Stop

3.8K 152 127
                                    


"Hindi pa ba pudpud yang ipin mo kaka-toothbrush?" pag-iintriga ni Ning naka nguso pa sa sipilyong hawak ko.

"Pang limang beses mo na yatang pag-toothbrush yan." dagdag nya pa.

Hindi ko muna sya sinagot dahil busy ako sa pagkuskus ng mabuti sa ngipin ko pati yata lips ko nakukus-kus ko na.

Gusto ko lang naman mabura yung karupukang ginawa ko kagabi.

Oh my god!

Naiisip ko na naman sya.

"Gurl! Oa na yan ha?! Gigil na gigil?"

Mabilis kong binuksan yung gripo at nagmumog ng mabuti.

"May nangyari bang kababalaghan kagabi?" pag-iintriga nya ulit.

Namumulang nag-iwas naman ako. Ang lagkit nung titig ni Ning.

"W-wala n-naman. Tara na." pag-aaya ko nung makuha ko na yung lalagyan ng toothbrush ko.

Alam kong may napansing kahina-hinala si Ning base sa pagpigil nito sa pag ngisi at panandaliang paglaki ng butas ng ilong nya. Pero hindi na sya nagsalita pa at tumango nalang sa'kin.

Pabalik na kami ng camp ng mapansin kong nag-aayos na sila Gi ng tent na ginamit namin.

6 pm pa naman yung start ng program pero sinabihan kaming after lunch ay pwede na kaming magligpit.

Kainis lang kasi almost 11 na rin ako nagising kaya naman sobrang late ako sa mga dapat gawin.

Nauna na kanina si Ryujin sa pag asikaso nung mga kakailanganin ni Karina at kuya Kai.

Sinabi ko nalang na babawi nalang ako sa pagtulong mamaya.

Pansin ko yung maya't mayang pagtitig ni Karina sa'kin. Todo iwas naman ako kasi nahihiya parin ako.

Nung hinalikan nya kasi ulit ako ay naitulak ko talaga sya ng malakas bago pa ako makagawa ng ikababaliw ko talaga.

After ko syang maitulak ay nagpumilit talaga akong wag nya akong kakausapin. Buong gabi akong nakatalikod sa pwesto nya kaya naman siguro sobrang sakit ng katawan ko kasi hindi ako gumalaw sa position ko.

She tried talking to me ng magising ako kanina but I keep on avoiding her.

Matapos ang nangyari natatakot na ako.

Pinagpahinga na namin yung dalawa since kailangan nila ng sapat na energy mamaya.

Busy na si Gi at Ning sa pag-aayos nung make ups. Si Ryujin naman maya't maya binabalikan yung kuyang naka-toka sa mga sounds and equipments mamaya. Ang sabi nya sinisigurado nya lang raw na magiging okay yung music nila Karina mamaya.

Ako naman walang ibang magawa kundi ang pagalitan ang sarili ko dahil sa ginawa ko kagabi.

"Bakit ba kasi ginawa ko yun?"

"Ginawa ang alin?"

"Ay bruha!" gulat na gulat na sigaw ko.

"Maka bruha ka naman Win? Chaka mo." sabi ni Gi na kaagad umupo sa tabi ko.

Tapos na ba sila?

"Ba't parang wala ka sa sarili ngayon?" tanong nya habang tinitignan ng maigi mukha ko.

"A-anong wala sa sarili?" maang-maangan ko.

"You know what I mean." umikot pa yung mata nya. "What's up? May nangyari ba sainyo ni Rina? Pansin kong maya't maya yung pagtingin nya sayo?"

Tarantang umiling naman ako.

"W-walang nangyari Gi." kinakabahang napatawa pa ako.

"Eh anong arte yan? Para kang shunga." natatawang sabi nya.

Ang jowa kong balikbayanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang