BTLR: 18

4 1 4
                                    

Chapter 18: Kyline

"Baba niyo pa 'yan!" Sigaw ng Commandant.

Banas na banas na ako kasi kanina pa kami naka-squat dito! Ngayon nagsisisi na ako na nag-NCO ako. Sana pala hindi na lang. Edi sana hindi ko nararanasan 'yung ganitong paghihirap.

"Lower!"

Pota kayo! My legs are about to give up any time now at sure ako na wala silang planong patayuin kami.

Three minutes later, pinatayo na nila kami. I was panting and my legs can't even stand on their own. Pagkatapos kami ipag-squat, pinag-jogging kami sa buong quadrangle. Mabuti na lang at jogging lang, medyo nakakawala ng pagod. Pero ang sakit pa rin talaga sa legs.

"Sarap mag-quit," rinig kong sabi ng isang Grade 9 na COCC.

Sabay-sabay na kami kumakain at kasabay ko si Jaxtin. I'm sure he heard what the boy said pero hindi niya na lang pinansin.

"Bakit 'di mo pinansin?" I asked.

He shrugged. "Gano'n din naman ako mag-isip dati."

Natapos ang Approval Day ng matiwasay. I was tired when I got home and slept as soon as I felt the softness of my bed. Paggising ko ay bumungad sa akin ang hindi ko pa nare-reply-ang messages ni Kaley. I replied to all of it and proceeded to do my Sunday routine.

"Ang bilis ng panahon!" Brile screamed.

Bukas ay Moving Up na namin. Si Stella 'yung ma pinakamataas na average sa buong grade 10. Grabe talaga brain nitong si Stella! Nakakalula 'yung grades niya.

Tinaasan ko ng kilay si Brile. "Hindi ka naman g-graduate, ah?"

"Gago! G-Graduate ako. Dami ko ngang ECA awards!"

"Ingay niyo," supladong sabi ni Jaxtin. I made a face and continued to walk. Kay Stella lang mabait 'tong si Jax, e. Dami niyang alam talaga.

"Hinanap ka sa 'kin ni sir Villega kanina," bulong ni Jaxtin habang naglalakad kami. Nasa gilid niya si Stella habang nasa gilid ko naman si Brile. Mahina lang ang boses niya kaya sigurado akong 'di narinig ng dalawa iyon.

"Ano sabi?"

"Puntahan ka raw niya sa lib mamaya."

"Oks," I replied. Hindi ko tiningnan si Jax habang nag-uusap kami dahil sigurado ako na masama ang tingin nito sa 'kin. Officer niya, e.

Nagpunta ako sa library pagkatapos ng klase. Papatapos na naman kasi 'yung school year kaya completion na lang ang ginagawa. Sa CAT naman, okay na rin. Mas nauna kasi ang CAT Graduation kaysa sa Moving Up.

"Bawal ka sa HS lib, ah?" Bungad ko kay Kaley. Nakaupo siya sa pinakamalayong table, malapit sa TV ng library.

"Pinayagan ako ng S.A.," sagot niya. Napairap na lang ako. Unfair talaga ng mga S.A. dito sa library. Kapag pogi, g na g sila.

"Ba't mo 'ko pinapunta dito? 'Di ka na lang nag-text..."

"Why? Nagalit ba si Roazol?" He asked, pertaining to Jaxtin. Umiling ako at umupo sa tabi niya.

"Nagtataka 'yon for sure. Pero okay lang 'yun kay Jax."

Tumango siya at may nilabas na libro mula sa bag niya.

"Hiniram ko 'to sa SHS library. Ito 'yung librong hinahanap mo 'di ba?"

Nanlaki ang mata ko nang matandaan ang librong matagal ko ng hinahanap. Bakit mayroon nito sa SHS library pero sa HS library ay wala?!

Inabot niya ang libro sa akin. "You can read it here. When you're done, just give it back to me."

"Shemay ka..." bulong ko. I... I am speechless! Wala akong masabi! Ayaw ko naman siyang murahin dahil wala akong masabi!

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now