She's back

3.4K 126 37
                                    


"Winter kumalma ka, maraming tao dito." bulong ni Ryujin na syang nakahawak sa kanang kamay ko.

"Abangan mo nalang dun sa parang eskinita papasok ng bahay nila mamayang gabi." si Gi naman yung nagsalita na nakayakap yung kamay sa bewang ko.

"Gurl kahit gustong-gusto kong makalbo yang babaeng yan ngayon, wag tayong gumawa ng eksena dito." pigil rin ni Ningning na nasa harap ko at pinapakalma ako.

Hindi eh!

Gusto ko talagang sabunutan yang bernadette ngayon!

As in now na!

"Oy! Kalma lang nga gurl, mamaya natin pagtulungan yang bruha." awat ulit ni Ning nung gumalaw ulit ako.

Nakakagigil kasi talaga bruhang to. Wala ba syang ibang purpose sa life kundi ang umepal sa iba?

Nakakainis talaga ang bruha.

"Wala na tayong magagawa. Andyan na yan eh, tsaka kinausap pa talaga ni Kap si Mama." wala sa loob na sani ni Gi.

Kasalanan kasi talaga to ng Bernadette na yan eh!

Ginawa ba naman kaming instant organizer at trainor kuno sa gaganaping inter baranggay pageant.

Bwisit na babae. Mabuti nalang talaga at hindi nya naisipang isulsol kay Kap na kami ang gawing kandidata.

Nako! Kung nagkataon!

Baka nakahilata na yung katawan nya ngayon dito sa baranggay hall.

Ewan ko ba sa babaeng to, kapag may event sa baranggay basta basta nalang nagtuturo ng kung sino-sino. Tapos ito namang si Kap uto-uto masyado.

Ka-stress lang.

"Okay na naman sainyo diba? Basta ipapatawag ko nalang ulit kayo kapag may napili na tayong kandidata." umayos naman kami ng lumapit ulit samin si Kap kasama yung bruhildang bernadette.

"Kayo naman kasi! Ba't walang may gusto sainyong kumandidata? Eh di sana panalo na baranggay natin." page-epal ni bruha.

"Eh, kung ikaw nalang kaya yung sumali tutal dami mong alam sa buhay." pigil inis na sabi ni Ning.

"Hay naku, Ning alam ko namang maganda ako pero wala akong interes sa mga ganyan eh." confident na sabi ni bruha habang parang timang na tinu-twirl yung ilang strand ng buhok nya.

Kapal ng mukha.

Hambalusin kita dyan!

"Ah.. hahahahah masyado ka talagang humble bernadette!" natatawang sabi ni Gi.

"Naku, Giselle marami talagang tumatawag sa'kin ng ganyan." may pa hampas pa ng braso ni Gi ang bruha kala mo close sila.

"Ng ano? Humble?"

"Ng Bernadette! Ano ka ba!" Tumatawang sabi nya.

May something talaga utak nito.




Ramdam ko parin yung inis sa buong katawan ko kahit na pauwi na kami.

Kakabalik lang namin dito sa baranggay matapos ang kalbaryo namin sa MLU tapos may gagawin agad kami. Pahinga lang naman ang kailangan namin.

Kailangan ko pang maghanda para sa performance namin ngayong darating na byernes. Lunes na lunes nai-stress ako.

Jusko bernadette!

"Gumala muna tayo!" out of nowhere na sabi ni Gi.

Napataas ang kilay ko.

"San naman?" tanong ni Ryujin na habang nakatutok sa phone nya.

Ang jowa kong balikbayanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora