BTLR: 09

5 1 0
                                    

Chapter 9: Best Friend

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Pero ang pakilala ni tita Winona kay ate Kriselle, anak niya, e. Kahit na naw-weird-uhan, inalis ko na lang sa utak ko 'yon. It isn't my business so I better keep my nose out of it.

The next days were a brim of range. Rilynn was nowhere to be found. Nagulat na lang kami at wala na siya sa class list. She dropped out of school and she isn't at their house. Kahit si kuya at ang mama niya, wala. We tried to message her but there was no response.

When I went to school the next day after stalking Kaley's sister, I lost my best friend.

Brile was unusually quiet. Simula pa no'ng pagpasok ko sa room, pinagmamasdan ko na siya. Halos lahat silang tatlo, pinagmamasdan ko. Stella wasn't her usual self, and Jaxtin focused on CAT more.

It was our dark times.

Nang linggong iyon, hindi ko mapigilang puntahan si Kaley. He must have known something was up since he's the Corps Commander. Sure akong nagpaalam si Rilynn sa kaniya bago ito tuluyang umalis. CAT was also her home. I'm sure she won't just leave without saying goodbye.

Kumatok ako sa CAT office. I know this is something really embarrassing but I have to do this. At least for my peace of mind.

Sumalubong sa akin ang isang babaeng naka-bun. Pareho kami ng suot dahil normal day naman at wala silang CAT training.

"Hello, may I speak to Kalen Villega?" I said politely.

May tinawag siya sa loob at doon lumabas si Kaley na nakakunot ang noo. Hindi niya siguro in-expect na pupunta ako dito para lang makausap siya. Well, the CAT office is the safest place for us to talk. Baka ma-issue pa siya sa akin kapag sa classroom at ayaw ko naman ng gano'n.

"Let's talk," mariin kong sabi. May sinabi muna siya doon sa babae bago ito lumabas. Pinapasok ako ni Kaley sa loob at pinaupo ako sa upuan niya, 'yung sa table niya as Corps Commander.

Tumayo siya sa gilid at masama akong tiningnan. "What do you wanna talk about?"

Napahinga ako ng malalim. "Rilynn... Did she say goodbye to you?"

"What?"

"Just tell me. Did she tell you where she's going... Nagpaalam ba siyang aalis na siya?"

"There's no point in knowing, November," saway niya sa akin. Napatayo ako dahil sa inis. Anong 'no point'? Best friend ko 'yon tapos wala akong kaalam alam sa buhay niya! Napakawalang kwenta ko naman kung ganoon!

"Ang unfair niyo, tangina." Napahilamos ako sa inis. Bakit ba ang dami nilang tinatago sa akin? Ganoon ba ako kawalang kwentang kausap para 'di pagsabihan ng mga sikreto?

"Nov..." mahina niyang tawag. Tumayo ako at pinakyu siya. Wala kang kwenta. Sana hindi na lang ako pumunta dito. I freaking swallowed my pride just to talk to someone who left me alone! Bahala ka na.

Umalis ako at masama ang loob na umuwi. Hindi na rin ako dumiretso sa opisina ni mommy at hindi rin ako sumabay kay Brile. For once, I wanted to be left alone.

I received an e-mail stating that I'm no longer part of the Girl Scout of the Philippines. In-approve ang aking resignation letter. Buti na lang at ang resig letter ko ang in-aprubahan at hindi ang petition nilang paalisin ako. At least, I had some honor left.

Hindi rin ako pumasok sa mga susunod na araw. I kept on looking for where Rilynn might be. I tried contacting kuya Rolie's social media accounts. Pero wala, e. Walang reply. Walang paramdam. I almost got to the point that I wanted to ask Rilynn's father. Pero wala naman akong koneksyon sa kaniya bukod kay Rilynn.

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now