BTLR: 16

5 1 3
                                    

Chapter 16: Grade 10

Kaley and I continued to talk. But this time, we were  avoiding things. Hindi kami nag-uusap after school hours, hindi kami nagpapakita sa mga taong posibleng kilala ng mga magulang namin, and we act like we don't give a damn about each other.

Ako ang nagsabing gusto ko ng gano'n. Although he told me na siya na ang bahala, ganito lang rin ang naisip kong paraan para patahimikin na ang kapatid niya. This will benefit the both of us—titigilan na ako ni Kriselle, tapos hindi siya mapapagalitan ng mga magulang niya.

Kaley told me to apply for NCO (non-commissioned officer) instead of being a normal cadette. Mas may perks raw kasi 'yon at mas magkakaroon ako ng experience sa field.

Tama naman siya. I asked Jaxtin about this and he told me it'll make my grades in CAT higher. Dahil mas magkakaroon ako ng kaalaman, mas ma-ttrain ako, at mas madadalian rin sa mga ipapagawa sa mga kadete.

Bukas na magsisimula ang pinakaunang meeting sa CAT. Dahil hindi ako normal na kadete, mahihiwalay ako sa section ko. Makakasama ko ang iba pang NCO at paniguradong kami ang unang hahawak ng rifle dahil may alam na kami sa basic drills katulad ng facings, marchings, at responses.

Actually, may alam ako sa paghawak ng rifle. Kaley has one and he taught me during his free time. HUMSS ang napiling strand ni Kaley. He wanted to take up Legal Management sa College. Nagulat nga ako at ayaw niyang maging Engineer o Architect katulad ng mga magulang niya. I guess he isn't pressured with that kind of thing. After all, 'di siya 'yung panganay.

"Kinakabahan ka ba?" Kaley asked during our video call. Dahil gabi na at palagi na lang akong nasa loob ng bahay, hindi na kami nakakapagkita sa labas ng school.

Ever since that incident happened, my parents never allowed me to go out. Sila Stella ang pinapapunta ko dito sa bahay namin kapag gusto nilang gumala. O kaya naman ay sila ang magpapaalam para sa akin dahil gustong masigurado nila daddy na sila ang kasama ko at hindi si Kaley.

Hindi ko alam pero simula nung gabing 'yon, daddy became strict. Mommy, on the other hand, became more hands on. Palagi na siyang nakabantay sa akin, nagtatanong ng kung ano-ano hindi katulad dati. They were hands on before but this time, it feels very suffocating.

"No," sagot ko. "Tinuruan mo 'ko. Confident naman ako sa knowledge ng former Corps Commander 'no."

Natawa siya. Lumabas 'yung dimple niya sa pisnge pati na rin ang mapuputi niyang ngipin. Nakasuot ng malaking t-shirt si Kaley tapos medyo magulo ang buhok niyang humahaba na. Unlike before when his hair was always in a clean cut, pinapahaba na niya ito ngayon.

Bagay sa kaniya. Lahat bagay sa kaniya. Kahit ano atang isuot o kahit anong hair style, bagay sa kaniya. Gwapo talaga.

"Just remember to support the rifle with your thumb. Minsan, may drills sila na sisipain 'yung rifle para—"

"Hep! Huwag mo i-spoil. Akala ko ba ako d-discover? Bakit sino-spoil mo na ako?" I cut him off.

"All right, all right. I'm sorry. 'Di na kita iso-spoil," natatawa niyang sabi.

Hindi ko na alam paano natapos ang tawag namin ni Kaley. All I know is that we talked about a lot of things. There's one thing that I discovered about him. He's the mixture of serious and carefree. May mga panahong seryoso siya, parang misteryoso. And their are times when his playful side shows. Ang Kaley na walang problema, ang malanding si Kaley, a carefree Kaley.

And, there's another thing that I discovered about him. He has a soft spot for kids.

"Kanang paneg na," rinig kong command ng isa sa mga officers.

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now