Aminan sa baranggay maligaya

3.9K 197 137
                                    

Isa akong mabuting kaibigan kaya di ko hahayaang mabuhay sila sa isang di kapani-paniwalang imahenasyon nila.

Totoong naging crush namin ni Yeji ang isa't isa, pero happy crush lang yun. Hanggang dun lang. Itong sila Gi lang talaga nag-iisip ng kung ano-ano. Ng malaman kasi nilang crush nga namin ni Yeji ang isa't-isa eh pinu-push talaga nila kami.

"Ate Seul alam mo banhshshsh!" Di ko na hinayaang makapagsalita pa si Ryujin. Agad kung nilagay sa bibig nya yung hawak kong tissues.

"Manahimik ka! Gutom lang yan."

"Pwe! Grabe Win, balak mo ba akong patayin?"

"Nakakamatay na yung tissue?" hinampas naman kami ni ate Seul.

"Ayan na sila Wendy tumigil na kayo." Itinuro nya samin sila ate Wendy na kaka-akyat lang "mamaya nalang yung kwento."

"Wala namang kwento ate Seul!"

"Ikaw wala, sila meron."


Sinipat ko ng tingin si Karina. Kanina pa sya tahimik tapos parang pinaglalaruan lang yung fries na hawak nya.

"Okay ka lang?" di naman nakaligtas sa'kin yung mga tinginan ng ibang kasama namin ng tanungin ko si Karina.

Ibinaba nya naman yung fries at tumingin sa'kin.

"Can I talk to you after this?"

Ano raw? Talk after this? As in usap?

Anong pag-uusapan namin?

"S-sige."

Mabilis naman akong tumingin sa isa ko pang katabi na si Ning. Walang hiya to! Pati gravy ko pinapatos!

"Ningning!"

"To naman para gravy lang eh." Inis na hinablot ko yung lalagyan ko ng gravy.

"Bwisit ka! Ba't mo inubos?!"

Nginitian lang ako ng bruha "Hingin mo nalang yung kay bestie."

Pinandilatan ko naman sya "Ikaw yung umubos kaya ikaw dapat--"

"Winter you can take mine."

Sabay sabay naman kaming napatingin kay Karina. Parang wala naman itong pake at busy lang ito sa paglalagay ng gravy sa plato ko pati yata gravy ni Lia kinuha nya at nilagay rin sa plato ko.

Tinignan nya naman ako ng matapos sya sa paglalagay at ngumiti.

*Cough

"Ehem!"

"Grabe yung gravy nakaka samid."

"Sayo na rin tong gravy ko Win. Nawalan ako ng ganang mag gravy bigla."

----

"Yeri naman panira." Pagrereklamo parin ni ate Seul.

Di na kasi sya pinayagan nila ate Yeri na sumama pa samin.

"Sasama ka sa kanila o sa labas ka ng boarding house matutulog?" Pagbabanta ni ate Yeri.

"Ito naman di mabiro. Tara na nga uwi na tayo, inaantok na ako." Tiklop agad si oso. Masama kasing biruin yang si ate Yeri.

"Ingat kayo pauwi ha." Parang nanay naman na bilin ni ate Wendy.

"Ate Wendy isang tambling lang kaya baranggay namin mula dito."

"Isang tambling ka dyan Giselle. Basta mag-ingat sa byahe ha? Sino pala magd-drive sainyo?" Itinuro naman namin si Karina.

"Karina konting pasensya nalang sa mga batang yan. Pero kapag somobra na yung kulit, tapon mo nalang sa labas ng kotse."

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now