Strawberry

3.6K 137 76
                                    

After that night naging busy na ulit kami.

I was avoiding her the whole morning. Kahit noong nagsimula na silang mag-practice. Lagi syang nakatingin sa'kin. Kaya pinilit ko talagang wag magtama ang mga mata namin.

I don't know.

Something shifted inside of me after nyang itanong yun.

Pinilit ko nalang ang sarili kong magpaka busy.

The whole morning ay tumulong nalang kami sa pag-aayos ng venue.

The stage was big enough para sa mga candidates. Naka ready na rin yung mga upuan para sa mga audience. Nandito parin naman sa camp yung venue. Bukas raw ay kailangan na naming iligpit ang mga tent para mas malaking space raw ang magamit.

Minsan ay di ko talaga maiwasang mapatingin sa kanya lalo na kapag naglalakad na sya sa stage.

She looked so..beautiful.

Umupo muna kami nila Gi para magpahinga. Sobrang init. Di pa rin natatapos yung baklang instructor kakasigaw sa mga candidates sa arrangements and blocking.

"Stride!"

"Gandahan nyo naman yung lakad nyo!"

"Yes gurl, I like your walk."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko simula kanina.

Di kami masyadong lumayo sa stage kaya kita parin namin yung ganap. Sa may bandang kaliwa di kalayuan sa'min, may naka upong dalawang babae na ang lakas mag chismisan.

Napapatingin lang kami everytime na tatawa yung dalawa. Tapos kaming apat din magtitinginan at matatawa.

"..kita mo yung isa dyan? Yung pinaka matangkad."

"Yung parang artista?"

"Oo yun nga!"

Nakatingin na ako dun sa dalawa.

"Ang ganda kaso parang ano.." tumigil sa sasabihin nya yung isa tapos parang may sinenyas lang dun sa babae.

Pabirong tinulak naman sya nung kausap nya.

"Hoy grabe ka! Parang di naman." natatawang sabi nito.

Umirap naman yung isa.

"Sa awra palang halata mo na. Tignan mo naman."

Sinundan ko naman yung tingin ng dalawa.

Kaagad na nagsalubong ang kilay ko ng mapagtantong si Karina ang pinag-uusapan nila.

"Mukha nga, talim nga nung mga mata pero parang ang landi ng awra. Feeling ko nga jowa nya yung kapartner nya."

Napatayo na ako para sana lapitan yung dalawa ng may biglang humila sa leeg ko.

Shuta papatayin ba ako ng mga to?

"Aray! Ano ba?" inis na bulyaw ko.

"Sorry na. Ikaw naman kasi kumalma ka." sabi ni Gi.

Inis na napabuntong hininga nalang ako at marahas na nilingon yung dalawang bruha. Nakatingin na rin pala yung dalawa samin kaya naman pinandilatan ko sila.

Ayan makuha kayo sa tingin.

Anong karapatan nilang isipin ang ganun sa isang tao base lang sa nakikita nila?

Naku! Nag-iinit ulo ko sa mga chararat na to.

Padabog na umupo nalang ulit ako.

"Natandaan mo ba yung mga mukha Ning?" tanong ni Ryujin kay Ning na taas kilay na nakatingin dun sa paalis na mga bruha.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now