Aftermath

3.7K 139 126
                                    


Buong byahe pabalik ay tahimik kami. Mas pinili ko nalang sumabay kay Yoon pauwi. Parang naubusan ako ng lakas after ng sagutan namin. Gustong gusto ko nalang agad maka-uwi. Ilang beses akong kinamusta ni Yoon buong byahe. Mahinang tango lang ang isinasagot ko sa kanya.

Nung mga sumunod na araw naman ay nagkulong lang ako sa kwarto. Minsan ay binibisita ako nung tatlo para lang kamustahin. Napapansin kong lagi akong tinitignan ni Gi. Gusto ko syang tanungin kung may problema ba sya sa mukha ko pero mas pinili ko nalang manahimik.

Minsan naman ay naiisip ko si Karina. Parang gusto ko ng iuntog sarili ko nung sumagi sa isipan kong tanungin si Gi kung okay lang ba si Karina.

Nagpaparinig nga minsan sa'kin si Gi kahit si Ning. Like pahapyaw nilang pag-uusapan si Karina kapag nasa bahay sila saying na hindi raw okay state ni Karina tapos sisilipin nila reaksyon ko.

Sa totoo lang di na ako matahimik after that night. Feeling ko lagi nalang akong stress at pagod. Lagi ko nalang naiisip ang mukha ni Karina nung gabing yun. Pagkatapos hindi na naman ako makakatulog ng maayos.

Kahapon ay pumunta sya sa bahay. Nagpumilit si Mama na kitain ko nga sya sa sala. Wala na akong nagawa kundi ang harapin sya. Parang nadurog naman ako ng makita ko sya.

She looked so tired.

Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin.

Kaagad syang tumayo ng makalapit ako sa pwesto nya.

"Winter, I'm sorry about--"

"Kung magso-sorry ka lang naman pwede ka ng umalis. Wala ako sa mood ngayon Karina. Kung kailangan mo ng tawad sinasabi ko sayo na it'll take time." putol ko agad sa sasabihin nya.

Ayokong marinig ang paulit-ulit nyang sorry.

Isa pa naguguluhan parin talaga ako kaya gusto ko munang di sya makita para naman makapag-isip ako ng mabuti.

Pilit naman syang ngumiti at bahagyang umiwas pa ng tingin.

"I know that. Actually I just came here para lang makita ka. Maybe para makahugot ng konting lakas. Sige, I'll go na. Gusto lang talaga kitang makita."

After that ay wala na ulit akong balita sa kanya. Ayoko namang tanungin si Gi dahil ewan, nahihiya na natatakot ako.

Actually kinausap ako ni Mama after naming mag-usap ni Karina.

At gumulo na naman ang aking isipan sa mga sinabi ni Mama.

"Ikaw ba ay di parin nalilimutan si Karina? Wag mo na palang sagutin, damang-dama ko na Winter. Payo ko lang sayo anak, kasi naman malaki ka na dapat alam mo na kung ano ang dapat sundin."

"Ano bang dapat kong sundin Ma?"

"Ang tanga mo naman Winter. Syempre yang sinasabi ng puso mo. Ano bang sinasabi nyan, diba Karina? Gulo-gulo mo. Ba't mo kasi ginagamit yang utak mo eh mahina naman yan...Joke lang naman anak, nanay mo parin ako kaya wag mo akong tignan ng masama."

"Para kang ewan Ma!"

"Ikaw ang parang ewan Winter. Wag kasi puro isip di ka naman sasaya dyan. Sundin mo yang puso mo kasi dyan ka sasaya."

Di ako nakatulog ng gabing yun.

Yung heart ko raw piliin ko sabi ni Mama.

Cause the heart is always right.

Ngayong araw pumayag na akong lumabas ng bahay. Nag-aya si Yoon kumain sa labas. Pumayag na rin naman ako kasi naisip ko ito na rin yung right time para humingi ng tawad sa kanya at para pag-usapan na rin ang mga bagay-bagay.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now