Tent

3.5K 121 29
                                    

Busy kami.

Literal na literal na busy kami.

Salamat bernadette.

Ang laking ambag mo sa aming buhay sana kunin ka na rin ni lord para may maiambag ka rin sa kabilang buhay.

Charot!

Naubos ang isang linggo namin sa preparation para sa gaganaping pageant na sa kabilang baranggay.

Sila Ning at Gi ang naka-toka sa makeups and mga susuotin ng aming kandidata. Kami naman ni Ryujin ang bahala sa mga kakailanganin at magma-manage ng talents na ipapakita nila.

Stress na stress si Ningning at Gi sa pinagkunan nila nung mga dresses na napili nila para kay Karina. Bakit raw naman kasi hindi agad inasikaso eh nauna at sobrang aga raw nilang nagpa-reserve. Tapos malaman-laman nila nakuha na ng iba yung mga napili nila.

Ngayon pa naman ang alis namin papuntang baranggay mapurol. 3 days raw yung parang activities ng mga candidates at provided ng every baranggay yung gastusin.

"Bestie bet mo bang mag bra at panty nalang sa coronation night? Baka manalo agad us."

Nabilaukan ako bigla.

Nakatikim ng isang malakas na hampas si Ning mula kay Gi na pinilit talaga syang abutin mula sa passenger seat.

Deserved.

Kung ano-ano lumalabas sa bibig ng bruha.

Namumulang umiling naman si Karina.

"Makahampas ka naman baks! Yung susuotin nya kasi." inis na sabi ni Ning.

Tinignan naman ni Gi yung dresses na kakapasok lang ni Ryujin sa loob nitong kotse ni Karina.

"Kayang kaya itawid ni Rina yan. Baka nakakalimutan mong model ang pinsan ko." confident na sabi ni Gi.

Nakalimutan nga namin.

"Alam nyo bang late na tayo? Alas nuwebe na." paalala naman ni Ryujin na kakapasok lang din ng sasakyan.

Si Ning napapagitnaan namin.

"Okay lang naman ma-late. Maganda tayo kaya given na yan." maarteng sabi ni Ning.

Nagmamaganda ang bruha.

Umingay na kami dito sa loob dahil pinagtatalunan nila yung talent na gagawin ni Karina.

Actually wala pa namang sinasabi si Karina kung anong gagawin nya kaya pinagmamadali sya ni Ryujin. Si Gi naman iniinsist na sumayaw sya dahil magaling raw sya. I didn't know that.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtatalo ng biglang mag-ring yung phone ko kaya instant tigil kami.

"Panira naman. Sino ba yan?!" inis na tanong ni Ryujin.

Kaagad ko itong sinagot ng makita ko kung sino yung tumawag.

"Napatawag ka?" kaagad kong tanong.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nya at isang scoff.

Don't tell me magkasama sila ni Olivia?

"Just want an update from you. Paalis na kayo?"

Inis na hinarang ng isang kamay ko yung pagmumukha ni Ning ng mag-attempt itong idikit ang tenga nya sa phone na nasa tenga ko.

"Paalis pa lang. Kasama mo si Olivia?"

Tumawa naman ulit sya.

"Lakas naman ng senses mo when it comes to Olivia."

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now