I miss you, slight.

3.9K 169 89
                                    


Biglang busy kami nitong nakaraang dalawang araw.

Nakapag desisyon na kasi kaming magkakaibigan na sa MLU na kami magc-college. Malapit na ang entrance exam kaya inasikaso namin mga kakailanganin naming papers. Kahapon ay nakakuha na kami ng exclusive pass para sa exam. Masyado kasing strikto ang MLU. Tanging mga students, teachers at may mga important business lang ang pinapapasok sa loob. Yung exclusive pass ay exclusive lang rin saming mga magta-take ng exam.

Kinabahan ako ng bongga kahapon kasi akala ko bawal yung kulay ng buhok ko sa loob ng campus. Nagtanong na rin ako agad dun sa isang facilitator kahapon na namimigay ng pass kung pwede ba yung kulay ng buhok ko kapag nag start na ang class. Sinabi nya namang pwede raw, wala namang rules about sa hair color ng mga students. Nakahinga ako ng maluwag doon.

Grabeng sakripisyo kaya ginawa ko sa blonde hair ko ngayon.

Isang araw matapos yung date namin ni Karina nagpaalam syang magkakaroon sila ng family outing, sa Cebu kaya halos 4 days na rin na hindi kami nagkikita. Puro calls lang kami sa loob ng 4 days na yun.

Aaminin ko namimiss ko na sya.

Slight lang.

Pagkatapos nga nung date, kinaumagahan sinugod agad namin yung salon ni baklang Bernardo.

Sakit lang sa anit nung ginawa naming pagpapakulay, especially sa'kin.

Si Ryu at Ning ay dark brown ba yun or coffee? Ewan basta yun lang yung piniling kulay nila. Si Gi naman pass raw muna. Sinamahan lang kami ni Lia nun at pinagtawanan lang kami everytime na mapapangiwi kami. Si baklang Bernardo kasi grabe makahila ng hair.

Naisip ko magiging reaksyon ni Karina sa itsura ko. Hindi ko pa kasi sa kanya nasasabi. Sure akong wala ring kinukwento yung dalawa sa kanya.

Magugustuhan kaya nya?

----

Nakatambay lang kami ngayon dito sa tuhog-tuhog park wala kasi kaming mga magawa sa buhay, charot!

Nasa amin lang naman atensyon ng ibang mga nakatambay dito. Lalo na sa'kin. Ang ganda ganda ko lang kasi.

"Win, pusta ko hihingin ng lalakeng yun digits mo." hinampas ko naman itong si Ryujin.

"Kung ano anong pinagsasabi mo."

Naramdaman ko namang inaalog ni Ning braso ko kaya tinignan ko ito ng masama.

"Baks ayan na nga! Mukhang hihingin na digits mo."

Mabilis naman kaming napatingin dun sa kuyang naka-upo sa harap ng table namin.

Nagalalakad na ito palapit sa table namin.

Jusko

"Hi." nakangiting bati nito.

Awkward naman na ngumiti kami sa kanya.

Ang lakas lang kasi ng confidence ni kuya na makipag ngitian samin habang prenteng nakapatong yung kamay nya sa lamesa namin.

"Haruto nga pala."

"Ah..Ha-haruto.."

"Kapatid ni Naruto?" bwisit na Ryujin. Yan talaga tinanong nya.

Pake namin sa name mo kuya. Ay teka mukhang mas matanda pa ata kami sa kanya. Tinignan ko ng mabuti yung mga kasama nya. Mukhang shs palang mga to eh.

"May kailangan ka ba boy?" nagpipigil naman kami ng tawa sa tinanong ni Ryu.

Babaeng to wala talagang preno.

Nawala tuloy yung confidence ng bata.

Napakamot naman ito ng batok tapos parang nahihiyang tumingin sa'kin.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now