CHAPTER 30: WISH

7 0 0
                                    

HIILL (YATE) POV:

"Okay ka na ba bakla?" tanong ko kay Zey zey na nakahilata sa hospital bed.

Napunta siya rito dahil may kung anong droga raw ang naiturok sa kanya kaya nahirapan siyang huminga buti raw naitakbo siya dahil kung hindi ay jusko ineng tegi si bakla.

'Nakakaimbey naman ang gumawa nito!'

'Paano nga ba?'

"Kanina ka pa crayola ng crayola sis--" hinampas ko si baklang Aya. "Gorabells na tayo. Magsisimula na bukas ang Music Fest kailangan nating maghanda," sabi ko.

"Anong crayola?" tanong ni A.

"Yeah. Why so lalim naman that. I cant understand. Do you mean pagkukulay? She even dont have coloring books," maarteng sabi ni Ella.

"Yeaa.... Will you please tigil na muna. We cant maintindihan you. The two of you!" naiinis na sabi baklang Cy.

"Ampanget mo magconyo bakla!" humagalpak kami. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Will you please stop, all of you! Maingay may pasyente rito!" inis na sabi ni Vin.

"Ang sungit ni bakla ngayon ah. Ano meron? Kabuwanan ba niya?" natatawa ko sabi. He glared at us.

"Gorabells na nagsusupersayan na si Mudra. O siya mauna na kami. Bantayan mo iyang anak mo ha," sabi ko bago umalis.

SOMEONE POV:

"Dito ang daan Agent M and Agent R," kasalukuyan kaming narito sa loob ng hospital upang bisitahin ang may sakit na lider ng LBSVNI.

Kinuha namin sila upang maprotektahan sila at maibalik ang kanilang nawalay na memorya ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito nahahanapan kung saan ito tinago.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang grupo ng mga studyante, nakasauot pa sila ng pamilyar na uniporme. Tinitigan ko sila.

'Oh shit!'

'Bakit sila nandito?'

'Anong gagawin ko?'

Imbes na doon kami sa shortcut na daan ay iginaya ko ang dalawang agent na kasama ko sa paliko likong daan ng hospital papunta sa kwartong aming destinasyon, nang makarating kami roon ay agad akong pumasok at sinabi sa ibang miyembro ang nakita ko.

"Nakita ba ng dalawa ang mga bata?" tanong ng isa sa kanila. Umiling ako.

"Good," ani nito.

"Sinong mga bata?" tanong ni Agent M.

"'Yun ba ang mga batang masayang nagtatawanan kanina roon sa main na daanan?" ani ni Agent R. Napalunok ako.

"Bakit sila? Anong tungkol sa kanila." tanong ni na naman ni Agent M.

"W-wala," sabi ko.

"Ah nga pala, bibili lang kami ng makakain," biglaang sabi ni Agent M. Umalis na sila.

"T-teka!" sabi ko ngunit naka alis na sila.

"Hayaan mo na sila. Siguro naman nakaalis na ang mga batang iyon," umupo ako sa upuan at nagsalin ng tubig.

"Malapit na kaming magtanggal bilang mga Agent. Matapos lang namin ang misyon namin ngayon ay tapos na ang serbisyo namin, sa katunayan nga'y nung isang buwan pa sana ngunit kumuha kami ulit ng isang misyon," ani nila.

"Anong misyon po ba iyon?" curios kong tanong.

"Ang maibalik ang alaala ng dalawa," Seryosong sabi nila.

ZEY ZEY (WHISKEY) POV:

Tumayo ako. Lumapit naman si Vin sakin at inalalayan ako. Walang sino man sa amin ang bumasag ng katahimikan, dahil hindi ko natiis ay ako na ang unang nagsalita.

SABULUM CLOQUE ACADEMY [COMPLETED]Where stories live. Discover now