I, what?

4.8K 177 93
                                    


"We are now down to our last song for tonight."

Malakas na panghihinayang ang narinig namin mula sa audience matapos magsalita ni Yoon.

"Kaonting antay lang po kasi we're setting up the stage for our resident cutie vocalist." she playfully said.

Pabirong inirapan ko lang sya habang inaayos ang sarili ko.

Sabi ko di naman na kailangan ng piano. Kinulit nalang nila akong mag-paino tutal meron rin naman daw dito sa loob ng pub.

Inimbitahan kasi kami nitong si tandang Seul sa opening nitong business nya. Kinakapos na raw sya kaya kami nalang raw ang mag perform ng sa ganun ay makalibre raw sya kahit papano.

Matagal na rin pala silang umalis sa banda. Tumatanda na raw talaga sila and they need a stable career. Sina ate Wendy at Yeri ay parehong nagtatrabaho sa opisina ni Mayor si ate Seul lang talaga itong naiba. Allergic raw sya masyado sa mga office works.

Kahit naman na may kanya kanya na silang trabaho di parin naman nila nalilimutan ang pagba-banda. Kumanta nga kanina si ate Wendy kasi pinilit talaga sya ni ate Seul kapalit ng libreng alak.

Wala parin silang pinag-bago.

Umupo na ako sa harap ng piano ng matapos ng mag-set up ni Ben.

Nakahiwalay kasi itong piano sa stage. May sariling pwesto kasi ito di kalayuan mula sa maliit na elevated stage kung saan pwedeng mag perform.

Tinignan ko muna sila Yoon kung okay na bang magsimula ako. Umalis naman sya sa kinatatayuan nya at lumapit sa'kin.

"Gusto nilang ikaw na rin ang kumanta." sabi nya.

Kaagad akong napa-iling.

"Ayoko. Diba sabi ko pass muna ako." tanggi ko.

Tinignan ko yung lahat ng table na punong-puno ng mga customer. Opening palang naman ito pero ganito na agad ang loob. May ilang nakatayo nalang nga malapit sa counter kasi di na sila kayang ia- commodate ng pub.

"Ikaw nga pinapakanta nila." pangungulit nya.

Nagtitigan naman kaming dalawa. Tinignan ko sya ng masama para sabihing di nya ako mapipilit pero nginingitian lang nya ako at tumataas baba pa ang dalawang kilay nya.

"Basta ayoko. Magpa-piano lang ako tapos ang usapan." determinadong sabi ko.

Napa-irap nalang sya at walang ganang bumalik sa pwesto nila ate Seul.

Kinaka-usap nya ito.

Napa what nalang ako ng tignan ako ng masama ni ate Seul.

Inayos ko nalang ang sarili ko at hinarap nalang ulit yung piano.

Naiinip na ako.

Gusto ko nalang umuwi.

"Gurl, di ka kakanta?"

Kaagad akong napasimangot ng nasa harap ko na yung tatlo.

"Ay grabe namang reaksyon yan! Di ka happy na nandito kami?" madramang sabi ni Ning.

Umirap naman ako bago sya sagutin.

"Pano ako magiging happy eh gagawin nyo na naman akong alalay kapag nalasing kayo." nayayamot na sabi ko.

Lasing na Ning is a big NO for me. Naalala ko nung minsan tong malasing sa MLU. I think 2nd year kami nun. Christmas party yata ng bawat dorms nun. Napasarap ang inom ng gaga pati narin ni Ryujin. Ako yung kawawang umalalay sa kanila tapos nagka-pasa pa ako sa pisngi nun ng suntukin ako ni Ryujin dahil akala nya ako yung hinayupak na Jihoon na laging sunod ng sunod sa kanya.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now