BTLR: 23

3 1 1
                                    

Chapter 23: Allistaire's Birthday

"Ano susuotin?" I asked Brile over the phone. Kasalukuyan akong nagkakalkal sa closet ng susuotin mamaya sa birthday ni Allistaire. Susunduin ako ni Brile kaya naman pumayag sila mommy. Matagal-tagal na rin simula nung huli akong lumabas bukod sa pagpunta sa school at sa Church.

"Kulay black para kunwari may patay!" He laughed. "Kahit ano naman daw, pero huwag 'yung pormal."

"So ano nga? Ano ba suot mo?"

"Shirt lang, alangan! Alangan naman mag-barong ako e 'di akalain ni Euphie na ikakasal na kami?"

Napairap ako sa ere. "Wala kang kwenta. Bahala na nga! Text ka na lang kapag nasa labas ka na."

Madami pang sinabi si Brile na kung ano-ano bago ibaba ang tawag. Daming ka-echosan ng lalaking 'yon. Daming pakulo sa buhay, e.

I picked out a white halter top and partnered it with mom jeans. Ang maiksi kong buhok ay hinayaan ko lang. Nagsuot na lamang ako ng iba pang alahas bago bumaba sa sala.

"May regalo ka?" Salubong ko kay Brile nang makapasok ako sa loob ng sasakyan niya.

"Panget mo talaga. Uso 'yung 'hello' muna 'di ba?"

I showed him my middle finger to shut him up. "Ano nga? Meron ka ba?"

He started to drive. "Wala! Sabi ni Rilynn hindi naman kailangan, e," he said while looking straight ahead.

"Same. Kapag 'di tayo pinapasok kasi wala tayong dalang regalo, si Rilynn ang sisihin natin."

Nakarating kami sa bahay nila Raiz. Ang laki, halatang g na g 'yung nagpatayo ng bahay, e. Parang 'di na nga bahay ito! Mansion ata.

"Ang laki, gago," manghang sabi ni Brile. Tumango ako at nilibot ang tingin sa buong property. May naka-set up na stage sa lawn sa may likod ng bahay. Ang laki rin ng lawn na 'yon, halos kalahati ng size ng bahay na pwede na atang sampung pamilya ang tumira.

Nakita namin si Rilynn na nakikipag-usap sa isang schoolmate namin. Parang ka-batch ata iyon ni Raiz kasi namumukhaan ko siya. Brile and I went near them and greeted the birthday boy. Sinisi namin dalawa ni Brile si Rilynn dahil wala kaming regalo para kay Raiz. Si Raiz naman na masungit ay hinayaan lang ang aming pagtatalo. Wala talaga akong mapapala sa taong 'to! Paano kaya natagalan ni Rilynn 'to, parang FBI, e.

Bago mag-umpisa ang party ay kumuha na kami ni Brile ng napakaraming inumin. Tig-limang bote kami ng Soju. Nag-pustahan pa kami kung sino ang unang makakaubos ng limang bote na ito.

"Mamaya na kayo mag-inom! Let the part begin muna, baka malasing kayo agad," saway ni Rilynn sa amin.

I waved my hand, dismissing her. "Sali ka na lang sa amin, Ri. Kuha ka five!" I pointed at the table where the drinks are placed.

Rilynn groaned. "Ay nako! I can't drink, kuya won't let me attend a party if I do. Kayo na lang. Basta, don't get too wasted," she said. Tiningnan niya si Brile at tinanguan. Brile nodded and gave her a salute.

"Oy! Tara na. Game na!" I raised my first bottle, binangga ko iyon sa hawak ni Brile na bote.

"Teka! Maya na. Suot mo muna 'tong jacket." He gave me his jacket. Napairap ako nang isuot niya iyon sa akin. Hindi naman ako lalamigin kahit outdoors ito! Ang init kaya sa pakiramdam ng Soju!

After doing that, we started to drink. Nag-umpisa ang party sa kalagitnaan ng unang bote ko. Si Brile naman ay halos hindi pa nakakalahati ang Soju. Weak talaga nito, e. Dapat si Jaxtin ang andito para g na g sa tagay. Kaso ayon, hindi kami maalala. Kapag talaga nakaalala 'yon, yayayain ko 'yon uminom.

The party was great, I think? Ang lakas ng tunog nila kaya feel ko okay naman. Wala na kasi akong maintindihan! Punyetang Soju 'to. Kasalanan talaga ni Brile 'to, e, hinahamon ako.

Niyugyog ni Brile ang balikat ko. "Oy, naka-tatlo ka na! Lasing ka na ba? Gaga ka talaga."

Tumawa ako at inuntog ang noo ko sa noo niya. Napadaing tuloy kaming dalawa sa sakit.

"Hindi pa!" I stood up and went near the center of the lawn. Doon kasi nagsasayaw 'yung mga tao. Para ngang bar dito, e! Dinala ata ni Raiz 'yung bar sa bahay niya.

Sumayaw ako na parang tanga. Wala na akong pakielam, ngayon na lang ako ulit nakalabas ng ganito. Parang malaya pero hindi? Nakakalabas nga pero hindi naman malaya. I have freedom but I'm not entirely free. Basta, ganiyan.

"Nova, mukha kang tanga!" Rinig kong sigaw ni Brile. Ingay! Porket wala si Euphie dito, ako sinisigawan. Panget ugali talaga. I continued to dance with a bottle of Soju in my hands. Meron pa nga akong nakabanggang babae. Buti mabait.

Nagpatuloy ako sa pagsasayaw. I even danced with Rilynn. Inagaw ko siya kay Raiz kasi kanina pa sila nagsasayaw dalawa. Medyo nakakainggit kaya inagaw ko. Pagkatapos magsayaw kasama si Rilynn, niyaya ko ang iba pang kakilala. Wala na ako sa katinuan kaya wala na akong pakielam sa kanila. Basta ako, masaya ako ngayon.

"You're drunk," sabi ng isang pamilyar na boses.

Napa-'huh?' na lang ako dahil medyo nanlalabo na ang paningin ko. Ramdam ko ang paghawak niya sa aking braso, dragging me away from the center of the lawn.

Napadaing ako ng bigla niya akong i-upo. Sino ba ito?! Pakielamero din, e.

"I'll take care of Nova. Salamat," rinig ko ang boses ni Brile.

"Brile, let him do it," si Rilynn.

Brile protested, pero sa huli ay unti-unting nawala ang boses nilang dalawa ni Rilynn. Wala akong marinig kung hindi ang mahinang music mula sa party. Ang alam ko lang ay nasa malayong banda kami dahil pahina nang pahina ang tugtog.

"Uminom kang tubig. You have to sober up," the voice said. I raised my brow when I heard his familiar voice again. Parang kilala ko 'to, e! Sino ba 'to... Ka-block ko? O baka isa sa mga 'lalaki' dati? Nasa article rin ata 'to kaya pamilyar.

Umupo ako ng maayos at tiningnan ang pigura. My vision is blurry. Ang tanging sigurado ko lang ay matangkad ang lalaking 'to. He's tall-tall unlike most guys who are just tall. I think he's around 6 feet already. Parang nasa kolehiyo na rin ito dahil nakakapagtaka kung Highschool pa lang tapos ganito na agad ka-tangkad.

Tumawa ako nang may maalala sa pigura ng lalaki. His figure can easily be compared to Kaley's body. Pareho silang matangkad pero sa tingin ko, ang huling kita ko kay Kaley ay nasa 5'11 pa lang siya. May kambal ba 'yon o kaya mas matandang kapatid? Anong grade na ba no'n ni Kaley?

"Now you're laughing? Lady, I told you to drink your water. You have to go home sober," the man said. Humagikhik ako nang marinig ang malalim niyang boses. May ipapalit na ata ako sa 'yo, Kaley! Akala mo 'di ako makaka-move on, ha?

"Wh—" he sighed. "Drink or I'll let you get wasted on the dance floor."

"Sino'ng tinakot mo?" I raised my brow at him. "Hindi ako takot sa 'yo, uy! Pa-banta ka pa diyan," I tsked.

Umupo ang lalaki sa kabilang upuan, iyong upuan sa tabi ko. He leaned and fixed my jacket properly. Ang ligaw na mga hibla ng aking buhok ay inipit niya sa likod ng aking tainga. He smells good. Lalaking-lalaki ang amoy niya, nakakaadik. Parang ang sarap ipabango sa akin no'n.

"I know you aren't afraid of anything or anyone. You're my November after all," bulong niya. Napanguso ako nang marinig ang kaniyang malambing na bulong. He held my hand and let go of it after a few seconds.

"Sino ka ba?" My drunk self asked.

He chuckled. "I'll go now, Nov. I'll see you when you're sober, all right? Your friends will take care of you. I'm sure of that."

------------------------------------------------------------------------------













Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now