Totga

3.3K 122 37
                                    


Ramdam ko na naman yung tingininan nila.

Kala mo tinubuan ako ng dalawang ulo sa sobrang pagka-weird ng mga tingin nila.

"Isa yata itong malaking himala!" bulalas ni Gi habang inaayos yung mga dala nyang gamit.

Tinignan ko lang sya.

Para namang isang milagro yung ginawa kong pagsabay sa kanila.

"Naisipan mo yatang kumpletuhin ang tropa ngayon?" napairap ako sa tanong ni Ning.

"Tumigil nga kayo. Anong gusto nyo maiwan ako dito?" sabi ko.

Ano ba namang van ang nakuha ng mga to? Parang anytime bibigay na yung pinto nitong likod. Ang dami pa naman naming dala.

"Oh, gagalit agad. Naninibago lang, tagal na rin kasi na hindi ka sumasabay samin." parang biglang nag-iba naman yung atmosphere matapos magsalita ni Gi.

"Dinala nyo ba buong MLU? Sikip-sikip na agad ng mga gamit oh!" reklamo ko nalang para gumaan ulit yung usapan.

"Ito kasing si Ning eh! Pati yata kusina ng dorm nila binaon pa." nakatikim ng malakas na hampas si Ryujin mula kay Ning.

"Manahimik ka dyan Ryujin!" may pagbabantang sabi ni Ning.

Natawa nalang kami ni Gi ng magsimula ng maghampasan yung dalawa.

Pilit naming pinagkakasya yung mga gamit namin dito sa likod.

"San na ba si Yeji? Pati ba naman pag-uwi late pa." reklamo ni Gi na kakatapos lang iakyat yung malalaking bags nila Ning.

"Baka naman ayaw pakawalan yung dorm nila." natatawang sabi ko.

"Baka kamo nakipag-landian pa. Yung ka MU mo pala Win, sasabay ba?"

Kinurot ko yung tagiliran ni Ning.

"Ka MU ka dyan! May sasakyan yun, ba't naman sasabay sa'tin at sa bulok nating sasakyan?"

"Wow ha! Nanlait ka pa talaga." may pa irap na sabi ni Ryujin.

"Guys!"

Sabay sabay naman kaming napalingon sa kakarating lang na si Yeji.

"Aga-aga nyo naman!" agad na reklamo nito ng makalapit samin.

Mabilis rin nyang iniakyat yung bitbit nyang bag sa loob ng Van.

"Maaga ka dyan?! Late ka kamo! San ka ba galing?!" pagse-sermon ni Gi.

"Malamang sa dorm. Nga pala papunta na rin dito sila Yoon. Win sasabay pala sa'tin yun?"

Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Yeji.

"Di ko alam. Sabi nya gagamitin nya yung sasakyan nya." sabi ko.

Busy na ulit kami sa pag-aayos. Pinagtatalunan parin nila yung malalaking bags na dala nila Ning. Napapailing nalang ako sa kanila. Kahit kelan talaga mga bunga-nga nila walang pinagbago.

"Ingay nyo. Abot hanggang dorm namin mga bunganga nyo."

"Mareng Olivia!"

Natawa kami sa kaitsuraan ni Olivia ng ambahan sya ng yakap ni Ryujin.

Di talaga kayang bigyan ng filter ni Olivia mukha nya pagdating kay Ryujin.

Never ko talagang naisip na magiging malapit kaming mag-kaibigan ni Olivia. Feeling ko nga mas gusto pa sya ni Ryujin kesa sa'kin eh.

Imagine kasapakan ko noon, tropa ko na ngayon.

"Paalis na ba?"

Napatingin naman ako kay Yoon at sa dala nitong gamit.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now