PEN and PAPER

359 14 2
                                    

Pen and Paper(paunang tula)

Nagsimula ang kanyang kakayahan,
Nang sya'y pagalitan,
Isinulat ang kanyang nadarama,
Sa kwaderno na Matematika.

Bawat sayaw ng kanyang lapis sa kwaderno,
Ay makikita at mababasa mo,
Ang kanyang hinagpis at pagdaramdam,
Na matagal na nyang ninanais kalimutan.

Ngunit hindi sinasadya,
Mga isinulat ay magkakatugma,
Kung basahin ay parang liriko ng kanta,
Kulang na nga lang ng nota.

Duon nagsimula ang kanyang hilig sa pagsulat,
Mapa-kwento, mapa-alamat,
Nagdesisyong sumali bilang manunulat sa eskwela,
Upang ibahagi sa lahat ang kanyang natatanging mga tula.

Hindi naglaon ay tinamad,
Tumagal ng ilang taon ni isang tula ay wala syang isinulat,
Ngunit tadhana na syang gumawa ng paraan,
Upang ang bagay na kinalimutao ay muling mapagtuunan.

Isang patimpalak sa pagsulat ng tula ang kanyang nakita,
Ninais sumali at ipakita sa lahat ang kanyang gawa,
Ngunit sa kasamaang palad ay napagtanto nya,
"Ay matagal na nga pala akong tumigil sa pagsulat ng tula."

At ngayo'y heto na sya,
Gumawa ng sarili ng kompayleysyon ng tula,
Susubukang gawin ulit ang kanyang nakasanayan,
At hindi na ito kakalimutan kailanman.

XOXOXOXOX

Ayan na.
Hi sa lahat ng magbabasa nito! Pasensya na po hindi ako madalas gumamit ng mga matatalinghagang salita kaya naman asahan nyo ng puro mababaw na tagalog ang laman nito.
Sa mga nagbabasa nito! Waaah!!! Hindi nyo na kailangang pinduhin ang bituin at hindi nyo narin kailangang mag iwan ng komento mas lalo namang hindi na kailangang ifollow pa. Ok na sakin kahit basahin nyo lang ito. Hindi po ako nanghihingi ng kahit anong kabayaran.
Sa mga nakakakila sa manunulat na si AKO! Ito na ulit yun guys! Mga mah-mehn haha babalik na ako sa pagsulat ng tula.

Yun lamang po! Arigato gozaimasu!

-Manami F. Shiraishi(Xhieraiixhie)

PEN and PAPER (Compilations of Poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon