Missing you

3.9K 164 48
                                    


Nagulat kami nila Gi pagka-uwi namin kahapon. Pagkatapos kasi naming magtuhog-tuhog kina Kuya Ken diretso uwi agad kami.

Ganun nalang ang gulat namin ng may isang itim na estrada ang nakaparada sa may gate nila Gi. Isang lalakeng sa palagay ko ay nasa 40 na ang lumabas galing dito at agad na sinalubong si Karina.

"Karina! I'm glad you're finally here."

"Tito Siwon, what are you doing here?" niyakap nito si Karina.

"May important matter akong kailangan i-discuss sayo." tinignan nya naman kami ni Giselle at tipid na ngumiti sa amin "hihiramin ko muna si Karina, okay lang ba girls?"

Di ko alam ba't kailangan nya pa yang itanong samin.

Sumagot kami ng mahinang oo ni Giselle, di kami sure kung anong level ng pakikipag-usap dapat naming gawin. Di naman namin knows itong Tito ni Karina.

Nag thank you naman sya at agad na hinila si Karina. Di na nakatanggi si Karina dahil dire-diretso syang dinala nito papuntang kotse. Sandaling sinipat nya nalang kami ng tingin at parang humihingi ng pasensya. Pagakapasok nila sa kotse ay agad na pinaandar ito ng Tito nya.

Naiwan nalang kaming nakatayo sa labas ni Giselle habang sinusundan ng tingin ang papaalis na kotse.

Noong isang araw pa yun. Hanggang ngayon wala kaming ibang balita kay Karina bukod sa madaliang pagtawag nya kay Gi kahapon. Nag sorry sya ulit sa nangyari at sinabing may inaasikaso lang syang bagay.

Bukas na pala ako kakanta. Nagdesisyon silang, oo sila lang talaga..na ipahinga ko nalang raw ang araw na to ng sa ganun ay ready ang boses ko bukas. Baka magkayayaan mamaya sa plaza, unang gabi ng pista. Dinig na dinig na nga rito yung paboritong kanta ng mga kapitbahay namin. Yung kanta ni Marian. Wala ako sa mood, ngayon lang yata nangyari ito.

Kinakabahan ako.

Ewan kung bakit.

Tinitignan ko ang phone ko, nagba-bakasakali lang naman ako na makatanggap ng message galing sa kanya.

Manunuod naman sya diba?

Nangako sya na manunuod talaga sya.

Ngayon lang yata ako asang-asa sa isang pangako.

Ano ba itong nangyayari sa'kin? Paki explain, please.

----

Natapos ko na lahat ng pwedeng gawin sa bahay. Magluto, hugas ng plato, maglinis ng bahay,  kahit nga pagdilig ng mga orchids ni Mama ginawa ko na. Si Mama naw-weirduhan na ata sa'kin kasi sa point na to baka mga gawaing bahay yata ng mga kapitbahay namin eh magawa ko na din.

Sobrang kinakabahan kasi ako. Bukas pa naman ako kakanta pero yung kaba ko ngayon grabe.

Sigurado akong di ito tungkol sa gagawin kong pagkanta. Para kasing may kulang.

"Wahhh!"

"Nangangagat ba yang mga damit ha? Kung makasigaw kang bata ka. Sabihin mo kung ayaw mong magtupi ha."

Napagalitan pa ako ni Mama. Napasigaw nalang kasi ako bigla.

Jusko ano ba itong nangyayari sa'kin?!

----

"Gisel--"

"Winter wala nga. Di ko rin knows okay."

Kita mo tong si Giselle, di man lang ako pinagsalita.

"Init agad ulo nito." kahit naman di ko sya makita alam kong umiirap tong gaga. Tumawag lang naman kasi ako.

Ang jowa kong balikbayanWhere stories live. Discover now