OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #6:

Start from the beginning
                                    

Nailing ako sa naging sagot niya.

"Kahit na paulit ulit mo akong iwasan.. hindi parin ako susuko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon."

"Bakit mo pa kailangan ng pagpayag ko. Kahit anong pagtataboy ko sayo hindi mo naman pinapansin."

"Kaya nga huwag mo na akong itaboy dahil hindi ko din naman iyan papansinin. Saka iba din kung bigyan mo ako ng pagkakataon. Nakakagaan ng loob."

"Whatever." Muli kong binawi ang tingin ko sa kanya.

Para tuloy akong walang magawa para ipagtabuyan siya. Ang isip ko na gusto siyang bigyan ng leksyon para ipakitang hindi ako basta isang ordinaryong tao lamang o di kaya naman na basta na lang papatol sa isang relasyon na gusto niya. Pero para saan pa nga ba ang pagtataboy ko sa kanya kung wala namang epekto sa kanya.

"Iisipin ko na ang tugon mong iyan ay pupumayag ka ng magkaroon ako ng puwang sa buhay mo." Saad niya. Huli na ng makapagreact ako ng itigil niya ang kotse sa gilid ng kalsada at hinarap ako.

"Anong balak mo? Umayos ka, Mandy." At sa unang pagkakataon ay natawag ko siya sa kanyang pangalan.

"Ang gandang pakinggan ang pagkakabigkas mo sa pangalan ko." Nakangiting sabi niya. Umiwas ako ng tangka niya akong hawakan sa pisngi.

"Binabalaan kita, Mr. Selvester."

"Hmmm, tinawag mo na ako sa pangalan ko kanina. Why now?" Tila namamangha pa habang ainasabi iyon na hindi pinansin ang pagbabanta ko. Muling umangat ang kamay at dumapo sa pisngi ko. Nakangiting hinuhuli ang tingin ko na pilit naman iniiwas sa kanya.

"Isa."

"Count to three? Then what?" At bago pa man ako makasagot ay walang babalang inilapit ang mukha sa akin at hinalikan.

Kumilos ang mga kamay ko para itulak siya na agad nahuli ng isa niyang kamay ang isa kong kamay habang magkaugpong parin ang labi namin.

Di ko alam kung ano ang kakaibang pakiramdam na biglang bumalot sa aking pagkatao. Natigilan ako dahil sa naramdaman ko ang pagtaas ng lahat balahibo ko sa katawan.

Damn!

Pahmumura ko sa loob-loob ko. Lalo ko pang naramdaman ang pagtaas ng buhok ko sa may batok ng magsimulang gumalaw ang labi niya sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko habang ang mga mata niya ay nakapikit na. Kinakareer ang paghalik sa akin.

Sa paglunok ko ay tuluyang nakapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko at nagsimulanh maglumikot.

Akin na lang ang pagtanggi pero di ko magawa ng maayos dahil tuluyan ng tinalo ng kakaibang pakiramdam ang paghalik niya sa akin.

"Hindi bat mas masarap lasapin ang halik kong pareho nating nagustuhan." Doon na ako napakurap. Tinapos na pala niya ang paghalik sa akin ng hindi ko namamalayan dahil nilukuban ako ng kakaibang sensasyon dala ng halik niyang iyon.

Para akong nawala sa mundong ginagalawan ko dahil doon na hindi ko man lang natanggihan. Hinayaang halikan niya ako kahit wala naman siyang karapatan.

"My Xaviel, hayaan mo akong iparamdam sayo kong paano ako magmahal." Isa na namang masuyong haplos sa pisngi ko. Dinaanan pa ng daliri ang labing kanina lang na hinaikan niya. "Hindi mo kailangan ipagkait sa sarili mo ang kaligayahang kaya kong ibigay."

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Where stories live. Discover now