BTLR: 03

7 1 2
                                    

Chapter 3: Date

Tinawanan ko si Kalen. "Alam mo, true! Ganda-ganda ko kaya. Kaya agree ako," sagot ko sa kaniya.

Tumawa rin siya at lumayo sa akin ng kaonti. Lumakad na siya palayo kaya sumunod na lang rin ako. Ang panget talaga kausap nito.

Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan ng opisina ni mommy bago pumasok. Sumunod ako sa kaniya at napansing walang tao sa opisina.

"Where do you think your mom went?" Kalen asked. 

"Baka nag-coffee break. Mag-stay na lang ako rito. May kailangan ka ba sa kaniya?" Umiling siya at umupo sa sofa na madalas kong hinihigaan tuwing andito ako sa office.

"I'll stay here with you while you wait for her," he said. Napataas ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Ito siguro 'yung sinasabi niyang 'love to play the game'. Player pala 'tong si Mr. Flirt.

"Ano trip mo?" Diretso kong tanong. Since straightforward rin naman siya, it's better to know his deal.

"Go on a date with me."

Napanganga ako sa pagka-straightforward niya. I thought he'll ask if I like him or what... or if I want to flirt with him. Pero date?! Gago, NBSB ako!

"I have to decline that," mataray kong sabi. "Why?" He asked in a business manner tone. "Kasi ayaw kita maging boyfriend."

He looked at me with a 'what the fuck are you talking about' look.

"I'm asking for a date, not a relationship," paglilinaw niya. Napa- "ahh" ako sa sinabi niya. Tumango-tango ako at inisip kung ano bang magandang sagot at ano bang dapat gawin.

First, if I go on a date with this gwapo yet flirty man, magb-benefit ako. Duh, a date with a handsome man is one of my dreams! Second, if I go on a date with him, walang mawawala. Hindi naman niya gusto ang relationship so it's fine.

Kapag naman hindi ako pumayag, there's a low chance of him pursuing me. I'm not that special para habulin dahil marami namang maganda sa school. Second, I do not want to get pursued and chased. I hate the drama.

I smiled at him and sat beside him. Binuksan ko ang phone ko at nag-scroll sa FB. "Sure," sagot ko, nakatingin pa rin sa phone ko.

"You'll go with me... on a date?" He asked, parang hindi makapaniwala. Tumango ako habang sinesearch ang name niya sa FB.

"Wala akong Facebook," sabi niya. "I deleted the app. I only have Messenger for school updates."

"Hindi kita sinesearch," defensive kong sabi. Lumapit siya sa akin at tinuro ang search bar ko kung nasaan ang first name niya.

Tinulak ko siya palayo at pinatay ang phone ko. Napakachismoso!

"I have Twitter and Instagram... but it's all private. Just tell me your username so that I can follow you," nakangising sabi niya, parang nangaasar pa dahil sa nakita niya sa search bar ko.

Umirap ako at pinakita sa kaniya ang username ko sa Instagram at Twitter. Narinig ko ang mahinang halakhak niya habang kinukuha ang phone sa loob ng bag.

"Damn, you have lots of followers," puna niya. "And half of them are boys."

Proud akong ngumiti. "Duh, maganda ako."

He made a face and did the 'share mo lang' hand sign. Tumawa ako at napangiti lalo nang makitang finollow niya ako sa Instagram at Twitter.

Kalen told me that he'll come and pick me up on Saturday. Which is ngayon. Kakabangon ko lang sa higaan nang makita ang message niya, nagtatanong kung ano ang susuotin ko.

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now