na panooran.

Hindi ko alam ang tawag rito ngunit nakakasigurado ako na paraan ito para mabantayan ang magiging bantay ko.

"Ano ang ngalan niya?" Ani ko.

"Siya si Knight, bata pa siya pero alam kong gagawin mo ang misyon na nakaantas sa iyo. May tiwala ako sa iyo." Nakita ko sa mga mata niya na nakangiti siya kahit nakamaskara ito.

Hinahawi hawi rin niya ang buhok ko para marahang ipaliwanag sa akin.

"Kailan ko po siya pwedeng makita o makausap? Nakakasabik po kasi siyang makilala at makalaro." Napahagikgik ako sa tuwa.

"Wala sa patakaran natin ang makalaro sila o makita ng matagalan. Tutulungan lang natin sila, kakausapin mo rin sila pero may oras at limitasyon. Para ito sa kaligtasan natin," sambit nito ng may pero.

Tumango tango ako at pinanood siya.

Abala siya sa pagbabasa ng libro, mukha siyang tahimik na tao pero maamo ang itsura niya.

<End of the FLASHBACK>

Magmula noon palagi ko na siyang pinapanood. Binabantayan, kapag malungkot siya malungkot na rin ako. Kapag masaya siya abot hanggang tainga rin ang ngiti ko para sa kaniya. Lalo na sa tuwing magkasama sila ng pamilya niya. Natutuwa akong masaya sila lalo na siya.

Hanggang sa pagtanda...napagtanto ko na lang na..

I already fell inlove with him.

Ilang dekada at taon ko siyang binantayan na mismong pinakaunang batas namin ay nalabag ko na. Ang magmahal ng tao.

Alam kong mali ang magmahal ng tao na hindi namin kauri pero bukod doon ay mali rin na mahalin ko siya dahil may mahal siyang iba. Kaya kahit masakit man tutulungan ko siya para makamit niya ang kagustuhan niyang mahawakan si Amanda kahit hindi ako iyon, hindi ako desperada na gagawa ng kasalanan para lang makuha siya. Dahil wala akong mapapala kung pipilitin ko siyang maging akin dahil sa puno't dulo si Yassen pa rin ang pipiliin niya.

MUSIKANG MALILIMKde žijí příběhy. Začni objevovat