BTLR: 24

2 1 0
                                    

Chapter 24: Reason

Sinamaan ko ng tingin si Rilynn habang naka-upo ako sa sahig ng CR. Para naman siyang natatae kasi kanina pa siya nakangiwi. I sighed when the last drop of vomit came out off me. Hindi na ako ulit pupunta sa party! Minsan na nga lang lumabas, masama pa ang kalalabasan.

"Here." Inabot sa akin ni Rilynn ang towel at sabay kaming lumabas sa CR ng kaniyang kwarto. Dito ako natulog sa kanila dahil hindi niya daw alam ang sasabihin niya kanila mommy kapag nakita akong lasing umuwi. Mabuti naman at dito niya ako inuwi! Kung si Brile ito, baka iniwan lang ako sa kalye.

Simula pagkagising ko, tanong na nang tanong si Rilynn kung may naaalala ba ako. Syempre meron! Medyo blurry nga lang. Hindi naman ako makakalimutin. Naaalala ko pa kahihiyan ko kagabi. Wala na atang dignidad na natira sa akin.

"Meron nga!" I screamed.

"So what do you remember?" Mataray niyang tanong.

I bit my lower lip and acted mataray as well. "Sumayaw ako! Kahihiyan ang naalala ko, Rilynn. Huwag mo nang ipaalala."

Pinaningkitan niya ako ng mata. "So you don't remember the other parts?"

"Anong other parts?"

She started to laugh. "Secret! Mahiya ka talaga. I can't believe you don't remember that."

Buong umaga ko siyang kinulit tungkol sa 'other parts' na sinasabi niya. Nakakairita kasi tawa pa rin siya nang tawa. Buti dumating si Brile kaya nanahimik siya.

Lumipas ang araw at nagsimula ulit ang pagpasok sa school. I'm actually happy na tapos na ang weekend. Nasanay kasi akong kasama si Rilynn at sawa na ako sa mukha niya. Wala rin ako gaanong ginagawa sa weekend bukod sa pagtambay sa kwarto ko.

Sina Dev at Mina ang pinakaclose ko dito sa aming department. They're bestfriends, parang kami ni Brile kapag nagbabangayan. Sila lang ang ka-close ko dahil bukod sa hindi naman ako friendly at mukha akong mataray, sila lang ang maingay at friendly sa block namin. Kahit sino, nilalapitan at kinakaibigan nila.

Kasama ko si Mina kanina sa break time. Busy kasi si Dev magreview gamit ang aking mga notes. Balita ko ay hindi ito nakapagreview kahapon dahil may emergency sa bahay nila.

"Thank you sa pagpapahiram ng notes sa kaniya ah," Mina said. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. "Baka iniisip mong ginagamit ka lang namin for notes, pero friends talaga tayo!"

Natawa ako sa sinabi niya. I can see my self in her. 'Yung dating ako, 'yung ako na sila Rilynn lang ang nakakakita. 'Yung ako na napagod nang intindihin 'yung mga sinasabi ng iba.

Late na natapos ang klase ko. Malapit nang mag-alas otso ng matapos ito. Nauna na rin si Rilynn dahil hindi naman kami palaging sabay umuwi. She has her own life, I have mine.

Dumaan ako sa malapit na stationery shop sa school. Balak kong bumili ng bagong highlighters at ballpens dahil nawawala 'yung mga highlighters ko na bagong bili. Sabi 'wag magnakaw, pero sa school naman nagsisimula iyon. Kumuha ako ng maraming highlighters para may extra ako at itago sa kwarto. Baka kasi mawalan na naman ako tapos bibili na naman ulit. Nakakatamad na bumili nang bumili.

"Is this all, ma'am?"

"Opo," sagot ko sa cashier. Inilagay niya sa plastic bag ang mga binili ko. Ibinalik niya rin ang card pagkatapos niyang i-swipe.

Pagkalabas ko ng shop ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Maraming kotse sa harap ng shop dahil marami ring kainan sa paligid. Marami ring tao—specifically students and teachers.

I walked pass coffee shops and other restaurants. Amoy na amoy ko na ang mabangong pagkain sa loob kaya nate-tempt akong pumasok sa loob, kaso natatakot rin ako dahil nakakaloka namang kumain mag-isa. Baka sabihin 'di ko pa kaya bayaran dahil estudyante lang ako!

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now