BTLR: 19

4 1 2
                                    

Chapter 19: Boyfriend


I was staring at Kaley for a long time. Sabay kaming kumakain sa hapag sa bahay namin, and he's feeling at home! He even brought Kyline with him. Iyong si Kyline naman, kasama ng parents ko sa sala at nanonood sila ng cartoons.

Pinagmasdan ko si Kaley habang nginunguya niya ang cookies. Nakatitig lang rin siya sa akin na para bang tanga. Nakakabobo siya! Last week lang ay sinabi niyang liligawan niya ako. Tapos ngayon naman, bumisita siya sa bahay namin ng may dalang cookies na siya lang rin naman 'yung kumakain. Sabi kasi ni mommy ay kainin namin kung 'di ay hindi kami lalabas sa kusina. Ewan ko nga anong trip nun, e.

"You should help me eat these," he said. Uminom siya ng tubig bago kumuha ulit ng panibagong cookie.

"Bakit 'di ka tumataba? Hindi rin malaki ang tiyan mo... Ang takaw mo kaya."

Muntik na niyang mabuga ang iniinom. Nilabas niya ang kaniyang panyo at pinunasan ang labi niya habang tumataas baba ang balikat sa kakatawa.

"I exercise, November."

"Sana all," naiinggit kong sabi. Tumawa siya ulit. Kumuha siya ng cookie mula sa bowl ko at nilapit iyon sa akin.

"Ah," he said, urging me to open my mouth. Ngumanga ako at kinagat ang cookie. Ngumiti naman siya sa ginawa ko. "Good girl!"

I scoffed and just ate.

"How 'bout we exercise? Sabay ka sa 'kin," sabi niya bigla.

"Sa'n ka ba nag-exercise? Sa bahay niyo?"

He nodded. "In my room. Let's video call na lang para hindi hassle. Or, do you wanna go sa gym malapit sa court?"

Umiling ako. "Katamad umalis ng house. VC na lang," sagot ko.

"All right. When do you wanna start?"

"Bukas? Available ka ba?"

He nodded. "Yes. Summer na naman. Let's exercise every other day na lang para may rest days ka."

Kaley continued to do... unexpected things. Minsan ay magigising na lang ako na nasa baba siya at may dalang pagkain, o kaya siya mismo 'yung nagluluto. Minsan naman ay naaabutan ko siya sa garden, inaayos ang mga halaman ni daddy habang nakabantay si daddy sa kaniya.

Parang hindi nga ako nililigawan niya, e. Parang pamilya ko! But, it's fine. Nasisiyahan rin ako dahil nagiging close silang tatlo.

"One, two, three, four..." bilang ni Kaley.

Magka-video call kaming dalawa habang nage-exercise. Nakatapat 'yung camera ko sa ceiling habang 'yung kanya ay nakatapat sa may kama niya. Ang laki kasi ng kwarto niya. Nilibot niya 'ko nung isang araw. Room tour pero virtual.

"Are you doing it, November?" He asked.

"Syempre! 'Di ko dinuduga," defensive kong sagot.

I positioned my camera and focused it on my face. "Oh, pawis nga ako!"

Sumilip si Kaley sa camers para tingnan ako. Tumawa siya habang tumatango-tango. "All right. Gawin natin next. Planking naman."

I made a face to tease him. Tumawa lang siya. We continued to exercise until the set of exercises that we need to do were done.

Days passed. Dumating ang araw na pinakahihintay ko. I was dreaming of this moment to happen. But also, natatakot ako na dumating ang araw na ito.

And it finally came.

The day that Rilynn will come back home.

"She'll go the the funeral," sabi ni Kaley. "Our Commandant died. I think she'll go there. Kakausapin ko siya."

Breaking The Lieutenant's RifleWhere stories live. Discover now