BTLR: 01

30 1 7
                                    

Chapter 1: Library


Kanina pa ako paikot-ikot sa grounds, hinahanap si Rilynn. Ang babaeng 'yun talaga! Sabi nang ayaw kong pinagpapawisan ako, e. Dami pa namang lumalapit sa akin para magpa-picture. Sus!

Dumaan ako sa Sentinel Office, sa GSP Office, sa Faculty Room, sa canteen, at pati na rin sa buong floor ng grade 8.

Pag nahanap ko talaga siya, sasabunutan ko siya.

Umakyat ako sa fourth floor para pumunta sa library. Bukod sa hihiram ako ng libro, hahanapin ko na rin si Rilynn. Baka sakaling andoon siya.

Kahit ganito ako, I love reading! I might be stupid and lazy as others think but I'm actually a bookworm. Hindi nga lang halata.

Pagkaakyat ko ay sumalubong sa akin ang masungit na si ate Paula. Siya 'yung SA o student assistant ni miss Chelsea. Ewan ko ba dito sa SA niya pero sobrang sungit talaga. Bukod sa ayaw maistorbo sa ginagawa, sobrang nana pa niya. Kahit isang kaluskos, ayaw marinig!

Sumimsim siya sa kaniyang water jug at pairap na humarap sa akin. "Ano na namang hihiramin mo, November?"

Umirap rin ako. "Libro, alangan. Saan si miss Chels?" I asked.

"Aba, hindi ako hanapan ng nawawala!" Pabulong pero halos pasigaw na rin niyang sabi. Naguguluhan nga rin ako dito, e. Baliw na ata 'to.

Umalis ako sa front desk at lumipat sa Fiction Section. Panira talaga ng araw 'yung babae na 'yan. Inis na nga ako dahil hindi ko mahanap si Rilynn, dinagdagan pa niya!

Inabot ko ang pangalawang libro ng Harry Potter series, pero bago ko pa man 'yun tuluyang makuha, may biglang humaltak na nito sa kabilang shelf. Napasimangot ako at biglang humarap sa maliit na butas.

Tangina, ang gwapo.

His skin is white, parang namumutla pero in a good way. Naka-clean cut ang dark brown niyang buhok at malinis tingnan ang kaniyang mukha. Good boy image, parang gano'n. Makapal ang kilay at ang mga mata'y parang nangaakit. Sobrang tangos rin ng ilong, parang may lahi pa ata 'tong lalaking 'to.

Imbes na magpatuloy ang aking masamang timpla, mabilisan akong ngumisi. My bad mood began to turn good. Makakita ba naman ng pogi, e!

Pumunta ako sa pwesto niya at nagpanggap na naiinis dahil inunahan niya ako sa pagkuha ng libro. "Hoy! Nauna ako diyan," mataray kong sabi.

He raised his left brow. Shuta... ang gwapo lalo! Okay lang na tarayan ako nito! Proud pa ako. Okay lang. Gwapo ka naman. Kung 'di ka attractive at tinaasan mo 'ko ng kilay, kanina ka pa tumilapon.

"What are you saying? Ako ang nauna dito," he said in a playful tone.

Umirap ako at pumalatak. "Sabing ako nga. Masyado ka lang malakas kaya mas nahaltak mo 'yung libro, pero ako talaga nauna sa paghawak niyan," sabi ko sabay turo sa librong hawak niya.

He smirked and showed his dimples. Hala, may biloy! November, lucky day mo ata ito.

"Okay, then," parang tanga niyang sabi. "If that's the case, ako pa rin ang nauna dahil ako ang naunang kumuha. Kung gusto mo, magreklamo ka kay ate Paula at tingnan natin kung sino ang kakampihan niya."

Sarcastic na tumawa ako sa sinabi niya. Alam siguro niya na mas kakampihan siya ng SA na 'yon dahil gwapo siya at mainit ang dugo sa akin nang isa. Grabe, ang unfair ng mundo! Pag talaga lalaki at gwapo ka, mas mag be-benefit.

"Alam mo, ewan ko sa 'yo. Can you just give me the book and let's call it a day?" I said, getting irritated... for real. Kahit gwapo siya, kung ma-attitude naman ay sayang lang.

"Hoy, ang ingay mo diyan, November! Lumabas ka na nga kung haharutin mo lang si Kalen!" Sigaw ng bida-bidang SA. Ikaw nga ang maingay diyan. Sigaw pa, parang timang.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaking may pangalan na Kalen. "Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Masungit kong tanong.

"You're quite funny, miss..." sabi niya na parang nagtatanong kung ano ang pangalan ko. Tumaas ang kilay ko sa paraan ng pagsasalita niya. "Bakit, interesado ka sa 'kin, 'no?" I fired at him.

Mas lalo siyang tumawa. "I just want to know since you heard my name from the SA," defensive niyang sabi. "By the way, I'm Kalen. You are?"

Fair enough. Unang name lang naman. Wala namang mawawala sa paglandi, 'di ba?

Tumawa ako sa loob ng aking isipan atsaka tumingin sa lalaking nag-aabang ng aking sagot.

"You can call me November."

"I was looking for you, Nova!" Rilynn said when I entered ate Kyle's café. Naka-order na siya ng pagkain naming dalawa, halatang kararating lang rin ng order dahil umuusok pa halos ang pasta na para sa akin.

"Ako rin, 'te. Hinahanap rin kita. Alam mo bang saan-saan ako napunta kakahanap sa 'yo?!"

Tumawa siya. "Where did you go ba?"

Ngumisi ako at kwinento sa kaniya ang nangyari. Sinimulan ko ang kwento sa pawisang ako na hinahanap siya, hanggang sa malanding ako na nakahanap ng gwapo sa library.

Nang araw na 'yon ay kasabay ko sa pag-uwi si Brile. Pareho kami ng way dahil kada uwian ay pumupunta pa ako sa office ni mommy para sabay kami umuwi.

Kinawayan ko si Brile at pumasok na sa loob ng building. Agad rin akong pinapasok ng guard dahil kilala ako bilang anak ng head Architect ng kompanya.

I greeted my mother who was in a call. Simpleng pagkaway at gesture lang ang ginawa ko, na siyang nakasanayan na rin naman niya. Bukod sa ayaw kong istorbohin siya sa trabaho, gano'n rin ang isa sa rules niya pagdating dito sa opisina.

Nang matapos siya, agad akong lumapit at humalik sa kaniyang pisngi. "How's your day, Nova?" Magiliw na tanong niya.

Ngumisi ako kaya nahalata na agad niya ang aking ibig sabihin. "You found a boy already? Kaka-start lang ng school year niyo, ah!"

Yumakap ako kay mommy at naglambing. "Gwapo niya, my. Alam mo, inunahan niya ako sa HP 2!" Reklamo ko kaya natawa si mommy.

"Why don't you just buy instead of asking the library's permission na hiramin 'yung books?" She asked.

Ngumiwi ako. "Sayang sa pera. And, magbe-benefit rin ako dahil nakakakita akong pogi!"

She gave me a hard chuckle. "Lagot ka sa daddy mo pag narinig 'yan," she warned. I ignored her remark and just focused on reading an e-book.

Halos fifteen minutes pa lang ang lumipas nang may biglang kumatok sa pinto ng office ni mommy. Dahil may kausap ulit siya, she gestured me to open the door.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Doon bumungad ang lalaki kanina sa library. Nakasabit ang kulay itim na bag sa kaniyang likuran at nakasuot na ngayon ng halatang mamahalin na jacket at earphones. Litong-lito niya ako tiningnan kaya naman napangisi ako.

I looked back to see if mommy saw who the person is, at mabuti naman dahil busy pa rin siya sa kausap. Bumaling ako sa lalaki at tinulak siya palabas pa lalo ng pintuan para maisara iyon.

Nang makalabas kami, binigyan niya ako ng nagtatakang mukha. "That's my mom," sabi ko. "What are you here for?"

He cleared his throat and removed his earphones. "May pinapatanong si mama kay Mrs. Tiamzon," sabi niya. Tumango ako at binuksan ang pinto muli para silipin si mommy.

"Sino 'yung kumatok, Nova?" She asked from the inside.

Nilakihan ko ang butas ng pinto at hinaltak sa braso si Kalen, 'yung lalaki kanina sa lib. "May itatanong daw po, my," I answered her.

Napalingon si mommy at nang makita ang lalaki ay mabilis siyang napangiti. "Kalen! Naku, ano 'yon, hijo? Come in, come in..."

The guy glanced my way. I gave him my brightest smile and gave him a wink, which made his lips rise like an amused lion.



------------------------------------------------------------------------------

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now