BTLR: 07

7 1 6
                                    

Chapter 7: GSP

Grade 9. Sabi ng iba, ito raw 'yung pinakamahirap pero pinakaexciting year sa highschool life ng isang tao. Sa year na 'to madalas nangyayari 'yung mga patagong relasyon, mga bagsak na grades, at sabi madadagdagan daw friends mo sa year na 'to.

Bakit parang 'di naman exciting? Bukod sa napakapabida nung teacher namin sa Physics at Chem, nag-petition 'yung mga ka-GSP ko na ipatanggal ako sa org. Ang harot ko raw kasi. Takot sila na baka madamay 'yung pangalan at reputasyon ng org dahil sa akin.

Nakahalukipkip lang ako sa gilid habang pinapakinggan ang walang sawang reklamo ng mga girls scout. Girls scout pero 'di mapagkumbaba. Girls scout pero grabe mang-judge. Kayo nga nagj-jowa agad, e. At least ako landi lang.

Si Lia, 'yung OIC this year, ay 'yung nagpasa ng petition sa teacher at head ng GSP. Parang timang lang kasi simula pa man nung grade 7 ako, 'di niya na ako gusto. Alangan ako pa mag-adjust para magustuhan ako ng iba. Asa naman sila.

"She isn't fit to be a member, ma'am!"

Nagsalita ang maagang nag-jowa. PDA pa kayo no'n. Mag-break rin kayong dalawa.

"Miss Tiamzon, what can you say about this issue?"

Matalim ang tingin ko kay Lia bago bumaling kay ma'am. Nginitian ko ito. Last day ko na rin naman na, ba't hindi pa ako magiging mabait.

"Fit rin po ba maging girl scout 'yung nagsisinungaling para siraan 'yung ibang tao, ma'am?" I asked, smiling.

Tiningnan ko si Lia na ngayo'y natigilan sa sinabi ko. Kung aalis ako sa GSP, ikaw rin. Dadamay kita. Ano, ako lang malas sa atin?

"Well... No," sagot ni ma'am. Tumango tango ako at tinuro ang mga myembro ng GSP na kasama ni Lia sa pagr-reklamo.

"Edi kung aalis po ako, aalis rin sila? Sinungaling sila, ma'am, e."

Rinig ko ang reklamo ng mga bida-bida. Nanlaki rin ang mata ni ma'am sa sinabi ko. Hindi niya siguro in-expect na sasabihin ko 'yon.

Hindi ba kasali sa chismis na nangd-drag rin ako ng tao pababa? Aba, isama nila. Galing-galing ko sa ganito.

"M-Ma'am, this is absurd. Siya lang po ang dapat umalis!"

"Manahimik ka, Lia. Pasalamat ka nga at nagt-tanong pa ako kay ma'am kung pasok ka ba sa pagiging GSP officer. OIC ka pa man din," mataray kong sabi.

"Miss Tiamzon, Lia, I won't tolerate this kind of attitude. Please don't fight and say those kind of things. I'm still here," saway ni ma'am bago bumaling sa akin. "Gusto mo rin na mag-bigay ng petition para mapaalis sila?"

Umiling ako. "No, ma'am. I just want you to see how unfair the situation is. I'm being falsely accused of charges that has nothing to do with me being a GSP officer."

Iritado ako habang kumakain kami ng lunch nila Rilynn. Pota sila. Bakit pinatagal pa 'yung desisyon! Pagh-hintayin pa ako ng dalawang araw.

"Are you going to leave GSP, Nov?" Stella asked. Ayaw ko sanang iwan si Stella doon pero ayaw ko namang mag-stay sa org na ayaw na sa akin.

"Oo. Mag-hand in ako ng resig letter."

"Sayang 2 years mo," sabi ni Brile. Tumango si Jaxtin at sumubo ng fries.

"Tanga, 'di sayang 'yon. Gustong gusto ko na umalis, papanget nilang lahat." Tumawa sila sa sinabi ko.

Nang mag-uwian, kasabay ko si Kaley sa paglalakad papunta sa office ni mommy. Eversince mag-grade 9 ako at mag-grade 10 siya, I've been hearing non-stop gossips about him dating someone in the same grade.

It isn't an issue, I know. Pero simula nang marinig ko 'yon, I've become distant. Hindi naman confirmed pero kahit na, paano kung lowkey lang pala sila tapos haharutin ko pa 'tong si Kaley. Ayaw ko naman maging third party 'no.

"Dapat 'di ka na sumasabay sa akin," I told him.

Maliliit ang hakbang ko kahit medyo matangkad ako. Kahit na matangkad si Kaley at kayang kaya niyang unahan ako sa paglalakad, sinasabayan niya pa rin ang hakbang ko.

"Same way lang naman."

Tumango na lang ako sa kaniya. Nang makarating kami sa building, pinuntahan muna namin ang opisina ni mommy para batiin siya. Usually kasi, ilalapag ko lang ang bag ko doon tapos sasama na ako kay Kaley sa isang kwarto dito sa building. Doon kami kakain dahil maraming pagkain doon na para sa mga empleyado.

"May gf ka na 'di ba?" I asked him while eating. Kinakain ko ngayon 'yung apple na nakita ko sa loob ng ref. Tapos si Kaley naman ay nanonood ng TV habang kumakain ng chips.

"Wala. Who told you that?" He asked in a husky tone.

"Mga chismis... Talk of the town ka kaya," natatawa kong sabi. Ang kaninang nasa TV nakatuon ang pansin, nakaharap na sa akin ngayon. "Don't believe those. I don't plan on having a girlfriend yet."

Tumango ako. "Kaya nga nagtatanong. So wala nga? Weh? Baka pang-manipulative cheater ang galawan mo, ah."

Kaley made a disgusted face. "I'm not a cheater. And, wala nga akong girlfriend."

"Paano mo nalamang 'di ka cheater? Wala ka ngang GF since birth," pang-aaway ko sa kaniya.

Seryoso niya 'kong tiningnan. "I won't be a cheater, November. I'm sure of it."

Umikot ang mata ko. "Oo na, oo na! Buti naman kung gano'n."

Iniba niya ang pwesto ng pagkakaupo niya. Buong katawan niya na ang nakaharap sa akin kaya medyo na-awkward-an ako. Bigla-bigla kasi!

Tinuro niya ako. "You are the talk of the town, too."

Inalis ko 'yung kamay niya sa harap ko at mataray na tumingin sa kaniya. "Paano mo nasabi?"

"'The playgirl GSP officer'. Ayon sabi nila," he told me.

Ngumiwi ako nang maalala ang nangyari kanina sa school. Peste talaga! Ikinalat pa nila.

"E ikaw nga 'the playboy CAT officer'. Partida, Corps Commander ka pa!"

Tumawa siya. Kitang kita ang malalim na dimples niya. Shuta, apakan mo 'ko! Charot. "Whatever. Anyway, why don't you try CAT?"

Umiling ako. "Baka landiin mo lang ako."

Mas lalo siyang tumawa sa sinabi ko. Nakahawak pa siya sa tiyan niya kaya natawa rin ako. Cute mo. Pasalamat ka, 'di kita papatulan. Hanggang crush lang ako!

"Then join CAT after I'm done with my term. Cadette ka na. Required ka rin naman mag-gano'n since hindi ka na member ng GSP."

Napaisip ako. Ayaw ko mag-join this year dahil magiging officer ko si Rilynn at Brile, tapos baka landiin pa ako nitong si Kaley. Siguro as kadete na lang ako mag-join. Mag-apply na lang ako sa NCO para mas mataas grade.

"Sige na nga. Pero sa grade 10 pa para 'di kita makita! Ayaw kita makita, please lang," kunwari'y nandidiri kong sabi.

Kaley looked at me with his playful eyes. "Talaga? Ayaw mo?"

Napalunok ako nang makita ang nakangisi niyang labi. "Tangina ka, Kaley. Huwag mo 'kong lalapitan. Sasapakin kita!"

Natawa siya at lumayo sa akin nang makita ang fist ko. Sabay kaming napatingin sa pintuan nang biglang kumalabog ito.

"Why the fuck are you with her, Kalen?!"

------------------------------------------------------------------------------



Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now