"You know when a guy is in love he is truly inlove. You will be above anything else."

Natahimik kami pareho pagkatapos.

Tinignan ko ang relong suot ko at nanlaki ang mata nang makitang dalawang oras na kami nag hihintay ng sasakyan.

Humarap ako sakanya kaya napatingin din ito sakin.

"Mauna kana! You don't have to worry about me."

"Tsk! I've been waiting here with you for more than an hour already so it's okay."

"Hindi mo naman kailangan gawin, toh" malumanay kong sabi sakanya.

"You look fragile, miss." Tumayo ito at naka pamulsang lumapit sa aking harapan.

"If you want I can give you ride?" Tanong niya

Umiling ako, "I don't trust strangers."

Tumayo ito at lumapit sakanyang sasakyan at may kinuha sa loob.

"Here!" May inabot siyang tatlong bagay sakin.

"Ano ito?" Tanong ko.

"My driver's license, passport, and birth certificate."

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sakanya at nilapag sa tabi ko.

"Take a picture and send it to your close friend. If something happens to you I'll be responsible."

Hindi dapat ako nag titiwala pero wala talaga akong masakyan at kung oras ko naman na oras kona talaga kaya pumayag din ako sakanya kalaunan.

I sent the pictures to me, Autumn, and Summer's group chat.

Summer:
Who's the guy?

Autumn:
???

Me:
Pag may nangyari sakin siya sisihin niyo!

Summer:
Huh?

Me:
Siya ang mag hahatid sakin dahil wala akong masakayang taxi.

Autumn:
Isn't Zion always bringing you home?

Bumuntong hininga ako.

Me:
He can't. Emergency daw.

Seen lang ang dalawa at hindi na nag reply.

Tinuro ko ang daan kay Gray. Nang makarating na kami humarap ako sakanya at nilahad ang kamay para makamayan siya.

"Amara Winter Joule Sereia Amor." Pakilala ko sakanya.

Kinuha niya ang kamay ko at nakipag kamay.

"Thaddeus Gray Ruston." Ngumiti ako sakanya bago bumaba ng sasakyan at pumasok ng building.

Me:
I'm alive!

I chatted to our group chat.

Autumn:
That's good! Go to sleep now. We will have lunch date with the guys next week, see yah!

Kinabukasan, pabalik na ako sa opisina ko dahil katatapos ko sa treatment ng pasyente ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakaharap ko agad si Zion. Naka ngiti ito at nakapamulsa.

Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Hi." Bati ko at bahagyang kumaway.

"Let's go to Sky Ranch?" Aya nito at hinawakan ang kamay ko. Malawak ang ngiti niya at maliwanag ang kanyang mata.

Malawak akong ngumiti. Sapat na iyon na sagot bago niya ako hinila palabas.

Sky Ranch Tagaytay kami pumunta. Nag drive thru kami sa fastfood na nadaana. Sinusubuan ko siya habang nag mamaneho siya. Napuno ng saya at tawanan ang sasakyan niya habang nasa daan kami patungo Sky Ranch.

"Gusto ko yun!" Turo ko sa Super Vicking. Napatalon talon pa ako sa excitement. Hinila ko si Zion at inabot sa kuya ang ticket namin.

"Ready?" Punong puno ng energy na tanong Zion. Magkahawak kami ng kamay at umupo sa pinaka dulo ng boat.

Sigaw kami nang sigaw at tatawanan ang isat-isa pag nakitang sobrang gulo ng buhok o kaya pag may pangit na lumabas sa muka namin.

"Lastly, the Sky Eye." Magiliw na saad ni Zion. Masaya at nakangiti kaming tumakbo palapit sa ferris wheel.

Umupo kami sa magkabilang gilid. Nakangiti naming pinag mamasdan ang isat-isa. Hindi ko alam pero sabay kaming natawa kahit na nag tititigan lang naman kami.

Umalis siya sa pagkakahilig at inabot ang kamay ko. Nakangiti ito at tinawanan ang muka ko nang mahila na niya ako sa tabi niya.

Medyo umuga pa ang sinasakyan namin.

"Gulo na ng buhok mo." I said. I chuckled and also reached for his hair. Inaayos na niya kasi ang buhok ko kaya naman inayos ko narin ang kanya.

Muli kaming nagkatitigan. Nakangiti parin. Hindi matanggal ang ngiti saaming labi.

Hinapit nito ang bewang ko at tinagilid ang ulo mo para mahalikan ako. Soft and passionate ang halik niya. Walang halong diin at pagka agresibo.

Matagal ang naging halikan namin, natigil lang ito dahil nadinig na namin ang pagbubukas ng pintuan namin. Naka ikot na pala kami at hindi namin namalayan.

Natawa nalang kami ni Zion dahil nataranta ako kanina.

Naka upo kami sa bench, kumakain ng cotton candy. Wala kaming imikan pero payapa at masaya ang hangin na bumabalot saamin.

Napabaling ako sakanya nang mag ring ang telepono niya. Napaayos ako ng upo at sinubo ang hawak na piraso ng cotton candy.

"Okay, I'll be there." Seryosong sagot niya sa kabilang linya.

Tumayo ito, muntikan pang malaglag ang cotton candy na nasapagitan namin. Buti nalang nasalo ko.

"I have to go. Hatid na kita." Seryoso ang muka niya at nasa cellphone ang mga mata.

Matagal ko siyang tinitigan dahilan para mapaangat ang tingin niya saakin mula sa telepono niya.

"I'll stay here for a bit." Sagot ko at pilit na ngumiti.

"Okay. Alis na ako." Saad nito at tumalikod.

Nalaglag ang ngiti ko at binuga ang kanina pang pinipigilan na hinga. Nalaglag ang balikat ko at napatingin sa plastic ng cotton candy.

Hindi manlang niya ako pinilit na ihatid. Hindi ko dala ang sasakyan ko at Taguig pa uuwian ko.

Hindi niya manlang naisip na babae ako at malayo pa ang uuwian ko. Ganon ganon niya lang ako tinalikuran para piliit... siya.

Mapakla akong tumawa kasabay ng pagagos ng luha ko. Tumingala ako at hinayaang malaglag ang mga luha ko.

"Tanga.." mahinang bulong ko saaking sarili.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz