Special chapter

3.9K 143 28
                                    


"Babe?"

"Baby?"

"Love?"

"If you're still gonna ignore me I will ignore you too. Let's ignore each other forever."

Bigla naman akong napa-isip sa sinabi nya.

Hindi nya ako papansinin?

Forever raw kaming di magpapansinan?

Napalunok naman ako bago sya tignan.

"Karina.." tawag ko.

Tinignan nya ako ng masama.

"You're not even calling me babe? Is that the right attitude, Winter?" naniningkit ang mga matang sabi nya.

Teka lang naman.

Akala ko ako ang nagtatampo dito?

Ba't nabaliktad agad bago pa man sya manuyo?

Mabilis syang tumayo mula sa swing nitong park at naglakad.

Tumayo rin naman ako agad at sinundan sya.

"Babe.." tawag ko pero di nya manlang ako nilingon.

Kainis to!

O sige let's ignore each other.

Napansin nya na sigurong hindi na ako nakasunod sa kanya kaya huminto sya sa paglalakad at naka-kunot ang noong tinignan ako.

Masamang nakatingin naman ako sa kanya.

Nagalit lang naman ako kasi tinaboy nya yung batang lumapit samin kanina at binigyan ako ng bulaklak na napitas nya lang yata dito sa park.

Ngumiti at nag thank you lang naman ako sa bata ba't nya kailangang takutin at paalisin?!

Tapos ngayon sya pa may ganang magalit?!

Nakakainis sya.

O sige magtitigan lang tayo dito.

Mukha na kaming tanga na nagtitigan dito. Hindi naman sya ganuong malayo mula sa'kin.

Pang-ilang date na yata namin tong lagi kaming nauuwi sa away.

Nagbabati naman kami after, ewan ko lang ngayon kasi naiinis talaga ako sa pagiging childish nya minsan.

Umiwas na ako ng tingin at naglakad papuntang entrance ng park.

Wala pala akong sasakyang dala kasi kotse nya yung dala namin ngayon.

Every dates kasi namin salitan kami ng sasakyang ginagamit.

Bwisit mapapagastos pa ako ng pamasahe.

Kaagad akong nagpara ng tricycle.

Pupunta akong mall. Doon ako maglalabas ng sama ng loob.

May huminto naman agad sa harap ko.

"Plaza mall kuya." sabi ko bago umikot papasok ng loob ng tricycle.

"Sasakay ka din iha?"

Mabilis akong umusog ng marinig ko si Kuyang may tinanong na isa pang pasahero.

Kainis ayoko pa namang may katabi ngayon.

Nagulat naman ako sa kung sino yung kasabay kong pasahero.

Inis na tinignan ko sya ng umupo na sya sa tabi ko.

Sinundan nya ako.

Inirapan ko lang sya at diretsong tumingin sa harap.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now