Choose Me

3.5K 160 101
                                    


Bakit ba ako kinakabahan?

Makaka-uwi na ako. Kasama ko si Karina. Pero bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko?

Pinapakiramdaman ko si Karina sa likuran ko.

Hindi naman sa hindi ko gusto. Pero nakapagtataka lang kasi na sa'kin sya sumabay.

Ang saya lang nga nila Gi. Kanina pa nauna yung sinasakyan nila, samantalang kami.

"Wala ka bang iku-kwento?"

Bahagyang nagulat naman ako ng magsalita si Karina.

Kwento?

Ano naman iku-kwento ko?

Ay! Oo nga pala.

"Karina natanggap pala ako sa SM band!" Magana kong sabi. Mabilis ko lang syang sinisipat ng tingin, kasi syempre nagmamaneho ako.

"I know that already. Congratulations by the way."

Napasimangot naman ako.

Ba't parang wala lang sa kanya? Nage-expect pa naman ako ng bonggang reaction galing sa kanya.

Babawi nalang ako kila Gi mamaya.

"That girl earlier. Is she your friend?"

"Si Yoon ba?" Paniniguro ko.

"Yeah." Walang ganang sagot nya.

"Kahapon lang kami nagkakilala sa orientation. Alam mo bang ang bait nya! Kahapon kasi ako nalang mag-isa natira sa white house. Sa totoo lang nag-offer syang ihatid ako nung una kaso tumanggi ako. Pero alam mo ba kahit sobrang lakas ng ulan binalikan nya ako sa white house tapos pinatuloy nya pa ako sa bahay nila. Ang bait nya diba?" tuloy tuloy at naka ngiti kong sabi habang inaalala yung kabaitang ipinakita ni Yoon kahapon.

Kakakilala palang namin pero nagawa nya na agad akong matulungan ng ganun.

"Tinatanong ko lang kung kaibigan mo, di ko sinabing magkwento ka."

Bigla naman akong napa-preno sa sinabi nya.

Ramdam na ramdam ko rin yung pagtama ng katawan nya sa likod ko.

"Ouch! Why did you stop?!" reklamo nya.

Mabilis ko syang tinignan.

Nakakunot lang ang noo nya at parang naiinis.

May problema ba sya?

"Ba't ka naiinis?" pagtatanong ko.

Mabilis nya akong nilingon at tinaasan ng isang kilay.

"Hindi mo alam?"

Ako naman ang napakunot ang noo.

"Ang alin?"

"Kung ba't ako naiinis?" seryosong tanong nya.

Alam ko ba ang dahilan? Ba't ako ang tinatanong nya?

Napapa-isip tuloy ako ngayon ng bongga.

Ba't naiinis ngayon si jowa?

Dahil ba sa hindi ako naka-uwi agad at di ko sya nasabihan?

O baka naman dahil nagugutom na sya?

Hay, ba't sa'kin pa kasi sya sumabay yan tuloy nagugutom na sya.

"You really don't know nga."

Huh?

Mali ba mga iniisip ko?

"You chose her over me."

Ano?

C-chose her?

Kelan? Saan?

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now