Date

4K 142 40
                                    

Wag nalang kaya ako lumabas ng bahay?

Oh rold sana panaginip lang yung kagabi. Sana panaginip lang yung pag oo ko sa kanya.

Kasi naman eh!

Totoo ba talaga yun? Baka ginu-good time lang ako ni Karina. Napaka imposible kasing magustuhan nya ako. Sabihin na nating crushable ako at super cute pero si Karina yun. Si Karina! Kaya impossible talagang gusto nya ako.

"Winter bumangon ka na at may bisita ka!"

Lakas talaga ng boses ni Mama kahit kailan.

"Sino ba yan Ma?!" Kanina pa ako gising di ko lang talaga makuhang umalis muna rito sa kwarto kasi iniisip ko parin nangyari kagabi.

"Si Karina!"

Juskodai!

"Ma tulog pala ako!"

"Bata ka papaluin kita dyan! Lumabas kana at kanina pa to naghihintay sa sala." Mukhang lumapit na sa may pinto si Mama dahil mas lumakas boses nito.

Pero ano daw? Si Karina kanina pa naghihintay sa sala?

Anong gagawin ko?!

Tarantang napatayo ako at agad na humarap sa salamin.

Sino ka?!

Para akong galing gubat.

Ang gulo ng buhok ko tapos ang laki ng eye bags ko tapos..basta ang ewan ng itsura ko.

Hindi pa ako nakapaghilamos at mumog.

Waaaaah!!!

"Winter ano na?!"

Mama naman!

Muntik na akong atakihin sa puso ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Karina.

Mga laman lupa lamunin nyo na ngayon ako, ples.

"Good morning."

Hindi good ang morning ko Karina.

Parang constipated yung dating ng ngiti ko kay Karina.

Nakakahiya talaga.

"So ganito pala itsura ng room mo," manghang sabi nya habang naglalakad palapit sa may bintana ng kwarto ko.

Mas lalo naman akong nakaramdam ng hiya sa sinabi nya. Agad kong napansin yung magulo kong higaan tapos yung nagkalat na mga papel at libro sa study table ko.

Nagmadali akong pumunta sa kama ko at agad na inayos ito.

"P-pasensya na K-karina at medyo magulo."

"Winter it's okay."

No it's not okay Karina!

"Ah..b-ba't ka pala nandito?"

Ano ba Karina.

Wag mo akong tignan ng ganyan. Mas lalong napapangitan ako sa sarili ko eh.

Jusko baka may muta pa ako!

"Just want to say good morning." Di ko alam kung ano dapat i-react sa sagot nya.

Para mag good morning?

Karina ba't di mo nalang tinext? Chinat? Voice call? Video call? Any call?! Ba't kailangan harap harapan?! Ngayong ganito itsura ko!

"Any plans for today?" Nakangiting tanong nya.

Mama ang ganda ni Karina!

"W-wala naman akong plano." Di ko parin magawang lumapit sa kanya. Baka kasi amoy laway pa ako jusko nakakahiya.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now