My eyes drifted back to Aedion. I saw him telling something to one of the waiters serving before turning back to me. My heart pounded when our eyes met.

Nang bumaba ang tingin niya sa aking baywang halos hawiin ko na ang kamay ni Teo doon, 'di bale nang magmukhang rude. And when he took a step forward, my heart jumped inside my ribcage. Nagmadali na agad akong umalis.

"Uh, excuse me, powder room lang," I quickly excused myself sa takot na baka lumapit siya sa amin.

Dinig ko ang kantiyaw sa akin ng kausap, saying I got shy because of what she said. Teo chuckled but denied it. Hindi ko na pinagtuonan ng pansin iyon at dire-diretso nang lumabas ng function hall. I didn't have to look back cuz I can already feel him following me.

Bakit ko nga ba naisip na hindi niya magagawang lumapit? He's always been like this. He doesn't get shy nor care about what other people might think and just do what he wants to.

For someone who's always affected by what other people will say back then, I find that side of him cool and attractive. Pero nahihiya talaga ako tuwing maraming tao lalo na't diretsahan din siya kung magsalita.

Ilang hakbang palang ang nagagawa pagkalabas, narinig ko na kaagad ang mabibigat niyang apak kasabay ng malaking kamay na sumakop ng aking kaliwang palapulsuhan na siyang nagpatigil sa akin sa paglalakad.

Animo'y tambol ang puso ko sa sobrang bilis at lakas ng kabog nito. Marahil ay sa kaba at sa pagmamadaling lumabas. Slowly, I turned around to face him. And just like what I expected, he's still in a foul mood. Mas lalo akong napapaso sa kaniyang madilim na mata ngayong malapit siya.

"Where are you going?" he asked in a cold tone.

Suminghap ako. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sari-saring nararamdaman at dahil na rin sa iritasyong nakikita sa kaniyang madilim na mga mata. His lips opened as if he's about to add something to his question. Ngunit sinara niya ulit ito. His jaw clenched.

Aedion looked away and sighed, tila ayaw iderekta ang iritasyon sa akin kaya pinapakalma ang sarili. When he turned back though, he still looked in a foul mood.

"Umuwi na tayo." marahan ngunit may diin niyang sinabi.

What? Before I could even say a word, Aedion already started walking. At dahil hawak niya ang palapulsuhan ko ay hila-hila niya ako.

"Sandali," sabi ko nang makabawi. "We're leaving? Paano ang trabaho mo? I can't leave just yet,"

Bahagyang bumagal ang paglalakad niya. Kunot noo niya akong nilingon.

"I am not required to be here tonight. Tapos na rin ang announcement, puwede na tayong umuwi." he said with finality.

My brows furrowed. I stopped my tracks making him do the same. Tumagilid siya upang tignan ako. Ang iritasyon ay mas nadepina sa kaniyang mukha. I could still feel my heart beating so fast inside my ribcage.

"Bakit ka nandito, kung gano'n? Isa pa, it's rude to leave right after the announcement. Hindi ko pa nga nababati sina Olivia, e," giit ko.

"Tss... baka naman ayaw mo lang? Gusto mo pang makasama ang lalakeng 'yon?"

"What?"

Ang tunog ng pagbukas ng pinto ng function hall ang nakapagpapigil sa akin na magsalita pa. Lumingon ako at nakita si Clarissa na palinga-linga. Her almond shape eyes widened when she saw me.

"Yuri! Nandito ka lang pala!" aniya at agad na lumapit.

Isang sulyap kay Aedion bago ako tuluyang humarap kay Clarissa. I pulled my hand away from his hold at sinalubong na ang kaibigan bago pa ito makalapit ng tuluyan sa amin at mapansin si Aedion.

Orphic LoveWhere stories live. Discover now